2

2 1 0
                                    

"Okay class please be quiet" sabi ng teacher na kakapasok lang "I am Ms. Trissa Madrid your teacher for Philippine Politics and Governance and your adviser for this school year" btw Humss ang kinuha kong strand hehe "Okay as you all kno–" di pa natatapos mag salita si Ms ay biglang bumukas ang pinto and there nakatayo si Shaun habang nasa likod nya yung tatlo.
"Halaaa kaklase natin silaaa"
"Gosh I need to look beautiful coz my prince is here"
Grabe naman maka react tong classmates ko eh tao rin lang naman yan sila
"Oh Mr. Tan and company, what I can do for you?" tukoy ni Ms kay Shaun habang halata sa mukha nya na nagwagwapohan rin "Eh miss dito daw yung sec namin kase puno na sa iba" sabay killer smile nakuuu napaka playboy talaga pati teacher di pinalagpas "okay please come in and take your seats wherever you want" sabi ni miss na namumula pa ang pisngi. Pumasok naman ang mga ugok at naghiyawan ang mga classmates ko lalo na nung huling pagpasok ni Orson. Si shaun todo kaway at smile sa mga babae at si Orson naman parang tanga kung maka smirk pero si Dewei ay nakangiti lang ng tipid at kita mo talaga ang kabaitan sa kanya habang si Aziel ayun naka poker face lang. Yumuko nalang ako at pinagpatuloy ang pagbabasa pero nagtaka ako kung bakit sobrang tahimik na ng paligid kaya nag angat ako ng tingin at halos malaglag ang panga ko ng pinalibutan nila akong apat "Miss beautiful, pwede ba kami maupo sa tabi mo?" sabi ni Shaun kaya tinuro ko naman yung sarili ko at tinignan ang katabing mga upuan na bakante. Sa may kaliwang gilid ko may bakanteng dalawa at sa harap may dalawa rin kaya tumango nalang ako kahit yung totoo para nakong mamamatay sa kakapigil ng hininga ko. Ngumiti naman si Shaun at Dewei sakin at nag kanya kanyang upo. Bale nasa pinaka dulo ako malapit sa bintana tapos sa tabi ko si Aziel then sa gilid niya si Orson at sa pinaka harap ko talaga si Dewei tapos tabi nito sa kaliwa ay si Shaun.
"Grabe ang swerte naman ng nerd katabi nya sina Orson"
"Ba't ba kase dyan pa sila umupo eh ang pangit kaya ng babaeng yan"
Iilan lang yan sa mga naririnig kung bulungan "Class please be quiet" sita ni miss "okay now since di ko pa kayo kilala let's get to know each other by introducing yourself here in front" nagsimula na magpakikila yung mga kaklase ko at si Shaun na ang tumayo at pumunta sa harap " Yowww! I'm Shaun Kendrick Tan,18, single and ready to make you happy" sabay kindat. Ang mga kaklaseng babae ko naman parang kinikiliti sa sobrang kilig "Annyeong! Dewei Park,18, hope we can all be friends" sabay ngiti na sobrang cute, ang cute nya talaga at kung hindi naman ngingiti sobrang hot at gwapo. "Aziel Riggs Monteverde,18" sabi ni Aziel na naka poker face parin grabe ha mas nag ingay lalo ang nga kaklase ko kahit pa walang emosyon si Aziel. "Wahhhhh Orson babeeee" okay alam nyo na siguro kung bakit sila nag kakaganyan "Hi girls!" Sabay kindat
" Orson Zyair (Zayer) Smith, 18, just call me if you need me and I'll be there" syempre para ng mahimatay ang mga kaklase ko ng mag lip bite sya sus parang yun lang. Tapos na silang apat and it means ako na so nag dahan dahan akong tumayo at nakayukong lumakad pero nabangga ako sa isang matigas na bagay at pag tingin ko si Orson pala at ang mas nakakaloko ay hinawakan nya ang mukha ko na parang may tinitingnan kaya iniwas ko agad ito at nagyuko ulit ng ulo habang papunta sa harap.
" wtf? who is she to get closer to my baby Orson?"
"Ang landi naman nya para sadyaing bungguin si Orson natin eh ampangit naman"
"Hi ako si Aviana Flores, 18" sabi ko ng sobrang hina at naglakad nako pabalik sa upuan ko pero naman ohh tinisod ako ng isang kaklase namin na nakita ko kanina na nagalit dahil sa pagkabangga ko kay Orson. " HAHAHHHA serves you right, nerd!" tumayo ako sabay pagpag sa damit ko at bumalik na sa upuan pero kailangan kong dumaan sa harap nila Orson at Aziel kase pinaka gilid ako. "Class don't do that again, kawawa naman si miss Florse" sabi ni ms sa mga kaklase ko " U okay?" tanong ni Aziel sa akin habang padaan ako sa harap nya "O-oo" sabi ko ng nanginginig hindi dahil sa kilig kundi sa hiya at kaba kase kinausap nya ko eh ang alam ko minsan lang rin tong mag salita. Umupo nako sa upuan ko habang nakatingin sakin si Aziel, Dewei at Shaun. Pero ang mas creepy ay naka ngiti ng nakakaloko sakin si Shaun habang si Aziel ay wala kang makikita na emosyon pero si Dewei halatang nag-aalala. Ngitian ko nalang si Dewei ng tipid at nakinig na sa sinasabe ni Ms.

————————————————————————
Bakit kaya parang concern si Aziel kay Avi? At anong nasa isip ni Orson nung bigla nyang hinawakan ang mukha ni Avi at tinitigan?
Anyways, thank you sa mga nag babasa kahit pa maraming mali hehehe lovelots:*

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 11, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The way I amTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon