Tila

22 2 0
                                    

Tila hindi ko na kaya, tila susuko na dahil tila nawawalan na ng pag asa na mag kakaroon pa ng karagdagang alaala na kasama ka.

Kailan kaya titila ang pag patak ng mga luha sa aking mga mata. Napapagod na pero lumalaban pa dahil umaasa, nag babaka-sakali na babalik 'ka. Kahit walang pag asa.

Sa totoo lamang ay napaka tagal na noong lumisan ka ngunit ang puso 'ko ay sadyang nag babaka-sakali na baka babalik ka. Baka bumalik ka. Aasa, hanggang sa mapagod na. Dahil mahal kita.

Hanggang kailan kaya mag titiis? Kailan kaya titila ang mga luha galing sa aking mga mata. Kailan matatapos umagos ang mga bugso ng luha. Tila hindi ito napapagod, katulad 'ko na palagi umaasa. Umaasa na baka balang araw, sa akin ka sasaya.

Paulit ulit ako nahuhulog, nalulungkot at nalulunod para sa isang tao na matagal na wala. Sa isang tao, na nahanap na ang tao, kung saan siya sasaya.

Pasensya na, pasensya na kung minahal kita pero sana ay hindi 'ko kayo naabala. Wag ka'ng mag alala dahil mamahalin lang kita. At hindi guguluhin ang inyong pag iibigan. Na sa inyo ay nag papasaya, nag papangiti, nag papatawa. Ako ay natutuwa na makita ka'ng masaya. Kahit hindi ako ang dahilan ng iyong pag tawa.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 08, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Spoken Word Poetry (On-Going) Where stories live. Discover now