Wanna see you dying

0 0 0
                                    

Eren dos p.o.v

"She loves me, she loves me not. She loves me she loves me no- ahhhhh! Bakit ba lagi nalang she loves me not ang kinakalabasan!?"

Pasigaw na sabi ng katabi ko dito sa may garden ng school. Psh, kalalaking tao naniniwala sa mga kahangalang bagay nayan. Kung hindi ako nagkakamali aubrey ang pangalan niyan and he's an engineering student sa 4th building. Bakit ko alam? Kase kaklase ko siya sa lahat ng subject. Nandito kami dahil pakana ito ni ma'am glory. Maganda daw kase na punuin ng masasayang bagay ang garden na ito. Kainis!

Anong gagawin ng mga engineering student dito? At mukha ba kaming masasayang tao para kami ang utusan mag tanim? Punuin daw ng masasaha tong garden namin di sana ako nalang dapat itanim nila dito kase tumatawa ako kahit walang nakakatawa.

"Hoy! Tangina mo aubrey any tanda tanda mo na naniniwala kapa sa ganyang kalokohan! Hindi kana nga tumutulong nilalaspag mopa yung natitirang bulaklak dito!"

Napahagalpak ako ng tawa sa sinabi ng isa sa naming kasama dito na kanina pa nagbubungkal ng lupa. Maasim narin ang mukha nito at halatang inis inis na. Hindi ko narin mapigilang mapapadyak sa kakatawa at ngayon si aubrey naman ang masama ang tingin sakin. Binelatan kolang siya sabay tawa ulit.

"Kesa tumawa ka ng tumawa diyan eren. eto, tanggalin mo sa lalagyan yung mga buto tapos yung mga bulaklak basain mo para di malanta agad ha? Bilis!"








We All Have SecretsWhere stories live. Discover now