Simula

5 1 0
                                    

*tok tok
"Ian (yan) gumising kana, may pasok kapa" sabi ni nanay mula sa labas ng kwarto ko
"Hmmm, opo nay" at nag unat unat muna ako para at least tumaas pako ng kahit konti charot! Matangkad kaya ako. Ay bago ko makalimutan let me introduce myself first, I am Aviana Flores, 18 yrs old at grade 12 nako sa pinaka sikat at pinaka mahal na paaralan dito sa bansa ang Smith University. Nag papasalamat talaga ako kay Mr. Reyes dahil sinagot nya ang pang gasto ng pag-aaral ko. Ay teka maliligo na muna ako!
Pagkatapos ko maligo ay sinuot ko agad ang palda ko na kulay royal blue na hanggang baba ng tuhod ang haba at white long sleeves at coat na itim tapos sinukbit ko na ang neck tie ko na kulay royal blue rin na may logo ng smith u. Actually ako lang ang may ganto kahaba na palda kase yung iba ay halos makita na yung singit sa sobrang ikli. Pagkatapos ay pinusod ko agad ang aking buhok at nilagyan ng gel para walang mga takas na buhok at sinuot ang glasses ko tapos ay viola! Ampangit ko huhu. Dumiretso na agad ako sa hapag bitbit ang bag ko.
"Ian, kumain kana at ng maka alis kana baka malate kapa eh maglalakad ka pa naman" sabi ni nanay sakin habang nag sasandok sya ng kanin.
"Opo nay" nagtataka siguro kayo kung bakit kami lang dalawa noh? Kase iniwan na kami ng tatay ko nung bata palang ako at wala ng ibang anak si nanay kaya kaming dalawa nalang. Buti nga may tindahan kami kaya may pang gastos kami sa pang araw-araw. Pagkatapos kumain ay tumayo na ako at niligpit ang pinagkainan ko tapos nag sipilyo.
"Anak ito oh isang daan baon mo" habang iniabot sakin ang pera "pasensya na anak,wala pa kase tayong benta kaya yan nalang muna"
"Sus nay, solb (solve) na po to para pang recess nay" kahit yung totoo hanggang isang sandwich at tubig lang kase ang mamahal ng pagkain sa school eh pero at least may ma aafford parin ako.
" O sya, alis na first day pa naman"
"Sige nay, babye" sabi ko sabay halik sa pisngi nya at naglakad nako papuntang school. Tatlong kanto lang naman ang layo nito samin kaya nilalakad ko nalang.
(School gate)
*vrooom
"Ahhhhh, nandyan na silaaaaa"
"Omg girl! Ayos naba ang make up ko?"
"Huhu akin kana Orson"
"Aziel anakan mo ko plsss"
"Shaun marry me plsss"
"Omg! I will make my BG kidnap you Dewei"
Grabe naman tong mga babaeng to parang di anak mayayaman kung maka sigaw at maka pantasya sa mga prince kuno dito sa smith u. Okay I admit, kahit nerd at pangit ako marunong parin akong umappreciate ng mga gwapo at yes gwapo silang apat kaya nga tinitilian ng mga rich girls nato. Magsimula tayo kay Aziel Riggs Monteverde 18 years old at anak ng senador ng bansa at may maraming business na sikat rin sa ibang bansa. Si Aziel ang pinaka misteryoso sa apat at minsan mo lamang itong makita ngumiti but I'm telling you pag ngumiti sya parang nakakita ka ng anghel sa sobrang gwapo. Pano ko nasabe? Wala feel ko lang chos :) pero seryoso gwapo talaga yan. Next is Shaun Kendrick Tan, half chinese and half filipino, 18 years old at anak ng isang sikat na chinese businessman at filipina actress. Si Shaun ay isa sa pinaka playboy sa grupo at pag ngumiti yan nakoooo talagang laglag panty mo pero ingat ka matinik sa chix yan. We also have Dewei Park, half korean and half filipino, 18 yrs old at anak ng pinaka mayamang pamilya sa south korea. Sya ang ideal boy ng halos lahat kase para syang prince charming lalo na pag nag iice skating yan talagang mahuhulog ka kase sobrang galing at mabait rin yan pero yun nga playboy din pero pag nasa mood lang hahahaha! And last is Orson Zyair Smith ang isa sa dalawang anak ng ikalawa sa pinaka mayamang pamilya dito sa bansa at anak ng may-ari ng Smith University. Kilala ang pamilya nila dahil sa dami ng business nito at isang retired victoria's secret model ang mama nito. Si Orson ang pinaka gwapo sa kanilang apat dahil sa kanyang mukha na parang si Leonardo DiCaprio noong kabataan pa nito. Ngunit si Orson ang tinaguriang pinaka playboy sa kanilang grupo dahil halos kada oras iba iba ang babaeng kasama at kahalikan nito.
*kringgggg
Oops! Malapit na mag start yung class so lumakad nako patungong building ng senior high at hinanap ang room ko.
(Grade 12- Charity) okayyy this must be it. At pumasok nako at umupo sa pinaka likod malapit sa bintana at nag basa muna ng libro habang hinihintay magsidatingan ang mga kaklase ko.

————————————————————————
Wassup everyone!! Omg ewan parang ampangit ng simula HAHHAHAHA so should I continue? Or nah? Please leave a comment for me to know your reactions hehe:) peaceeee

The way I amTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon