"I-ikaw na naman!!" Sabay kaming nagsabi.
Parehas kami shocked face.
Oo , si James nga.
Argghhh! Bakit ko pa kasi naging kaklase itong lintek na to eh!
"Hi! Miss Sungit! Magkaklase pala tayo?" Sabi niya sabay wink.
Nakakainis na ah.
"He-he-he! Hindi ba halata?" Fake laugh tho!
Kinuha niya ang isang upuan at umupo sa tabi ko.
"Bakit ka uupo dito?" Tanong ko.
"Gusto ko eh , bakit ba?"Sabi niya. Inirapan ko na lang siya at nagbasa ako ng pocketbook ko.
"Boss kilala niyo yan?"
"Chix yan ah!"
Yan ang mga naririnig ko habang nagbabasa ako ng pocketbook.
Jusko! Parang mga manyakis?
Dumating na ang prof.
at tumayo naman ako.
Napansin ko nakaupo silang lahat ako lang yata ang nakatayo. Ano meron?
Umupo na lang ulit ako. Pinagbubulungan ako ng mga babae sa first row.
"Tumayo kayong lahat." Sabi ng prof. namin. Aba eh? kakatayo ko lang eh! Tatayo ulit?
Pinagmamasdan kami ng professor lakad dito , lakad doon.
Babae siya mga 45 years old.Mukha siyang mabait na mataray! (Ano daw?) Tingin ko strict itong prof. Na to.
Hindi ko napansin na nakatitig pala sa akin ang prof. namin.
"Your face is familiar darling!" Sabi niya."Are you one of the Lustre's?"
"Uhm , yes mam!"
"Your mother is my best friend since we were 15 yrs. old. Kahawig mo talaga siya!" Sabi niya ng nakangiti.
Mabait naman pala siya eh!
FASTFORWARD
Lunch na at wala pa rin akong nami-meet na kaibigan. Siguro si James Reid lang kakilala ko dito. Pero HINDI ko siya friend.
FRIENEMY? Puwede! :)
Bumili na ako ng makakain ko. (Carbonarra , Iced tea and Red velvet cake) Grabe ang sarap naman ng pagkain nila dito , may pagkamahal pero Kaya naman!
Kanina pa ako palakad-lakad dito. Wala pa rin akong makita na mauupuan ko.
Sa dami bang tao dito eh!
Ayun may nakita ako... kaso nandun yung grupo ni James. Hindi ko alam kung uupo ako dun o hindi.
"Hi Miss!" Sabi ng isang lalaki.
"Ayy , may palaka!" Nagulat ako dun ah!
"Sa pogi kong ito? Palaka pa talaga?"
SHEMAY OO NGA POGI NGA!
"Ikaw naman kasi biglang sumusulpot!" Nakakagulat kaya!
"Sorry! New student ka dito noh?" Tanong niya sabay smile.
"Huh? Eh... oo!"
"I'm Ivan Dorschner!" Sabi niya tas nakipagshake-hands siya sa akin.
"I'm Nadine Lustre!" Bumitaw na ako sa kamay niya pero siya hindi pa rin. Pinilit ko... ayun! Bumitaw rin siya!
Ang gwapo niya pag naka-ngiti!
"Baka matunaw naman ako?" Sabi niya sabay tawa.
TOMATO FACE: ON
BINABASA MO ANG
When the love begins (JaDine FanFic)
FanfictionWhen the love begins... Magbabago na kaya ako? Mag-iiba na ba ang takbo ng buhay ko? HANDA NA BA AKO?