Kabanata 3 The Firm

88 10 2
                                    

                        Paterno Villareal & Co

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Paterno Villareal & Co. El Hogar Filipino Building

Bago pa mabuksan at mag operate ang aming Accounting Firm na Paterno, Villareal & Co. sa El Hogar Filipino Building ay nagbitiw na ako sa tungkulin ko sa banko, na isang gusali lamang ang layo mula sa aming bagong bukas na firm, sa gusali ding iyon makikita ang opisinang pinapasukan ni Conrado kung kaya't naging mas madalas ang aming pagkikita. Naging maayos naman ang aming relasyon ni Marcela na mula sa pagiging magkaibigan ay unti unti din nakilala ang isa't isa, unti unti ay naging maayos naman ang pagpapatakbo namin sa firm at pinagsisikapang mas makilala pa ito ng maraming kliyente, Sa ngayon ay hinihintay ko na lamang na lumabas ang resulta ng aking CPA Board Exam.

Mahalaga ang tungkuling ginagampanan ng mga firm sa bawat negosyo dahil nagbibigay ito ng istratehiya kung paano makakamit ng isang kumpanya ang mga layunin sa pananalapi. Tinutulungan din nito ang anumang negosyo na sumunod sa mga batas, alituntunin, at regulasyon na itinakda ng gobyerno at mga pamantayang pandaigdigan. Sa kasalukuyan ay ang Isla Lipana & Co. ang maituturing na ka kumpitensya ng aming Firm.

                                                   Sta

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Sta. Cruz, Manila

"ANTONIO VILLAREAL, CERTIFIED PUBLIC ACCOUNTANT 9th Place, 1925 CPA BOARD EXAM." malakas at pagmamalaking wika ni Narciso habang binabasa ang harapang pahina ng pahayagang Philippine Free Press.

"Huwag mo masyadong ilakas at pinagtitinginan tayo ng mga kumakain" nahihiya kong wika kay Narciso habang nang mga oras na yon ay magkasabay kaming kumakain ng merienda sa Panciteria Nueva sa may tapat ng simbahan ng Sta. Cruz, napagkasunduan naming sabay nang umuwi at dumaan na din sa simbahan ng hapong iyon. Sa loob ay isang may edad na lalaki na nakasuot amerikana ang tumugon sa amin at malugod na naghatid ng kanyang pagbati na sinundan ng ilang nakaupo sa aming tabi.

"Teka maiba ako, Ano na nga pala ang estado ninyo ni Marcela?tingin ko'y nagkakapalagayan na kayo ng loob,wala ka pa din bang espesyal na nararamdaman sa kanya?" sabik nitong tanong sa akin, may ilang segundong katahimikan ang bumalot sa aming dalawa na agad din naman nyang napansin.

"Sa ngayon ay unti unti na muna namin kinikilala ang isat isa at masaya naman ako sa tuwing magkasama kami, utang ko sa kanya kung bakit napadali ang pag babalik aral ko bago ako kumuha ng entrance exam." sambit ko habang patuloy lang sa pagkain.

Muli ay pinagmasdan ko ang pahayagan kung saan naroroon ang aking pangalan. "Ganito pala kasarap sa pakiramdam kapag nailagay sa dyaryo ang iyong tagumpay." wika ko na agad namang sinang ayunan ni Narciso.

                               *******************************************

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

*******************************************

Kinabukasan ay maaga kong tinungo ang opisina dahil sa mahalagang iaanunsyo ni Marcela, Naroroon na sya nang ako ay dumating. Nang magsimula na ang oras ng trabaho ay saka pa lamang sinabi sa akin ni Marcela ang magandang balita.

"Nalaman kasi ni Papa na naghahahanap ng Accounting firm si Don Lim Chay Seng, ang presidente ng Disteleria Limcauco kung kaya't nirekomenda nya tayo."pagmamalaki nya sa akin.

Pupunta sila dito ngayong araw sa atin para makipag usap at maipali wanag din natin sa kanila kung ano ano ba ang serbisyong pwede nating ibigay sa kanila" patuloy niya habang nakaupo sa kanyang upuan sa loob ng kanyang opisina.

"Sana pala ay sinabihan mo ako ng mas maaga nang napaganda natin ang ayos ng buong opisina." wika ko na noong mga oras na yon ay nasabik sa balitang natanggap kay Marcela

Wala kang dapat ipag alala, naipa general cleaning ko naman na ng opisina nung isang araw. sambit ni Marcela. Ipagpaatuloy pa nya sana ang sasabihin nang isang katok mula sa pintuan ang bumasag sa aming katahimikan. matapos magbigay ng hudyat si Marcela sa aming tauhan para pumasok ay agad itong nagsalita

"Naririto na po ang bagong tanggap na empleyado." wika ng isa sa aming clerk."

"Sige papasukin mo na sya, Esther." tugon dito ni Marcela. bago pa man makapasok ang bagong courier ay sumenyas na ako na babalik na sa aking opisina.

Habang naglalakad pabalik sa opisina ay sya namang pag pasok ng isang lalaki, na kung hindi ako nagkakamali ay ang bagong tanggap naming empleyado. Di sinasadyang nagtama ang aming paningin at tila nagulat pa ito nang mga sandaling yon, bahagya nitong ibinaba ang kanyang ulo na tila sensyales ng pagbibigay galang na agad ko namang tinugunan ng ngiti. Nakaramdam ako ng kakatwa dahil sa di ko maalalang pagkakataon ay tila pamilyar at nakita ko na ito kung saan.

Naging matagumpay naman ang naganap na pag uusap sa araw na yon sa pagitan ng Disteleria Limtauco at ng aming firm at nailatag ng maayos ang lahat ng detalye at mga bagay na higit na mas kailangan na tutukan sa kanilang kumpanya. Nang gabing yon ay sama sama kaming lumabas at kumain sa Toho Antigua Panciteria sa Binondo kasama ang lahat ng empleyado ng Paterno Villareal & Co. upang gantimpalaan sila sa kanilang di matatawarang kahusayan at para din sa tagumpay na aming nakamit ng araw na yon.

Nagprisinta akong ihatid si Marcela pauwi sakay ng aking Awto matapos ang aming hapunan nang gabing yon, makikita sa kanyang mga mata ang kasiyahan nang gabing yon, may isang oras din ang aming byahe bago marating ang kanilang tahanan at bagosya makapasok ay makailang ulit nya akong pinasalamatan. Isa para sa masarap at masayang hapunan at pangalawa naman ay para sa pagahatid ko sa kanya

Bigla ay hinalikan nya ako sa aking pisngi na bahagya kong ikinagulat, marahil ay nakita nya ang biglang pamumula ng aking buong mukha kaya nagmamadali syang tumalikod at dali daling naglakad papasok sa kanila. Naiwan naman akong nakatayo at nagtataka habang nakatanaw lamang sa kanya at hindi namalayang unti unti nang nangingiti.

Return to the FutureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon