"Cel! Gising na ano ba?" sigaw sa'kin ni Selene, barkada namin at kasama namin sa condo.
Aga aga naman sumisigaw 'tong babaeng 'to. Parang microphone lang, sakit sa tenga. Inirapan ko siya at tinignan ng masama, tumatawa pa siya. Masaya ka niyan?
Tinignan ko oras at late na pala kami ni Selene. Tinanong ko kung nasan yung iba at sinabi nauna na daw sila. Kahit naman nakakasira ng tulog 'to ay dinamayan niya ako sa pagiging late.
Malayo 'yung condo namin papuntang ADMU kaya naman ay nagmadali kami. Buti nalang nga 'di traffic, kahit gutom na gutom na ako, hindi muna ako kumain nor nagtake-out. Balak ko sa school nalang kumain, baka i-libre naman ako ng mga 'to eh.
Sinubukan naming pumasok ng dahan dahan para hindi mahalata ng prof namin. Nakapasok si Selene na hindi nahuhuli ni sir. As I was about to sit, napansin ako ni sir.
"Ms. Hernandez, you're late again." Aga aga ang sungit mo, sir. Nakailang late na din kasi ako, I usually sleep at midnight kaya medyo bitin lagi tulog ko.
"Sorry, sir." sagot ko habang tinitignan ng masama si Selene, bakit ba siya hindi nahuli? grr.
Pinaupo na ako ni sir at pagkaupo ko, dinaldalan agad ako ni Akira. Kahit strict prof namin, makikipagdaldalan talaga 'to.
"Aki, manahimik ka nga, 'pag ako walang maintindihan dito ikaw sisisihin ko." napakunot noo ako. Baka kasi may ipagawa si sir na hindi ko alam.
"Ay wow, inspired? May jowa?" sabi naman niya at 'di ko nalang pinansin. Gusto ko lang naman makinig, ba't kailangan ipasok ang jowa dito?
Inirapan ko nalang siya at nakinig nalang ako. Sinubukan ko talagang makinig pero walang pumapasok sa utak ko. Kulang din kasi tulog ko kaya medyo sabog pa ako at walang maintindihan.
Nung matapos na 'yung klase, niyaya ko sila para pumunta na ng canteen, ayoko muna sa labas kasi ang init tsaka malayo. Kaya sa canteen ko muna napagisipan kasi gutom na gutom na din ako, lalo na wala pa akong kinain simula kaninang umaga. Ba't ba kasi late ako ginising?
Habang kumakain ako, napatingin ako sa kabilang table. I saw him, my ex. He winked at me. Agad kong iniwas pagtingin ko sakanya dahil baka isipin niya na mahal ko pa siya.
As if I still like you, cheater.
"Miss mo na?" epal ni Eve habang tinatawanan ako nung dalawa.
"Oo nga, miss mo na noh?" sabay na pagsabi nila Selene at Aki. 'Pag tayo narinig, putangina nalang talaga.
"Move on ka na kasi, mukha namang hampas lupa 'tong si Dex." halos mabulunan ako sa kinakain ko, ang ingay ni Aki kahit kailan 'di nahiya.
"Matagal na akong nakamove on," sagot ko naman kaya tumango nalang sila habang ngumingiti ngiti.
BINABASA MO ANG
A Sky Full Of Stars
RomanceI would be putting one after I finish the story. Wala pa akong maisip eh