Chapter 1
*Hellieja's Point of view*
"Ano na naman ang ginawa mo Hellieja? Bakit ikaw na naman ang sinisisi nila sa pag kamatay ni Alfred?" tanong ni Mama.
"Wala akong alam sa pag kamatay n'ya Ma ang tadhana ay tadhana at hindi natin ito mapipigilan."paliwanag ko.
Totoo naman hindi ba? Oras na n'ya kaya s'ya namatay at 'di ko'yon kasalanan.
"Ayan ka na naman sa mga salitang 'yan saan mo ba natutunan 'yan?"
"Ma sinabi ko na po sa'yo matagal ko ng alam ang bagay na 'yon. Kasalanan ko bang alam ko kung ano ang kapalit ng ginagawa nila."Sabi ko at inihanda na ang mga gamit ko.
"Anak 'wag mo na lamang sabihin kung alam mo"Sabi n'ya at inayos ang necktie ko.
"Ma kung hindi ko sasabihin ang mga nakikita ko, sa akin iyon mapupunta at mas malala pa. At isa pa sabi mo sa akin dati pag alam ko sabihin ko para hindi ito masayang."Paliwanag ko.
Araw araw nalang kaming ganito. Lagi nilang kwenikwestyon ang mga sinasabi ko.Haystt.
At sa mga pinag sasabihan ko, binibigyan ko sila ng pag kakataong mag bago pero sinasayang nila ang mga bilin ko at sa huli ako pa ang masama.
"Ma aalis na ako bye bye I love you!"sabi ko at tumakbo na papuntang istasyon.
Hindi gan'on karangya ang buhay namin. Sapat lang ang kita ni Mama para sa aming dalawa.
"Mag ingat Ka!!!"
Habang nasa byahe ,lahat ng kasabay ko ay nag iiwas ng tingin at ang iba ay dali daling bumaba ng jeep.
Nakakasawa rin ang ganitong eksena. Kung maka iwas sila sa'kin akala mo naman mayroon akong malalang sakit.
WALA akong kaibigan dahil natatakot sila sa akin at ang mga nag babalak na kaibiganin ako ay bigla bigla nalang mawawala sa school na pinapasukan ko.
Hindi naman ako nalulungkot dahil dun. Pero minsan iniisip ko na hindi ako normal.
Well ayun naman ang tingin ng lahat sa akin. A weirdo. A black sheep.
"Para po!"sigaw ko para pahintuin ang jeep.
Here I am again. Sa tapat ng impyernong paaralang ito. Anderson High. Ang ganda ng pangalan 'di ba?
"Besh Tara!!"
"Alis na tayo baka malasin pa tayo!"
"Guys takbo nandito na ang itim na tupa!"
"The weirdo is here"
"Guys may sinumpa na naman daw 'yan"
Ilan lang 'yan sa mga naririnig ko tuwing pumapasok sa school na ito.
Hindi ko nalang pinansin ang mga sinasabi nila. Nag patuloy lang ako sa pag lalakad ng may mabangga ako. Dahilan para matumba kaming pareho.
Dali dali akong tumayo para tulungan ang nabangga ko pero hindi pa ako tuluyang nakakatayo ng tinulak n'ya ako.
Pag tingala ko galit na mukha n'ya ang nasilayan ko.
"Tanga ka ba?!!"sigaw n'ya
"Sorry" sabi ko at napayuko.
Hindi ako naka yuko dahil natatakot o nahihiya ako. Naka yuko ako para mapigilan ang galit ko dahil tinawag n'ya akong tanga.
"Ano pang magagawa ng sorry mo?!!"sigaw n'ya at sinipa ako.
YOU ARE READING
Karma: Her Twin
FantasySi Hellieja ay may kakayahang makita ang karma ng mga taong nasa paligid n'ya. Pero paano na ang buhay n'ya kung malalaman n'ya ang dahilan kung bakit n'ya ito kayang gawin?