Binondo, 1926
Maagang gumayak si Teo nang araw na yon, paghahanda sa kanyang unang araw sa trabaho bilang Courier. Halos may isang lingo na din kasi nang mapadpad sya sa lugar na yon. Laking pasasalamat nya nga at pansamantala syang pinatuloy sa bahay ng biyudong si Mang Ben na mag isa na lamang din sa buhay.
Bago tuluyang umalis ay nilapitan niya ang matanda na noon ay pina aarawan ang kanyang manok na panabong sa tapat ng kanyang bahay na nakatayo malapit sa gilid ng Estero de Binondo
"Papasok na po ako Mang Ben." agad nitong itinigil ang kanyang ginagawa at nakangiting tumugon sa binata
"Mag iingat ka." wika nito habang tinatanaw ang papa alis nang si Teo.
May kalahating oras din mula nang marating nya ang opisinang kanyang papasukan,nakaupo syang nag hihintay na lamang upang pormal na makilala ang kanyang magiging mga boss at mga makakasama sa trabaho.
"Maari ka nang pumasok, hinihintay ka na ni Ms. Paterno sa loob." nakangiting utos sa kanya ng isa sa mga clerk na naroroon. Agad naman syang tumayo sa kinauupan upang magtungo na sa loob ng opisina. Ilang hakbang mula sa kanyang kinauupuan ay sya namang paglabas ng isang binatang naka suot ng disenteng suit na agad nyang namukhaan. Iniyukod nya ng bahagya at nginitian ito habang dirediretso syang pumasok sa loob ng opisina ng isa sa kanyang magiging boss at isa din sa nagma may- ari ng firm.
"Magandang Umaga, Mr. Salcedo, Ako si Marcela Paterno, isa sa may ari ng Paterno, Villareal & Co. ikinagagalak kitang makilala wika nito habang inaabot ang kanang kamay upang makipag kamay.
"Magandang Umaga din po masaya din ako na bahagi na ako ng kompanyang ito." magiliw niyang sagot
"Teka ano ba ang gusto mong itawag namin sa iyo, Timoteo ba?" tanong nito sa kanya.
"Teo po. Tawagin nyo na lang po akong Teo." nakangiti nyang wika.
***
Pakiramdam ni Teo ay lalong nagiging mahirap isakatuparan ang kanyang tunay na pakay at misyon kung bakit siya pumasok sa Paterno & Villareal Firm, yun ay para makuha ang loob ng mga ito at makumbinse na totoo ang kanyang lihim na nais isiwalat. Sariwa pa sa kanyang alaala kung paano niya nadiskubre ang kapangyarihan ng ilog na nakapagpabalik sa kanya sa nakaraan
Matapos nyang matanggap ang misteryosong liham na nakapangalan sa kanya ay dali dali nya itong binasa.
Ako ang magsisilbing susi sa paghahanap mo sa iyong nawawalang kapatid. Ngunit bago ko simulan ilahad sayo ang lahat, hinihiling ko na ibigay mo ang iyong buong pusong pagtitiwala kundi ay mawawalan ng saysay ang lahat ng bagay na iyong matutuklasan.
Isa sa mga dahilan kung bakit napakahirap mahanap ng iyong kapatid ay sa kadahilanang sya ay napadpad sa nakalipas na panahon..
Hindi pa nangangalahati sa pagbabasa ng liham ay agad nang hininto ni Teo ang pagbabasa. Naisip nyang baka isa lang itong prank ng kung sinong walang magawa sa buhay. Ayaw nyang maaksaya ang kanyang oras bago nya tuluyang tiklupin ang liham ay muli nya itong tinitigan, sa bandang dulong ibaba kung saan nakasulat ang initials na M.P.N ay nabasa nya ang mga katagang
Minsan mas mabuting matalo at gawin ang tama.Kaysa manalo at gawin ang maling bagay.
" Teo, bakit naririto ka pa at hindi pa umuuwi?" Nagtatakang tanong ni Marcela nang mapagtantong meron pa palang natitirang empleyado sa loob ng opisina, madalas kasi itong huling umuuwi lalo't isang araw na lamang bago ang sahod ng mge empleyado.
"Maaari ko ba kayong, makausap?" tanong nya sa amo.
"Maupo ka. Teka ano ba yang hawak mo?" wika ni Marcela nang mapansin ang hawak nyang envelope."
"Hindi ko alam kung maniniwala ka sa sasabihin ko tungkol kay Vi--to...Ginoong Antonio." mabilis na aabutin ni Marcela ang envelope at titignan kung ano ang laman nito.
