Gusto kita.Oo na gusto parin kita.
Wala naman kasi akong magagawa kung ang damdamin ay sumasabog na, ang hirap pigilan kaya't akin nalang ipadarama sayo, sinta. Gusto kita.
Nag simula ito noon pa hindi ko alam pero noong una palang kitang makita binihag mo agad ang aking mata, hanggang tuluyan ka ng pumasok sa aking puso't isipan o, aking sinta. Gusto na talaga kita.
Sinusubukan ko, pinipilit ko pero di ko na talaga kinakaya.
Sinasabi sa aking sarili na pipigilan na pero gusto talaga kita, marupok kumbaga.
Pero wala na nga kasing magawa kung ang isip ko ay sinasakop mo na. Sinasakop mo na, o aking sinta bakit ikaw pa? Ikaw pa na may gustong iba.
Gusto ko pa pero tama na, mahal kita pero pipigilan na dahil ayoko na, ayoko na makulong sa sarili kong bilangguan kung saan unti unti mong sinasakop ang aking kalawakan.
Paalam na. Paalam na pero ang pag ibig ko sayo ay mananatili pa, paalam na pero dito lang ako, idudukomentaryo ang pag ibig ko para sayo.