1

33 2 1
                                    

Alex POV

"Inanunsyo ni Pangulong Duterte ang pag lalagay sa Manila ng Enhance Community Quarantine o ECQ dahil sa Coronavirus Disease o Covid19 outbreak simula March 15, 2020. Isang buwan isasailalim ang Metro Manila upang mapigilan ang pag kalat ng virus sa lungsod---"

"Ano?!!!!!!"

Halos matapon ko ang kapeng hinahawakan ko nang marinig ang balitang yun.. Palakad lakad pa ako sa kabuuan ng Sala dahil sa problema ko ngayon.... Kainis Naman oh... Kung kelan may passport na ako saka pa nagkaroon ng lockdown.. di ba pedeng sa next month na lang yan?

"Hindi to pwede! No. No. No. No. Noooo!" Sigaw ko ulit

Anong gagawin ko?!! Aalis na dapat ako this month papuntang paris pero!! Damn this Covid19

*Riiinggg

"Hello" halos pasinghal kong bungad sa kabilang linya

"I think you already heard the bad news.. Well as far as I know isang buwan ka sa bahay ko" bungad ni Grace

"Yeah, Unfortunately" buntong hininga ko

"Naaahh, Di naman ako maniningil ng upa sayo noh parang di naman tayo mag kaibigan nyan, What my point right now is dahil di rin ako makauwi dyan sa Pinas, ikaw na muna bahala sa bahay ko, saka as if may choice eh lockdown nga pano ka makakauwi sa inyo" paki usap nya... Paki usap nga ba yun?

"Oo na.."

"Kawawa ka naman, kala ko pa naman pagkatapos mong nag paris pupunta ka na dito" sambit nya

"Sayang nga eh.... Ako pa tuloy maiiwan sa bahay mo" reklamo ko

"Wow ah, ang bait mong mag pasalamat, o sya sige na at baka darating yung childhood friend ko dyan sa subdivision natin, ientertain mo ah!" Utos nya pa

"Trabaho ko pa yun?" Pilosopong tanong ko

"Gaga! Mag Isa lang sya sa bahay nila noh! Saka 7 years nang di nakakauwi yun dyan noh"

"You mean your childhood friend lived next door.. yung haunted house na bahay?" Tanong ko

"Haunted house ka dyan.. di lang yun na alagaan no,miss ko na nga yung Rona na yun,eh..---"

"Tama ng drama, Wala ako sa mood, kainis,di na tuloy ako maka paris neto" putol ko sa sinabi neto

"Suss, as if importante ang pag pa Paris mo eh su supresahin mo lang Naman ang shota mong kasing cold ng yelo.. sige na byeee, ingatan mo bahay ko" pahabol nya sabay putol ng linya

Napa buntong hininga na lang ako sabay upo sa sofa.. So anong gagawin ko dito? Matutulog, kakain,gigising,kakain.. Shuta para along inahin neto

"Bwesit" bulong ko pa saka naligo na

Ayan, mag kakaroon pa ako Ng responsibilidad sa bahay na to

***

Kasalukuyang nag papa dry na ako ng hair gamit ang towel ko.. Gabi na rin at kailangan kong matulog ng maaga, I was supposed to turn my lights off ng mapansin kung may ilaw na sa kabilang bahay (yung bahay na parang haunted house dahil matagal ng walang tao)

"Bumalik na siguro sya" bulong ko pa

Tapat lang yung bintana ko sa bintana din ng kwarto ng kabilang bahay, halos mag kalapit lang ang bahay nina Grace at ng haunted house.. Kung walang bakod baka mapagkamalan mong iisang bahay lang..---

"I'm back!!"

"Aaaaahhhhh!!!!"

LockED DownWhere stories live. Discover now