PROLOGUE

442 39 45
                                    

Locker in our Hallway


"I am going to asure you all, that if you will vote me as Vice-President, you will never regret it." Nagpalakpakan ang mga tao dahil sa pledge ni Andrea.

Isa siya sa representative running for the position of being a Vice-President ng school. Boto ako sa kaniya pero sabi nila may attitude problem daw ang isang ito kaya medyo alinlangan ako sa kaniya.

Though, hindi naman sa akin–sa amin, nakabatay ang desisyon. Kung hindi sa mga taong nanonood ngayon sa amin. Mamaya ay ako na ang magbibigay ng pledge ko. I'm running for the position of being a President of our school year.

Ayaw ko naman talagang tumakbo e. Kilala ako dahil sa mga kalokohan ko sa school buong highschool year ko, pero eto na ang last school year at kailangan ko nang magtino.

Napilitan lang naman akong tumakbo kasi nabalitaan kong magkakaroon ng scholarship ang mga mananalo dito sa Supreme Student Council at kailangan maging isa ako sa kanila.

Nagmakaawa pa ako sa mga teachers na patakbuhin nila ako kahit palakol ang mga grades ko. Nangako ako na gagalingan ko na this school year. Mabuti naman at naawa sila sa akin kasi kailangan ko talaga ng scholarship.

Kahit loko-loko ako no'ng mga nakaraang year ko, gusto ko pa rin magtapos. Hindi na kaya ng mga magulang kong patapusin ako sa pag-aaral kaya ako na ang kakayod para sa sarili ko. Para si Jhonny nalang ang problemahin nila. Si Jhonny ang nakababata kong kapatid.

"You look tensed up. Kabado ka ba? Don't worry, I'll take this easy for you." Sabi ng katabi kong si Calumn.

Si Calumn, ang kalaban ko sa pagtakbo bilang President. Dalawa lang kaming magkalaban para sa position as President.

Actually, he's our school President for three consecutive years. Walang gustong kumalaban sa kaniya kasi wala namang makakatalo sa kaniya at wala ring masasabing masama sa pagpapatakbo niya dahil madalang lang magkaissue ang mga estudyante dahil malupit daw kung magparusa ang isang 'to.

But sorry dear, I need money.

Kahit alam ko sa sarili ko na matatalo ako, lalaban pa rin ako. Hindi ako mawawalan ng pag-asa kasi kailangan ko talagang makuha ang scholarship. Hindi naman kailangan ni Calumn no'n e! Mayaman na sila!

Mayaman din naman kami. Kaya nga childish ang ugali ko noon na unti-unti ko ng binabago ngayon. Simula ng lumubog ang pamilya namin noong bakasyon, naging simpleng babae nalang ako.

Ang dating ako na hindi mabubuhay kung walang liptint, ngayon ay kahit maputla ako, wala na akong pakialam. Ang ipangpupunas ko nalang sa labi ko isinakripisyo ko para lang magkaroon ng pang-baon si Jhonny.

Sila Mama at Papa... Hirap na hirap na sila. Nakikita iyon ng dalawang mata ko. Si Mama, hindi siya sanay sa buhay mahirap, si Papa naman ay halos mangayayat na dahil sa problema. Hanggang kasi ngayon ay iniisip pa rin niya kung paano mababawi ang kumpanyang tinangay sa amin.

Kaya nga gusto ko talaga makuha ang scholarship, para kahit papano ay mabawasan na ang alalahanin nila Mama at Papa. Si Jhonny nalang ang po-problema nila.

"Our President for three consecutive years, let us welcome. Calumn Jax Bautista!" Nagpalakpakan ang mga tao nang tawagin si Calumn.

The Breakers Series 1: Locker In Our Hallway (On-Going)Where stories live. Discover now