"I like your eyes"
"Ang ganda ng mata mo"
"Te,ano sekreto ng mata mo?"
"You have a beautiful eyes,Jennie"
Sa tuwing makakarinig ako ng mga papuri mula sa mga ibang tao sa mata ko ay tanging matipid na ngiti lamang at salamat ang naigaganti ko sa mga ito.
Hindi na bago sakin ang makarinig ng mga papuri sa mga mata ko kaya nasanay nadin ako,minsan pa nga ay kahit mga hindi ko kilala ay binabati ang mata ko,madalas sa mga pampublikong sasakyan at mga nakakasalubong sa kung saan saan.
"I love your eyes"-bulong ng isang baritonong boses sa aking tabi,napalingon naman ako dito at binigyan sya ng tipid na ngiti.
"Wala ka man lang bang sasabihin?"-nagtatakang tanong nito,"hindi ka man lang magpapasalamat oh ano?"-dugtong pa nito na ngayo'y nakaawang na ang mga bibig dahil sa hindi ko pagsagot sa mga tanong nya,ibinalik ko ang tingin sa magandang view ng sunset dito sa tabing dagat na malapit sa tinutuluyan kong hotel.
Batid kong nakatingin pa din sa akin ang estranghero ngunit maya maya lamang ay naramdaman ko ng umalis ito,marahil ay napagtanto nyang wala akong balak na makipag usap sa kanya,oh sa kahit na sino man.
Napakasaya panuodin ng paglubog ng araw sa parte ng islang ito,sa tanang buhay ko ito na ata ang pinakamagandang sunset na napagmasdan ko.Naghahalo ang kulay na asul,kahel at pula sa kalangitan na tila sinabuyan ng karangyaan sabay pa nito ang taimtim na huni ng mga ibon sa himpapawid na tila pauwi na sa kani kanilang mga tahanan sa kakahuyan.
Tila nabuhay naman ang buong sistema ko mula sa pagkakalunod sa ganda ng tanawin ng may biglang kumalabit saakin,isang batang lalaki na sa tingin ko ay edad tatlo pababa.
"Hello"-magiliw na bati ko dito,gusto ko sanang pisilin ang nagtatambukan na pisngi nito ngunit naalala ko na hindi ko nga pala kakilala ito
"Hi pwo"-bati din nito at agad na lumapit at yumakap sa akin,nagulat naman ako ng gawin nya iyon subalit hinayaan ko na lamang.Maya maya pa ay kusa itong kumalas sa pagkakayakap sa akin at inumpisahan naman haplusin nang maliliit na kamay nito ang pisngi ko.Nakaupo ako sa buhangin kaya malaya nyang nahahawakan ang muka ko.
"Ang ganda mo pwo"-napabilib naman ako sa tatas nyang magtagalog na sa edad na tingin ko ay edad tatlo pababa pa lamang.
"Thank you,your handsome too baby"-hindi ko na napigilan at agad na kinurot ang pisngi nito,hindi naman ito pumalag at ngumuso pa ito,nagpapa-cute.
"Sino ang kasama mo at bakit ka magisa dito"-tanong ko sa bata nang mapansin kong wala itong kasama.
"Si Kuya pwo,kaso may kausap pwo sya na seksi pwo eh"-natawa naman ako ng sabihin nitong may kausap na sexy ang kanyang kuya,hay mga lalaki talaga,makakita lang ng sexy nakakalimutan na ang mga kasama,ginulo ko ang buhok nito at agad na tumayo mula sa buhanginan at nagpagpag,balak ko itong dalhin sa hotel,baka doon din sila naka check-in,mag gagabi na din naman.
Habang naglalakad kami ng bata ay bigla na lamang itong tumakbo,nagulat naman ako kaya sinundan ko ito.Isisigaw ko sana ang pangalan nito ngunit hindi ko nga pala naitanong kanina kaya binilisan ko ang takbo dahil medyo malayo na sya sa akin.
Nakita ko namang dumiretso sya sa isang lalaking naka topless at tanging kulay asul na beach shorts lang ang suot,bumagay ito sa kanyang balat na medyo moreno,hindi maipagkakailang gwapo ito at sa tindig palang ng katawan ay masasabing habulin ng mga babae.Yumakap ang bata sa hita nito at tinawag syang kuya,binuhat nya naman ito at agad na hinalikan sa pisngi,kinausap nya ito at sa tingin ko ay pinagsasabihan ang bata dahil bigla na lang itong nawala,lumapit naman ako sa dalawa at ng makita akong papalapit ng bata ay agad itong nagpababa,saakin naman tumakbo ang bata nang makalapit ito ay hinigit ako nito papunta sa kanyang kuya,natawa naman ako dahil sa ginawang aksyon nito.