Chapter 1

27 1 0
                                    

Calleysia Hera Samson


Nakatingin ako sa kanyang nakaukit na pangalan,hanggang sa  may pumapatak,napatingin ako sa itaas..nagbabadya na ang ulan,umiihip na ang hangin....napapikit ako,ninanamnam ang sariwang hangin na dulot nito... ang sarap ng pakiramdam pero hindi nito maaalis yung bigat na nakastock na dito sa dibdib ko...hanggang kayang pigilan,pipigilan ko.


"Hera!ano kabang bata ka! tara na!wag mo ng pag aksayahin ng panahon yang nanay mo!umalis na nga lang nang iwan pa ng babayaran!"rinig na rinig ko ang boses ni Tita Elle sa di kalayuan,nakadagdag bigat nanaman yung sinabi nya.

Nandito kami ngayun sa Sementeryo,sa libing ni Mama...

May malala na pala syang sakit hindi nya sinasabi,nag ibang bansa sya para sakin,pero sa iba naman napupunta ang pera,inuwi sya dito sa Pilipinas,bangkay na....

Sobrang hirap,nagiisa nalang ako...

"Wag kana magmukmok dyan!umuwi na tayo at may kailangan pa tayo pagusapan"nakalapit na si Tita Elle kaya wala nako nagawa,kaya tumayo nalang ako,at nag paalam na kay Mama.

*****

"Yang Nanay mo!! hindi man ako kinompronta!pangalan ko pa talaga Ang nakalagay don!San tayo kukuha ng 500 thousands!"pagkapasok na pagkapasok ko sa bahay,Ayan agad Yung sinabi ni Tita Elle.

May pinagkakautangan Kasi si Mama sa bangko,obligado na babayaran yun,dahil nga na Minor pa ako hindi ako ang sisingilin don,si Tita lang Ang natitirang kamaganak namin,kaya sya ang sinisingil ng bangko.

"Tutal mag e-eighteen ka na pwede kana magtrabaho,pagipunan mo yang utang ng nanay mo!bahala ka Kung gusto mo mag aral!!pag aralin mo yang sarili mo!Wala kang makukuha Sakin!Umalis ka dito sa bahay! Bumalik ka kapag may pera kana!"

Nakayuko nalang ako habang nakikinig Kay Tita,alam ko Naman na palalayasin nya ako dito, dahil Wala na si Mama,Wala narin sila makukuha.Well matagal ko narin Naman na gusto umalis dito,ayaw lang ni Mama,Kasi Hindi ko daw kaya na mag isa.Kaya ko, ilang taon nya ko iniwan dito na mag isa,pero nakaya ko,Wala ng bago,buhay or patay man si Mama.Matagal nakong nag iisa.

Aalis ako dito sa impyernong to,hinding hindi nako babalik.

Hindi kona pinatapos pa ang Susunod na sasabihin ni Tita, pumunta nako sa tinutulugan ko,Nakapag impake nako ng mga gamit ko, ngayung araw din,aalis ako dito sa bahay nato na nagpakahirap sakin sa loob ng Walong taon.Nagmadali nako dahil nag hihintay na sakin ang kaibigan ko na si Pia sa Terminal.Naka plano na itong pag alis ko, pupunta ako sa Manila,mag aaral ako don bubuhayin ko ang sarili ko.Gagawin ko LAHAT ng gusto ko.


Try Not to CryWhere stories live. Discover now