Nandito kami sa canteen ngayon ni Xielo. Hay naku! Isang linggo niya nang sagot yung pagkain ko. Take note! SOBRANG DAMI. Lalo niya pa ata akong pinapataba ee. Kaya kinausap ko siya.
"Hoy Xielo! Lalo mo ko pinapataba sa mga pinagbibibili mo saken."
"Bakit kaunti nga lang yung binibili ko sayo ah."
"Sows! Kaunti ba yan ah?" tinuro ko yung mga pagkain na binili niya.
"Oo. Spaghetti, hamburger, ham sandwich, pati cheesecake. Diba favorite mo lahat yan?! Bibili pa kita ng cookies and cream para mas maging mas masaya break natin." Oh diba?! Sabi ko sa inyo pinapataba niya ako lalo ee.
Siyempre kahit sino namang "mataba" o "chubby" naranasan nang mainsulto o matukso ng mga kaklase o ibang tao sa paligid nila. Diba nila naiisip na nasasaktan din kami?! Sa panahon pa naman ngayon mas tinitignan yung panlabas na katangian kaysa sa ugali. Hay buhay nga naman. I-sumo ko kaya sila. Nakakasawa din kasi minsan ee.
(a/n: AWWW! Affected si Author kaya ganyan makareact. Hahaha..xD)
Back to the story. Di iyon na nga. Kumain na din ako kasi narinig ko yung cookies and cream eh.
(a/n: nagrereklamo ka pa kanina bibigay ka rin naman pala.)
Bakit ba? Paborito ko lahat yun ee. :PPP
"Xielo, may tatanong ako sayo?!" seryosong tanong ko sa kanya.
"Oh? Ano yun Cutiepie?!"
"Paano pag pumayat na ako?! Siguro di mo na ako magugustuhan noh?!"
"Hindi noh. Kahit pumayat ka Cutiepie ikaw pa rin Labz ko. Promise!" sabay taas nung kanang kamay niya.
"Weh di nga?!" tapos sinubo ko yung cheesecake na binili niya.
"Oo nga! Kahit mukha ka ng tingting. Ikaw pa rin mahal ko." napangiti naman ako sa sinabi niya. Ganyan niya pala ako kamahal. Ampupu. Pulang-pula na siguro yung mukha ko.

BINABASA MO ANG
My Chubby Love <3
Teen FictionLove Story ng isang Chubby Girl at ng makulit na si Xielo x3333 bunga ng kaabnormalan ng Author...hohohohohhoh