"Saan mo nakuha ang death certificate na ito? at bakit mo ipinapakita sa akin ito? pagtataka nyang tanong.
" Yan ang magpapatunay na pinalitan at binago ni Justice Villareal ang katauhan ng aking kapatid matapos syang mapunta dito sa lugar na ito. Si Antonio ay hindi tunay na Villareal dahil sya ay inampon lang para mapaniwala ang lahat na ito ang kanilang namatay na anak."
hindi makapaniwala si Marcela sa mga nariirinig nang oras na yon at bigla ay nagbago ang timpla at tono ng boses nito." Nasisiraan ka na ba ng pag iisip mo? Tama na.
kung nagbibiro ka man, itigil mo na yang sinasabi mong yan. "
Hindi naman sumuko si Teo at pilit na kinumbinsi si Marcela na totoo ang kanyang mga sinasabi"Alam kong napakahirap paniwalaan ang mga sinasabi ko pero yon ang totoo, Siya ang kapatid na matagal ko nang hinahanap, kailangan mo akong tulungan na makumbinsi syang makabalik kami sa taong 2026 dahil kung hindi ay--."
"Kung hindi ay ano?" pasigaw na tanong ni Marcela
" Kung hindi ay ma...-- mamamatay sya, yun ang sabi sa liham na natanggap ko, nakita na ng taong yon ang lahat ng nakatakda pa lang mangyari." sambit ng noon ay nauutal na si Teo.
"Umalis ka na ngayon din at wag nang babalik sa kumpanyang ito, you're fired!" matapang niyang pagbabanta
"Minsan mas mabuting matalo at gawin ang tama kaysa manalo at gawin ang maling bagay. Sana ay wag mong pagsisihan ang araw na ito" wika niya habang tuluyan nang nililisan ang lugar.
Nanatiling tulala at di makakilos si Marcela sa komusyong nangyari sa pagitan nila ni Teo. tila paulit ulit na umuukit nang mga sandaling yon sa kanyang isipan ang mga huling sinambit nitong kataga.
***
Bago makipag usap sa kanyang panauhin sa opisina ng araw na yon ay makailang ulit sinigurado ni Marcela na wala nang natitirang tao sa loob ng kanilang opisina. Agad syang umupo upang pakinggan ang impormasyong dala ng Private Detective na kanyang inupahan.
"Naririto ho ang litrato ng taong bumibisita sa kanyang puntod sa Paco Cemetery." agad nitong iniabot ang patagong kuhang litrato mula sa hawak nitong brown envelope.
Sa pagkakataong yon ay hindi na sya nagulat sa natuklasan, Unti unti nyang napagtatanto na marahil ay totoo nga ang sinasabi sa kanya ni Teo
"Napuntahan mo ba ang mga Bahay Ampunan na malapit lamang sa lugar na ito? Natagpuan mo ba ang pinahahanap ko sayo?" tanong nya
"Ayon sa Hospicio De San Jose isang abugadong nagngangalang Arsenio Sison ang umampon sa batang pinangalanan nilang Juancho Labing walong taon na ang nakakaraan, ngunit matapos kong ipakita ang litrato ng lalakeng nakunan ko sa Paco Cemetery ay napagtanto kong si Mr. Villreal din ang kanyang tinutukoy, marahil ay gumamit ito ng ibang pangalan upang hindi matukoy ang kanyang totoong pagkakilanlan." pagpapaliwanag nya.
"Nalaman mo ba kung paano at sino ang nagdala sa batang ito sa ampunan?" wika muli ni Marcela.
"Nasagip daw ito matapos makitang palutang lutang sa ilog malapit sa nasirang tulay ng Puente de España. Wala daw itong kahit na anong maalala kung kayat dinala nila ito sa bahay ampunan ng isang di nakilalang lalake. ipinakita ng imbestigador ang kopya ng larawan ng bata at laking gulat ni Marcella nang maikumpara ito sa hawak nyang lumang litrato ni Antonio noong ito ay bata pa dahil magkamukhang magkamukha ang mga ito.
BINABASA MO ANG
Return to the Future
Historical FictionMagigising si Antonio sa panahon na sa kanyang hinagap ay hindi posibleng marating ng sinuman. Kayanin kaya nyang harapin ang mga rebelasyon at lihim mula sa kanyang nakaraan na kanyang matutuklasan sa pagtunton nya sa hinaharap? Samahan sya sa kany...