HEESEUNG'S
"shit patay kasama si sunghoon mamaya" bulong ko sa sarili ko.
ilang minuto lang may kumatok na sa pinto ng bahay, mag isa lang ako ngayon, 3 months wala sila mama at papa kasama ang parents ni aerin dahil sa business.
pumunta ako sa may pinto at bumungad na nga sa'kin sila jungwon.
"hello hyung" bati niya agad sa akin sabay pinapasok ko na sila.
anong oras kaya pupunta si aerin dito
"hyung ano nga ulit gagawin natin dito'' tanong ni jungwon, ewan ko din kung bakit sila nandito eh, biglang nag ayaan na pumunta dito sa bahay.
"movie marathon diba" ani ni Jay
"ge buksan niyo na tv sa kwarto, kuha ako pagkain" aniko at pumanik na naman sila sa kwarto ko.
kumuha ako ng mga chips since ayoko nang gumawa pa ng popcorn tapos kumuha ako ng dalawang softdrinks sa ref.
paglabas ko ng kitchen may kumatok ulit sa pintuan.
si aerin na siguro 'to.
binaba ko muna ang mga dala dala ko pagtapos binuksan ko na ulit ang pinto.
si aerin nga
"WASSAp KUYA" sigaw niya at niyakap ako.
"ang ingay mo aerin" aniko sabay inirapan niya naman ako.
"oh akala ko ba andito mga tropa mo, wala naman sila ah, ayaw mo lang yata ako papuntahin eh" aniya tapos hinampas ako.
"aray nakakasakit ka na ha, andun sila sa kwarto ko magm-movie marathon kami" sabi ko naman sakanya
"ay weh, sama ako" aniya tapos nagtangka nang pumanik sa kwarto ko, pipigilan ko sana siya peri alam ko namang hindi magpapapigil yan hays.
"hoy aerin tulungan mo muna ako dito" tawag ko sakanya, napalingon naman siya sakin at nakitang andami kong dalang chips kasama pa yung dalawang softdrinks kaya kinuha niya sakin yung iba.
pumanik na kami at pagtapos bumungad naman samin ang mga tropa kong mga nakahiga na sa carpet katabi ng higaan ko.
"kuya ang cute naman nila, they looks so comfy there omo" bulong sakin ng pinsan ko, tinignan ko siya ng masama
"uy aerin???" si sunoo agad unang nakapansin sakanya.
"uy vp musta, tropa pala kayo nito ni kuya" sagot sakanya ni aerin, oo nga pala sila ang president at vice ng sc.
"hii jungwoonn" bati naman ni aerin kay jungwon at umupo sa tabi nito, ako naman umupo sa tabi ni Jay
"hi noona" bati sakanya pabalik ni jungwon havang nakangiti.
"uy dance machine niki kaw din pala tropa nito" ani ni aerin sabay nagtawanan sila
nagdaldalan silang lahat, medyo naging close na din ang iba kay aerin dahil hindi naman talaga mahirap makisalamuha dito sa pinsan ko.
pero napansin ko ang tahimik ni sunghoon.
nilapitan ko siya at umupo sa tabi niya. "hoon ayos ka lang ba" tanong ko.
"oo hyung, siya yun diba si aerin" aniya at tumango naman ako.
"nahihiya ka?" tanong ko sabay tinignan niya naman ako
"anong nahihiya hindi ah"
"sus, sabi ko sayo eh matinik yang si aerin eh" aniko at tumawa naman siya
"bakit fish ba siya" minsan, masarap mangbalibag ng tao, buti kaibigan kita sunghoon
lumipas ang madaming oras nakapag movie marathon na kami at kumain at ngayon nag aaya nang umuwi si Jay
"uy tol uwi na ako pagalitan ako ng tatay ko baka mawalan ako ng bahay ng di oras"
"ay ako din" ani ni sunoo sabay sumunod na ang lahat.
"hoy ingat kayo" aniko sabay pinalayas na sila sa aking pamamahay, pagod.
YOU ARE READING
𝘪𝘯𝘵𝘳𝘰𝘷𝘦𝘳𝘵 / 𝘱.𝘴𝘶𝘯𝘨𝘩𝘰𝘰𝘯
Fanfiction【 Enhypen Series #1 】 ❝ I've tried many things because of you ❞ ___________________________________________________ ✎... Park Sunghoon a transfer student at Belift University who's an introvert person but then Lee Aerin a cousin of his frien...