1

9 4 2
                                    

10:44 PM and still awake, my insomnia na ata ako kakababad sa pagbabasa, at dahil desyembre at malamig ang panahon nakasanayang magkape kahit naman dati rati ay hindi umiinom. Pabaling baling ako sa kama ko. Dinig na dinig ko ang hilik ni papa at ang nagsasalita habang tulog na kapatid ko, si mama lang ata ang tahimik na natutulog habang tabi ni papa. Tanging kurtina lang kasi ang pagitan ng mga kama namin, tag iisa kami ng kama at syempre tabi sina mama at papa sa sarili nila. Maingay ang tunog ng mga electricfan, malamig ang panahon pero dahil may mga lamok kaya ito binuksan. Ilang bwan o isang taon na ata akong ganito, tulog sa umaga, gising sa gabi kaya badtrip nga kung may pasok eh' nasisira tulog ko sa umaga.

Inopen ko na lamang ang cellphone ko at tuloy ang pagbabasa, ilang oras ang nakalipas at natapos ang binabasa ko ay ganon parin. Hindi parin talaga ako dinadalaw ng antok kaya napagpasyahan kong isaksak ang earphone sa cellphone at saka sa tenga ko bago inopen ang music. Gaya ng nakasanayan, mag iimagine muna ako. Hindi man magkatotoo, maranasan ko man lang kahit sa pag iimagine lang. Ganito na ako, bata pa lamang. Hindi ko alam kung paano nagsimula at kung kailan, basta't nagising nalamang ako isang araw na kahit dilat ang mga mata at nasa wisyo ay nagagawa kong pagsabayin ang pag deday dream habang may ginagawa. Para akong baliw na nangingiti at natatawa, buti na lamang at miminsan ko lang kausapin ang sarili ko, so far ayokong matawag na baliw pag may nakakita o makarinig man lang sa akin.

Hindi ko alam kung baliw na ba ako o bored lang sa buhay. I just want to make myself happy, yung walang prinoproblema. Masyadong makasalanan at mapanakit ang totoong mundo, kaya ko naisip gumawa ng sarili kong mundo, doon ay nakocontrol ko ang mga pangyayari, nagagawa ko ang gusto ko. Pero may limitasyon, alam ko namang hindi iyon totoo, pero anong magagawa ko? Dun lang ako masaya, yun lang ang tanging paraan para matakasan ko ang masyadong mapanakit na katotohanan. Ang gusto ko lang naman ay matulad ang buhay o lovelife ko sa mga nababasa at napapanood ko. Dahil doon. . .may pagmamahal, bakit sa totoong mundo. . .wala akong makita? Sa totoo lang. . . Walang kwenta ang buhay ko, i am a nobody.

Yes, i may be alive but i feel like i am dead. Nabubuhay para sa pamilya ko. I haven't experience love yet. Ayoko na kasi ng generasyon ngayon, kahit may asawa kakabit pa, kahit bata pa papatanan na, kakaregla lang papaputok na. I maybe harsh, but. . . What's happening in this world? Pati mga panget choosy na din ngayon, mga gwapo naman bumibigay na din ngayon. What the hell really? Im not saying that i am good looking, im not a judge, at hindi din ako perpekto. Lahat naman diba? Hindi perpekto? But seriously? Wala na bang maria clara ngayon? Ipinagbabawal na ba iyon ngayon? Arrrgh i hate stressing myself but this world stressing me out.

I should start dreaming.

NAPAKUNOT ang noo ko, kanina pa ako naglibot libot dito hindi ko pa nahahanap ang hinnahanap ko.

"Lax?"

Hinalughog ko sa aking bag ang cellphone at hinanap ang number nya sa cellphone ko. Ring lang ito ng ring. Kainis!

Napabuntong hininga ako. Siguro ay nagtatampo parin ito sa akin dahil sa hindi ko pagpansin sa kanya nung nakaraan.

Ang isang iyon! Napakatampuhin talaga, napakaisip bata!

Hindi ko nalang ito itunuloy at naglakad na papasok sa aking classroom. Sakto at wala pa ang una naming guro kaya nama'y dirediretso akong naupo sa pwesto ko. Typicall students, magulo ang classroom, may iba't ibang ginagawa ang mga kaklase ko. I wonder if lax are now in his class? Arrrgh hindi ko talaga kayang hindi isipin ang isang iyon! Kung bakit ba kasi napakatampuhin!

"MS. IMPERIAL? Did you already finished your work?"

Nagising ako sa malalim na pag iisip. Ms. Sacamil who is now looking at me with her one eyebrow's up. Napatayo ako sa gulat. Work? Anong work? Agad na nag sink in ang tinutukoy ni ma'am sa isip ko, matagal bago ako nakasagot.

Dream To Wake UpTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon