Agad natumba ang tatlo sa mga nagbabantay sa harapan, hindi ko ata nasabi na may bahid ng lason ang mga bala at kutsilyong gamit namin.
Kaya hindi na kami mahihirapang patulugin sila kahit hindi sa critical na parte ng katawan ito matamaan, this was Nolan's idea. Sabi niya kasi para hindi na ako mahirapang iwasan ang makapatay ng tao.
Hindi malala ang epekto ng lason na ito, para lang itong sleeping potion para mawalan ng malay ang kalaban. Sunod sunod ang naging pagtumba ng mga bantay sa harap ng establisyemento dahil sa pagasinta ni Calvin, Lezi, at Ezio mula sa taas ng puno.
Nagaabang lang kaming tatlo na maubos nila ang mga tao sa harap bago sumugod, dahil kung gagalaw kami ng may bantay pa sa labas ay mapapansin ito ng mga tao sa loob.
Wala ng malay ang mga nagbabantay sa harapan, bago pa man sumabog ang Trick Bomb ay nakapasok na kami sa loob.
As we entered the building, the people inside were busy checking boxes. Kung hindi ako nagkakamali illegal na droga ang laman ng mga kahon na iyon, nung una ay hindi nila napansin ang pagpasok namin dahil abala ang mga ito.
Kinalabit ko ang gatilyo ng baril ko na nakatutok sa braso ng isang miyembro ng operasyon na ito, agad naman siyang natumba kaya napalingon ang lahat sa taong iyon bago sa aming tatlo.
"Hi!" Masiglang pagbati ni Trace, bago sunod sunod na binato ang mga kutsilyo niya sa direksyon ng mga tauhan na nasa loob.
"Remind her, pag yan nakapatay ikaw ang malalagot sa akin" I warned Nolan before heading towards the stairs, kailangan ko silang iwan doon dahil siguradong maririnig na ng mga tao sa taas ang ingay ng mga tauhan na napupuruhan nila sa baba.
Sumilip muna ako mula sa hagdan kung ilan ang nandoon, "Saya, kung nasaan ako mas marami talaga." Magpapaputok na sana ako ng biglang may magsalita sa earpiece.
"Pabalik na sila nagtuturuan kung sinong may kasalanan. Nolan at Trace kayo na munang bahala, nakarinig kami ng tunog ng barko. Ngayon ata ang sunod na pagiimport, magiingat kayo sa tingin ko ay armado ang mga ito." Si Calvin.
"Ezio, Levi, Calvin, bumaba na kayo. Ilayo niyo ang mga walang malay na tauhan dito." Bulong ko, dahil malapit lang sa akin ang mga nagbabantay dito sa taas.
"Copy." Ezio said.
"Trace salubungin mo ang mga pabalik, puruhan mo na. Kailangan niyo ng malayo ang lahat ng tauhan dito." Pag-utos ko kay Trace dahil sigurado akong naligpit na nila lahat ng tauhan sa baba.
"On my way." She said.
Nakarinig ako ng mga putok ng baril, kasabay nito nagkagulo ang mga tauhan na kanina ko pang pinagmamasdan. Nataranta ang mga ito at nagmadaling bumaba ng hagdan, nagtago ako sa likod ng pader upang hindi nila ako mapansin.
I shot them as they were going down the stairs, nawalan ng malay ang mga ito ng hindi man lang nakikita kung nasaan ako. I work with silence, and that's my advantage.
Nawala ang putok ng mga baril, at wala na ding bumaba ng hagdan kaya umakyat na ako. I pointed my gun 6 o'clock, "Chill, ako lang 'to" si Nolan.
"Nagaano ka ba dito? Di ba sabi ko sa baba ka?" I said.
"Ubos na e." He replied, sinamaan ko naman ito ng tingin.
"Shut up and help them with the unconscious bodies, bilisan niyo." Napakamot naman ito sa batok niya bago tinago ang baril at bumaba na.
There's a single room at the end of the hallway, I kicked the door open. Kung pwede lang umurong, umatras na ako kaagad sa nakita ko.
"How the fuck do you manage to sleep at night? This is bullshit, and you're a piece of shit." I said before I shot him on his pelvis, that's critical. I know, he deserves it.
"May walang malay dito, dalawa. Bitbitin niyo na, bilis." Utos ko, bahala na sila kung sinong susunod.
Yes, there's two bodies. Naabutan ko itong nagiinsert ng 8 to 12 g of drugs wrapped with waterproof material, condoms to be exact. They call it body packing, the method smuggling of illicit drugs using the human body as a vehicle to transfer it.
"Nasaan?" Ezio, "Hala! Gago pinanuod mo?" inaasahan ko na ang ganitong reaction niya.
Hindi ko na lang siya pinansin at kinuha ang wrist watch na suot niya, "Ilayo mo na yan dito, malinis na ba sa baba?" I asked while looking around the materials used to build this establishment.
"Oo, pero teka nga! Sabi mo hindi magpapasabog kasi delikado, bakit mo kinuha yan?" He asked habang nililigpit ang dalawang katawan na walang malay.
"Huwag ka ng maraming tanong, ilayo mo na yan dito. Bumalik na din kayo sa sasakyan, susunod ako." Utos ko dito.
"Pero kasi–" His words were cut off, when I turned the clock on. It started working, that means the bomb's already set to explode. "Hoy tangina akin na idedefuse ko!" Natatarantang sambit nito, ang slow naman pucha.
"You don't wanna make me count, right?" Halatang nagdadalawang isip pa din ito, ngunit wala naman na siyang maggagawa.
Nagmamadali itong bumaba ng building. I turned my mic on and said, "Siguraduhin ninyong malayo ang mga walang malay sa hideout na 'to, bumalik na kayo sa sasakyan pag may nagtangkang bumalik dito babarilin ko talaga." Pagbabanta ko sa kanilang lahat.
"What are you planning to do, Agatha?" Nolan asked.
"Basta. Move fast." Those were my last words before turning off my mic, and my earpiece.
Third Person's POV:
"Tara na daw sabi ni Agatha, susunod yon." Sambit ni Ezio sa mga kaibigan, pagkatapos ilapag ang huling dalawang walang malay sa loob ng building na iyon.
"He's the mastermind?" Tanong ni Trace, tumango naman si Ezio bilang sagot. "Yuck naman, he's ugly. Mukhang hindi millionaire." She added.
"Hoy ano 'to?! Ginalaw mo? Kadiri ka pre, akala ko ba mataas standards mo. Tinuring pa naman kitang kapatid." Pagdadrama pa ni Levi.
"Body Packing kasi tanga! Tara na nga! Kapag hindi pa tayo umalis ako ang malalagot, ayoko pang mamatay." Sambit ni Ezio, halatang nagmamadali ito dahil sa kinikilos niya.
Hindi na lang iyon pinansin ng mga kaibigan niya, may tiwala naman sila na hindi ipapahamak ni Agatha ang sarili.
Nang malapit na sila sa van ay napansin ni Nolan na hindi nito suot ang wrist watch niya, "Ezio" pag tawag niya sa pangalan nito.
"Bakit pre?" Inosenteng tanong naman nito, hindi pinapahalatang nagaalala siya para sa kaibigan.
"Ang relo mo, nasaan?" Ezio froze with Nolan's direct question, napalingon din sila Levi, Calvin, at Trace sa pala pulsuhan nito.
Bago pa man siya makasagot ay nakarinig na sila ng tunog ng pagsabog sa hindi kalayuan.
________________________________________________________________
:((
YOU ARE READING
ASGA's ASSAULT (ON-GOING)
Fanfiction"Sa gitna ng dilim, kaya mo bang humawak ng patalim?Huwag kang duwag, batas na ginawa mo ikaw din ang lumabag" -ASGA