Escolta, taong 1925
(Antonio's POV)
Matagal na panahon din akong nangulila sa piling niya. Ilang gabi, araw, lingo, buwan at taon din ang aking tiniis at pinaghintay bago dumating ang pinakahihintay kong araw na ito kung saan ay magkikita na kami muli.
Labinglimang taong gulang ako noong una kong makilala si Aurora, kaklase kasi sya ng aking kapatid sa Sta.Isabel, palagi din itong nasa dating bahay namin sa Intramuros kung kaya't madali kaming nagkapagpalagayan ng loob at naging magkaibigan.
Tahimik ito noon at medyo may pagka mahiyain, nakasuot sya ng salamin habang madalas naman naka tirintas ang hanggang balikat nyang buhok, hindi lingid sa aking kaalaman na palagi itong nangunguna sa klase kung kaya't hindi kataka taka na mapili ito bilang isang Pensionados o "scholar"ng American Government at maipadala sa Estados Unidos upang doon maipagpatuloy ang pag aaral sa kolehiyo.
Pagkapasok pa lamang sa entrance door ng Botica Boie ay di na maiwasang sumagi sa aking isip na dito din sa lugar na ito kami minsang magkasama pumunta tuwing matapos manood ng silent film sa Lyric upang magpalamig at uminom ng paborito nyang ice cream soda.
Agad kong nakita si Aurora na tila malalim ang iniisip habang dahan dahan nyang nilalagok ang hawak na basong may laman na tubig. Sa totoo lang ay mga isang minuto bago ko nabatid at makilala na sya si Aurora. malaki na kasi ang pinagbago nya dahil mula sa pagiging istilong Maria Clara ay naging Sajonista na ang kanyang aura na hindi naman na din kataka taka dahil sa pagkamulat at matagal nyang paninirahan doon, modernong moderno na din ang kanyang pananamit kumpara noon, na kung sabagay ay maging kahit dito sa atin ay nadadala na din ng maraming kabataan sa kanilang pananamit, pagsasalita, pakikinig ng musika,pagkain at sa kung ano ano pa.
Agad din tumayo si Aurora na nakatingin sa aking direksyon upang lumapit at humalik sa aking pisngi nang mapaganto ang aking pagdating. "Im so pleased to see you Anton. sambit nya na agad din naupo. "And by the way i love your suit." Nanatili lamang akong nakatayo at nakatitig sa kanya habang humahanga sa kanyang suot na Fur Trimmed na Coat na binagayan ng suot nyang cloche hat na may naka embroid na bulaklaking disenyo.
"Anton? A- Are you listening to what I'm saying? wika nya na hindi ko namalayang may sinasabi pala ng mga sandaling yon. mabilis naman akong tumugon sa kanyang tinuran." I'm sorry, kung napag antay kita, gamit kasi ng papa ang Awto kaya sumakay lang ako ng Tranvia pa Escolta" pagpapaliwanag ko.
"Ayos lang yon, saglit na minuto pa lang naman ako na nandirito." wika nya muli. "Sya nga pala inorder na kita ng ice cream soda, natatandaan ko na chocolate ang paborito mo kaya ayun na ang inorder ko para sayo." Tila nangangapa pa ako ng paksang sunod naming pagkukwentuhan subalit muli ay inunahan na nya akong magsalita."Pasensya ka na nga pala kung naputol bigla ang ating komunikasyon at hindi na ako nakasulat sayo, biglaan kaming lumipat kasi nung masunog yung boarding school na tinutuluyan namin kaya nabago ang aking adress." kita sa mga mata nya ang paghingi ng paumanhin sa akin. "Huwg kang humingi sa akin ng paumanhin ayos lang yon."mabilis kong sagot." sa puntong yon ay dumating na ang inorder nyang ice cream soda."Huwag mo ng intindihin yon, naintindihan ko naman, uhm sya nga pala kung natatandan mo pa yung sinabi mo noon sa akin na makakapag--." agad nang naputol at hindi ko na natuloy ang aking sasabihin nang isang tinig ang tumawag sa kanya mula sa aming likuran.
BINABASA MO ANG
Return to the Future
Historical FictionMagigising si Antonio sa panahon na sa kanyang hinagap ay hindi posibleng marating ng sinuman. Kayanin kaya nyang harapin ang mga rebelasyon at lihim mula sa kanyang nakaraan na kanyang matutuklasan sa pagtunton nya sa hinaharap? Samahan sya sa kany...