---------------------------------------------
EDITED.
------------------------------------------------
4TH Sign
"Ok Class. Meron kayong project.. Ipapasa ngayong friday ah. Gagawa kayo ng insight about sa mga nabasa nyo ng story." sabi ni maam.
"Maam, kahit ano po ba? Tagalog or english?" tanong ng isa kong kaklase.
"Maganda yang tanong mo. Hmm, Dahil future educator kayo. Syempre English."
"Oh no." napasabi ko na lang.
"Bakit Jhonalyn?" tanong ni joy.
"Kasi. english daw."
"Ano naman? Masama ba yun?"
"E kasi mahina ako dun dba? tsaka wala pa ko nababasang mga story na english. Maliban na lang sa mga fairytales."
"Ay. engot ka. siempre hindi kasali dito ang mga fairytales noh. Pambata lang yun. Kaya nga project e. Mahirap siempre kaya kung ako sayo paguwi ko magsesearch na ko ng english na story."
"Tss, yun nga. Hindi ako mahilig sa ganun. Di ko rin yun maiintindhan"
"Tsk, shunga ka talaga, kaya nga magbabasa dba?"
"Kahit nga basahin ko."
"Hmm, hindi kita matutulungan jan. Alam mo naman may club akong sinalihan dba? Busy akong magturo" sabi nya.
OO nga pala kahit humingi ako sa kanya ng tulong di nya ko matutulungan dahil busy sya sa club nya. Ako kasi walang club. Tamad kasi ako e.
"Sino kaya makakatulong ko? Wala namang akong kapatid na pwedeng magturo sakin." pag-aalala ko.
"Sorry maam I'm Late." rinig namin sa kadadarating pa lang na si Michael.
"Alam ko na!" sigaw nito ni Joy.
"Hui,baliw kna ba? Bakit ka sumisigaw jan?"
"Hindi mo ba naiisip yung naiisip ko?"
"Iniisip mo ?"
"Shungaa." sabay batok sakin.
"Araay. Para san yun"
"Kasi di mo ba nabasa yung sign?"
"Sign ? alin ba dun? nakalimutan ko e. tsaka nasa bahay yung copy ko." pagkasabi ko. nabatukan na naman ako.
"Shunga ka talaga. dapat lagi mong dala. malaay mo may ginawa na syang nasa 10 sign. ay naku. mabuti na lang lagi kong dala tong copy ko.~ oh basahin mo." sabay abot sakin nung papel.
Pagkaabot nya sa akin tinuro nya ang sign number 4.
4. He is always ready to give you some favors.
- If you ask him to help you doing homework, projects or anything, he is always ready to help you. You will notice that your friend is excited to know that he is needed.
"Oh ano naman gagawin ko sa sign no. 4?" tanong ko sa kanya. tapos bigla na naman nambatok.
"Araay nakakarami kna ah." sabi ko.
"Kasi naman. yan nga ang gawin mo. Ay naku siempre pag tinanong mo sya tapos pumayag syang tulungan ka jan sa project natin. edi may gusto talaga sya sayo. ayaw mo non nagawa nya yung pang 4th sign. naku talaga bopols." sabi nya.
Oo nga noh. Di ko naisip yun. Mabuti naman dumating si Michael at may naisip na naman tong babaeng to. Ang talino talaga nito minsan. HAHA.
"Ano? tanungin mo na sya! Michael may tatanung daw sayo si jhonalyn" sabi ni joy ng di ko namamalayan. andito na pala si michael sa upuan namin.
"a-ah a-ano k-kasi.. p-pwede b-bang"
"Pwedeng ano?" tanong ni michael.
"Paturo daw sya sayo ng project. siguro naman alam muna dba? Hindi kasi sya mahilig magbasa ng libro, tapos english pa. e ikaw lang mahilig sating tatlo na magbasa ng mga stories kaya naisipan nya na sayo sya magpaturo. ok ba sayo michael? Hindi ko kasi sya matutulungan kasi dba may club ako?" sabat ni joy.
"Ha? talaga? yun lang ba? sus. Ok lang.. masaya nga ko na sa akin ka magpapaturo jhonalyn."
"T-talaga ok lang sayo?" tanong ko.
"ok nga daw dba? shunga talaga" sabat ulit ni joy.
"oo ok lang. kelan ba? mamaya? 2 days lang pagitan ng project natin kasi insight lang ng story kaya madali lang yun. matatapos agad natin mamaya."
"a-ah sge mamaya na lang.punta ka sa bahay. thanks ah" nahihiya kong sabi.
"sge" ngiting-ngiti nyang sabi.
^^^
BAHAY.
"Simulan na natin" sabi ko kay Michael
"Sge.hmm, napili kong kwento para sayo yung Night in the hills by Paz Marquez Benitez."
Blah blah~ nagkwento sya tungkol sa storyang yun. Naintindhan ko naman. Si Gerardo Luna ay isang jewelry salesman na nangangarap na tumira sa isang forest, magandang mga ulap, puro puno, magandang batis, basta parang paraiso kumbaga.
Pero isang araw nanaginip sya. Ibang-iba sa forest na gusto nya. Una nasiyahan sya dahil natupad nga sa panaginip nya na makatira sya sa forest pero naglaon, na-realized nya na hindi nya kayang mawalay sa asawa at sa mga kakilala nya. Kaya natutunan nya sa panaginip nya na wag masiadong mangangarap.
"Ok. naintindhan mo ba ?" tanong ni Michael
"Oo salamat ng marami Michael ah. Utang na loob ko ito sayo."
"Ok lang yun. Pero wag kang matuwaa. May bayad yun ah, HAHA"
"Bayad? Anong klaseng bayad? Magkano?"
"Hindi pera. basta malalaman mo na lang sa susunod na mga araw!" patawa-tawang sabi ni michael.
"Ganun ba?"
"oo. sge goodnight na. maaga pa bukas. alis na ko. Bye."
"Sge. hatid na kita sa baba."
4. He is always ready to give you some favors.
- If you ask him to help you doing homework, projects or anything, he is always ready to help you. You will notice that your friend is excited to know that he is needed.
--------------------------------
Vote and Comment po.
Enjoy

BINABASA MO ANG
10 Signs that your BESTFRIEND likes you (May Sequel :P)
Teen FictionAre you looking for signs that will tell you your friend likes you more than a friend? Do you want to know if the feeling is mutual? It's such a great feeling when you know that your crush has the same feeling for you. I know you have notice some si...