'L❤CKD❤WN FEELINGS'

0 0 0
                                    

(part 27)....

        Napa tingin na lang si Miko kay Ken sa kanyang sinabi.Halos napa nga-nga lang si Miko at tila malakas ang pintig ng kanyang puso sa sinabi ni Ken..Bagamat pala isipan nya ang mga sandaling iyon sa kanilang dalawa kung bakit napunta sila sa ganung bagay..Kung bakit napunta ang usapan nila sa ganun...

           "KEEE...KEEN!!! ANO??"...

           "MIK I WON'T SAY IT AGAIN BUT PLEASE ACCEPT MY HEART THAT I GAVE TO YOU!!"...

            "KEN!!! DI BA PARANG AMBILIS NAMAN!!"...

            "MIK IKAW NA NAGSABI BASTA MAHALAGA NASA TAMANG TAO KA DI NA MAHALAGA KUNG ANO ANG TIBOK NG PUSO AT TAKBO NG UTAK...SO PLEASE ACCEPT MY HEART I GAVE TO YOU!!"...

              "YESSSS KEN..I ACCEPT IT WHOLE!!".....

              Sa tuwa ni Ken ay naglabas sya  ng emosyon..Nilakasan nya ang pagmamaneho hanggat nawala sya sa kanyang balance at tuluyan silang bumangga...Bumagsak silang dalawa..Tumayo si Miko at pa ulit ulit nyang tinatawag ang pangalan ni Ken ngunit hindi ito nagising...





      

           "MIK!! MIK!! MIKKK!!???"...

         "AAAAA ANO YUN??!"...


          "MIK BAKIT MAY PROBLEMA BA?? BAKIT KA NAKATULALA KANINA PA AKO TAWAG MG TAWAG SAYO!!"....

           "WALA WALA WALA...MAY INIISIP LANG AKO!! ANO NGA YUNG TANONG MO???"...

            "AYYY TANONG KO MIK KUNG ANO BA ANG DAPAT SUNDIN? PUSO O UTAK!!?"....


            Tanong iyon ni Ken kay Miko habang malalim ang kanyang iniisip..

            Bagamat nasa sukdalan na ng kaligayahan si Ken sa imahinasyon ni Miko ngunit may trahedyang nababalot sa kanilang dalawa..
             Di parin malinaw kay Miko kung bakit ganun na lang ang lumabas sa kanyang isip sa sandaling iyon.Nasa simply lang silang paguusap at ganun na lang ang takbo ng kanyang utak sa imahinasyon.
           Di nya sinagot ang tanong ni Ken pero iba ang sinabi nya..



            "TSAKA KUNA SAGUTIN YAN PAG OKEY NA KEN HA!! TARA NA AT UUWI NA TAYO!!"...


            "OOOOKEY!!!"....


           Nagtaka na lang si Ken kay Miko at di nagtagal ay pinaandar nya ang motor at umuwi na sila..
   

            Ilang minuto lang ang nakalipas ay dumating na sila..Bumaba na si Miko sa motor...Dumiritso lang sya at walang pasabi..Naka limang hakbang sya papasok ay tinawag sya ni Ken..


          "MIK!!!!? HEY!???"...

         Huminto lang si Miko at di humarap kay Ken...Sinundan ni Ken ng tanong...


             "ARE YOU OKEY???".....


          Tinaas lang ni Miko ang kanyang daliri at sabay ng tumalikod papasok ng pinto..

           Nagtaka si Ken bakit ganun si Miko sa sandaling iyon.Wala syang idea kung anong iniisip ni Miko samantalang masaya pa silang binaybay ang buong subdivision..
           At dahil dun agad na lang umuwi si Ken sa kanila.


        Diritso dirotso lang si Miko ng pasok walang imik kahit tinanong siya nila Anne at Ricky...



         "OH KUMUSTA ANG BYAHENG LANGIT??"...sabi iyon ni Ricky habang naka lagay ang mga dalawang kamay sa bulsa..

         Walang sagot si Miko.Ganun din kay Anne...

            "KUYA!!! KUYA!! KUYA!!! ANONG NANGYARI AAAAYYEEEIIII ANO BALITA???"....


          Tinalikuran lang sya ni Miko at wala ding imik...



            "AYYYY ANONG NANGYARI DUN?? BAKIT GANUN YUN??"....tanong ni Anne habang tinuro ang kuya nya ng kaharap nya si Ricky...




           Diritso-diritso lang si Miko na parang walang narinig.Nagtaka tuloy ang dalawa sa kanilang nakita kay Miko.

          Di naka pigil si Anne ay sinundan nya ito..Di pa nga sya naka rating sa pinto ng kwarto ng kuya nya ay agad itong sinara ni Miko..
           Nagpumilit syang pumasok habang pinupokpok ang pinto ngunit di sya pinakinggan ni Miko..

"L❤CKD❤WN FEELINGS"Where stories live. Discover now