Ano naman gagawin nun?
After 2 minutes...
Lumabas siya ng naka-sando lang ang top niya.
*o*
"Alam ko yun , pogi na ako." Sabi niya.
"Baliw! Baki---"
Bigla niya akong hinila palabas at tumakbo kami papunta sa gate ng school.
"Teka nga lang! Saan ba tayo pupunta?"
"Basta sumama ka na lang!"
Bumitaw ako. "Eh pano naman yung mga gamit ko ha?! Tsaka huwag mo akong isama sa kalokohan mo!"
"Don't worry about your things sila Daniel na ang bahala dun."
Juice colored tulungan ninyo ako plitthhh.
Lumabas na kami ng school,alam kong cutting classes na yun huhuhuhu pero ang kulit ni James...hindi ko rin siya matiis.
Si Nikki hindi muna makakapasok kasi nilalagnat siya, kaya wala na akong susunduin sa kabilang building. naputol ang iniisip ko nang makita ko ang isang magandang itim na sasakyan,halos masilaw na ako sa sobrang kintab!
"Pasok!" Sabi bi James sabay bukas ng door ng car. XD (di ko po alam yung tawag dun eh! Hahaha!)
Sumunod na lang ako sa kanya.
*****
Nandito kami ngayon sa sasakyan niya.nagda-drive siya ngayon pero hindi ko alam kung saang lugar niya ako dadalhin.
SOBRANG AWKWARD dito sa car niya ,wala man lang music!
"So uhm, about kanina..." Sabi niya.
Baka naaalala na niya? NOOOOOOO!
"Ano meron?"Tanong ko habang nakatingin sa bintana ng sasakyan.
Ang tagal niya naman sumagot.
"We Kissed! Right?" Sabi niya. Agad akong napatingin sa kanya.
PAKSHET NADINE NAAALALA NIYA NGA.
Naka-smile siya ng konti , parang baliw.
"N-naaalala mo?"
"Well hindi ba halata? Gusto mo ulitin pa natin?" Tinigil niya ang sasakyan sa tabi at nilapit niya ang mukha niya sa akin.
JAMES REID TIGIL NA PLEASE!
Napapikit na lang ako.
"HAHAHAHAHAHA ANG E-EPIC!"
Nagulat ako nang bigla siyang tumawa at dun ako napadilat.
"EWAN KO SAYO , BABABA NA AKO!" Sigaw ko.
"Subukan mo , ipagkakalat ko yun!"
Ipagkakalat niya? Lintek naman to oh!
"Oo na po!" Sabay cross arms.
Inandar niya ulit ang sasakyan.
Hindi ko akalain na siya ang FIRST KISS ko. Sa totoo lang hindi talaga ako marunong humalik pero nagtaka ako ng nagrespond ako sa kiss niya.
Utak: Aminin mo Nadine , kinilig ka dun noh?
Sus! Ako kikiligin di nga?
Puso: Eh bakit ang lakas ng tibok ng puso mo ha?
Oo na talo na ako! KINIKILIG NA AKO!
Hindi ko alan na sobra na pala yung pagde-daydream ko kaya tumigil na ako.
Nandito kami ngayon sa sementeryo, hindi ko alam kung bakit niya ako dinala sa lugar na to. May namatay ba? Sino naman yun?
"We are here!" Sabi niya. Tumigil ang sasakyan sa parang bahay pero libingan siya. Ang laki naman!
Bumaba na kami sa sasakyan. Napansin ko na may kinuha si James sa likod ng sasakyan niya , isang flower bouquet. sobrang ganda!
Pumasok na kami sa bahay na yun. ang bango dito kahit nasa sementeryo eh ang bango parin! alam kong mukha akong tanga dito dahil kanina pa paikot-ikot ang mata ko sa mga paligid. ANG GANDA KAYA!
"Nadine help me here!" Sabi ni James habang inaayos ang mga flowers. TEKA NGA LANG! Sino ba yung nasa libingan?
"Sige James , sino nga pala--"
"My mom."
OH? MOM NIYA YUN? HUH?
Tumahimik na lang ako at tinulungan na lang siya mag-ayos.
Pagkatapos namin ay umupo kami sa maliit na sofa Oh taray diba? may sofa pa ah! Hahahahaha!
Nung tiningnan ko ang pangalan ng mom niya "Evelyn Alexis Reid" , parehas pa kami ng second name ha! tingin ko maganda siya kasi pogi si james eh , tsaka pogi rin kaya yung daddy niya!
"Bakit pa kasi kailangan niya mamatay , wala naman siyang ginawang kasalanan!" Biglang naputol ang iniisip ko nang magsalita siya.
"huh? bakit ano ba ang nangyare?" tanong ko. naku-curious naman ako about sa mom niya.
FLASHBACK PO ITO OKAAAAYYYYYY?
(KWENTO KO NA LANG)
So ganto yun , nasa bank kasi sila ... dating manager ang daddy ni James dati dun , tas dadalhan sana ng lunch ng mommy niya at siya ... surprise dapat nila yun kaya nga lang may mga nag-holdap then lumaban ang mommy ni james , ayun nasaksak siya sa tagiliran ng tiyan at mabilis din naubusan ng dugo kaya hindi na nakaabot sa hospital! :)
END OF FALSHBACK OKAAAAAAYYYY?
Kinuwento sakin ni James ang lahat ng nangyare. Kaya siguro siya ganyan dahil sa mom niya. I feel so sad fo him."So kaya ka ganyan?"
"Anong ganyan?" Sabi niya sabay kamot ulo.
"Ugali mo."
"Bakit may problema ba sa ugali ko?"
Hindi ba niya nahahalata yun?! Hayyy nako James , kung pwede lang iuntog kita sa pader eh! pero bawal! xD
"tsss. ewan ko sayo!"
tumingin ako sa mga mata niya...
"Umiiyak ka ba?"
"Hindi ah"
"Weh?Ayan oh uiii! tumulo na yung luha mo oh!" Tinuro ko yung luhang pababa sa kanyang mukha.
Naging seryoso ang mukha ko sa nakita ko. para siyang bata na nawawala.
"Ui , ano? okay ka lang?" Lumapit ako sa kanya at tinap siya sa likod. "Sige James , ilabas mo na ang lahat!"
"B-but why?"
"Ganayan talaga James , tanggapin mo na lang!" hinarap ko siya saakin at pinunas ang mga luha niya gamit ang aking thumbs. "Tahan na , uwi na tayo okay?"
Tumayo na lang siya at dumiretso kaagad sa kotse.
Suplado naman ni kuya! hahahaaahaha!
*****
Sorry kung late update ah! Busy kasi si author eh hahahaha! Thank you sa lahat ng sumusporta sa WTLB! Love youuuu guyz! xoxo
xx VOTE and COMMENT xx
(c)valeriexhoran
BINABASA MO ANG
When the love begins (JaDine FanFic)
FanfictionWhen the love begins... Magbabago na kaya ako? Mag-iiba na ba ang takbo ng buhay ko? HANDA NA BA AKO?