Titigil Na

61 7 0
                                    


Titigil na ba ako? Titigil sa
kaka asang pipiliin mo rin ako. Kase maaraw man o maulan ikaw lang ang laman ng aking isipan.

Titigil na ba talaga ako? Kase gusto ko pa. Pero parang, parang tama na? Tama na kasi mali na. Ang gulo no?

Gusto ko ulit subukan, paulit ulit subukan, kasi ang saya. Saya na walang makakapantay kahit yung sakit ay labis labis na pero yung alam ko lang ay masaya. Masaya na gustuhin ka.

Masakit na gustuhin ka dahil tuwing makikita ko'ng may kasama ka'ng iba ay wala ako'ng magawa dahil mahal lang kita, at mahal mo siya.

Wala akong karapatan na pag bawalan ka na mag mahal ng iba kaya wala akong magagawa kundi unawain.

Ano nga ba ang gagawin?

Dapat ba na kahit masakit ay hintayin kita? Na kahit na gaano kamaring taon ay hihintayin ang pag kakataon na sa akin mo naman ituon ang iyong panahon.

O hintayin nalang at palipasin ang nararamdaman para sa'yo?

Siguro nga ay dapat tumigil na...

Tumigil sa kakaasa na magbabalik ka at sa muling pag kikita ay sa akin ka naman pupunta.

Sa akin ka lalapit, kakapit at yayakap ng mahigpit.

Kahit masaya na gustuhin ka ay titigil na dahil hindi na nararapat ipilit ang damdamin na matagal na dapat nilimot.
Ibabaon na sa limot ang memorya na minsan nang naging masaya. Kaya titigil na...at kakalimutan ka.

Spoken Word Poetry (On-Going) Where stories live. Discover now