Chapter 1

6 0 0
                                    

Nanginginig ako sa takot habang kausap ko ang isang psychiatrist. naalala ko na naman yung takot,lungkot,at pag-iisa nang gabing yun.

"Tell me hija, ano ba  talaga ang nangyari nung gabing yun hindi kita matutulungan hanggat hindi mo sinasabi sakin." mahabang lintana nito.

It's been 3months nung nangyari yun at 2months nakong pabalik-balik sa psychiatrist, kapag kasi kinakusap ako... hindi natutuloy or hindi natatapos, mag sisimula ulit akong umiyak at magsisigaw.
huminga ako ng malalim kasi nanginginig pa ako hanggang ngayon.

"here hija, baka makatulong to." binigyan niya ako ng isang bola.

"Sakin yan... pag kasi kinakabahan ako pipisilin ko lng yan at mawawala na yung kaba ko, try to apply baka effective sayo habang nag kwe-kwento ka."

tumingin ako sa bolang kulay pink at pinisil yun its soft at nakaka tulong nga, huminga ako ng malalim at nag simulang mag kwento.

~~
Flashbacks

Nag overnight kami kasama ang mga kaibigan ko sa Mansiyon nila keylie sa probinsya. pito kaming mag-kakaibigan ang nandun.
nag iinoman kami ng bigla na lng akong tinamaan nang antok.

"Keylie, shitt inaantok nako." sabi ko habang naka nguso pa, natawa naman siya at kinuhit si Ashton pinsan niya na kaibigan din namin.

"Ash, hatid mo nga to dun sa taas yung pang-apat na kwarto... inaantok na daw siya" tumingin naman sakin si Ashton.

"Luhh... ang aga pa Xie mag-enjoy muna tayo" naka ngiti nitong saad pero umiling lng ako kasi inaantok na talaga ako, napabuntong hininga na lng siya at ngumiti na lng din.

hinatid niya nga ako sa pang apat na kwarto, malinis yun at simple lng ang design maliwanag at may bintana at may apat na kama na alam kung para sa tatlong kaibigan kung babae.humiga nako sa isa sa mga kama at nag simula nang matulog.

Bigla akong nagising nang may maramdaman akong kakaiba at bumungad sakin ang sobrang dilim na paligid.

"what the anyare, brown-out ba?" tanong ko sa sarili ko pinakiramdaman ko naman ang paligid ko kung may kasama bako pero wala naman.

~~
AN

#Uwu anyare ba? abangan.

IN THAT ROOM ✔️Where stories live. Discover now