Amanda's Pov
Bago pa umandar ang bus na sinasakyan ko ay nakahanap na ako ng bakanteng upuan , anyare?
Umuulan pero wala naman masyadong tao sa bus na ito
Baka yumaman na ang lahat at naka bili ng sasakyan
Napailing ako
Ay teka hindi hindi , baka naman ay nag sale ngayun ang pabilihan ng mga sasakyan
I heaved a deep sigh ,ano ba naman itong pinag iisip ko ano ako , naka drugs?
Nakaupo ako malapit sa bintana ng bus at dahil sa umuulan at wala pang masyadong tao eh eto ako at nag i-emote
Kakabreak lang namin ni Jacobi , naging boyfriend ko siya nang isat kalahating taon
"ang lokong yun' kung makapagbreak wagas di man lang ako inisip! Di man lang nag bigay ng rason! Para namang gwapo eh di naman ah!", pinahid ko ang mga luhang kusang tumakas mula saaking mga mata
Dahil sa wala namang tao rito eh wawagasin ko nalang ang pag i-emote , ayaw kong mag alala si tita Neri saakin , baka sabunutan ako non' eh ayaw na ayaw pa naman niya si Jacobi para saakin
Biglang napatigil ang pag i-emote ko nang may tumabi saakin , napakabango naman
Hoi! Kakabreak mo lang! An landi neto eh!
Sigaw ko sa sarili , pero hindi eh , literal talaga na mabango ang tumabi saakin
Sa inuukupa kong upuan , tatlong pasahero ang makakasakay pero heto at may distansya sa pagitan namin , pero kahit na naka talikod ako ng kaunti ay naaamoy ko talaga ang bango nya
Ano kayang gamit netong lalaki nato , mamahalin kaya? Ang bango eh , isu-suggest ko ito kay Jacobi ang baho non eh!
Dahil narin siguro sa na curious ako kaya ay hinay hinay kong inayos ang pagkakaupo ko pero bago non' ay inayos ko muna ang mukha ko , para akong bata na hindi inalagaan ng ina eh , tumutulo parin sipon ko!
Pero kahit ganoon na ayos ko naman ng kaunti ang sarili ko , may pagdadalwang isip kong tiningnan ang lalaki , sumisimhot narin ako nang kanyang bango
Napalaki agad ang butas ng ilong ko
Ay sheyt ang gwafo naman nito! Aba anong pangalan ng fafa na ito?
Ay anyare parang nakalimutan ko agad ang pakikipag break saakin ng jowa ko eh , eh naman kasi ang gwafo nitong lalaki na nakatabi ko ngayun!
Naka white shirt sya sa loob at naka leather jacket naman sa labas , naka semi fitted jeans siya ay astig neto
Gwafo!
Itinaas baba ko ang aking mga mata , ay angas ah , mukhang mayaman!
Naka combat shoes siya na mas nakadagdag sa angas niyang porma , pag dating naman sa buhok ay naka top knot ang syle neto
Kaagad naman akong nag bawi ng tingin nang napansin na ng lalaki , ay wait-no gwafong fafa na nakatingin ako sa kaniya
Tumawa lang siya ng mahina-ay muntikan na , napakagat labi nalang ako at nag acting na parang hindi nakakahilo ang pagiging gwafo siya , nilarolaro ko naman ang mga daliri ko para malibang pero wala eh, gwafo talaga niya sarap tingnan
Eto na nga eh sige na! Pag bibigyan na kita! Kakabreak up mo lang ang harot mo na! Kausap ko ang sarili ko
Hindi ko naman namalayan na napadpad napala ang mga mata ko kay gwafong fafa tinitigan ko lang siya
![](https://img.wattpad.com/cover/250683978-288-k499852.jpg)