1

4 0 0
                                    

AMORA'S POV

'I feel like I'm in heaven'

Naglalakad ako sa garden nang bigla kong natanaw ang magandang amusement park na malapit lang sakin.

Nang makalapit ako ay wala man lang akong nakikitang kahit na sino. Naglibot-libot ako nang bigla akong mahinto dahil may nakita akong lalaki na nakatingin lang sa umaandar na carousel pero wala namang nakasakay.

Napaiba ako ng direksyong tinitingnan nang bigla syang lumingon sakin.

ang gwapo nya jusq po.

Nang tumingin ako sa kanya ay nakatingin pa din sya sakin pero unti-unti na syang lumalakad papalapit sa akin.

iligtas nyo po ako, help!!

Pumikit ako ng maramdamang malapit na sya sakin, hindi ako makaalis sa kinatatayuan ko. Feeling ko ay nakasuper glue ang paa ko sa may sahig.

"Hi" Saad nya ng makalapit na sya sa akin. Unti-unti ko namang minulat ang mga mata ko hanggang sa malinaw ko na syang makita.

he's so ethereal.

If this is just a dream, please don't wake me up.

"uhm, are you okay?" omg he smiled at me!! Gusto ko sumigaw kaso nakakahiya.

"y-yes of course" Ngumiti na lang din ako sa kanya pabalik.

"hi" Sabi nya ulit ng nakangiti.

he has a dimple. how cute he is.

"oh hi" Tumalikod sya sakin at naglakad palayo, sumunod naman ako sa kanya kasi ang creepy dito walang katao-tao.

Nakita ko namang pupunta sya sa may wooden na upuan. Nang umupo sya ay tumingin sya sakin at inalok akong umupo sa tabi nya.

"so, where are you from?" Tanong nya sakin bago sya tumingin.

I envy his beauty, omg.

"I'm from Batangas"

"ikaw ba?" Pabalik na tanong ko sa kanya.

"I'm from Calamba" Hindi ko na tinanong kung saan banda sa calamba kasi ayaw ko namang maging madaldal sa harap nya.

"how old are you?" my goodness, sa lahat ba naman ng itatanong nya edad ko pa talaga?

"I'm 18, how about you?" jusq balikan lang kami ng tanong nito eh.

Napansin ko namang wala pa ding dumadating na mga tao dito kahit na bukas na tong amusement park.

"I'm 19, kakabirthday ko lang last month" Sabi nya. So kaka-19 lang pala nya last month. Kaka-18 ko lang din last month eh, siguro magkasing lapit lang birthday namin.

"Muntik ko ng makalimutan, ano nga palang name mo? Kanina pa tayo naguusap dito pero di ko man lang alam name mo" Kanina pa kami magkausap dito tapos di man lang namin kilala yung isa't isa. awtsu naman.

"oh haha by the way, I'm Morp—"

*phone alarm

Napabangon ako bigla nang biglang nag-alarm ang phone ko.

Akala ko naman totoo na. Panaginip lang pala huhu.

Pinatay ko ang alarm ko at nakita ko naman ang oras.

July 13 2018 (FRIDAY)

1:11 pa lang ng madaling araw, advance naman tong alarm ng phone ko. Panira ng panaginip eh huhu.

Hindi ko man lang nalaman yung pangalan nya pero alam na alam ko yung mukha nya. His ethereal face omg.

Sumakto pa talaga tong alarm kung kelan magpapakilala na sya. Mapapaiyak ka na lang talaga sa kawalan.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 29, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

1:11Where stories live. Discover now