Prologue

21 0 0
                                    

"Class dismissed"

Sa wakas makakapaglunch na ako*Q*. Eto naman kaseng si maam eh walang kabuhay buhay magdiscuss kaya ayun.. imbes na mahilig ako sa subject niya kase history at tungkol pa sa mga pinagmulan ng mga hayop gaya ng mga unggoy kung bakit sila magkahawig ng nagbabasa neto ngayon. di oy char lang.

Habang naglalabasan na ang mga kaklase ko ay ibinalik ko na rin sa loob ng bag ang mga kuwaderno at nilinisan ang mga kalat kong nakatago sa ilalim ng mesa ko, eh sa ginutom ako sa discussion ni maam eh plus isali mo na rin na sobrang nakakaantok pa -,-.

Lumabas na ako. May pakembot-kembot pa ako habang tinungo ang daan kung saan ang cafeteria. Nakarating akong haggard na ang mukha dahil sa sobrang init. Tss.Ba't ba kase nakalimutan kong dalhin yung payong ko.? Tsaka sayang rin ang inaapply kung pampaputi kung iitim lang ako ng dahil sa araw. Hoy, wag kayo..nagkokojic soap ang lola niyo,inutang pa nga hahaha. Diretso na ako sa counter at pumili na ng para sa tanghalian ko.

"Ah. Miss.? Pwedeng pakibilisan?Andami pa naming nakapila rito ohtas parang aabutin ka pa ng bukassa tagal mong pumili. tss." sabi ngbabaeng anak ni sadaku.  Wow. Kala ko hindi nag eexist si Sadaku.? at ito pa. Anak niya pa ang nakita ko. A dream come true ^0^.

Taas ang isang kilay ko sabay crossarms, "Pake mo.? At oh my .. Buti naman naisipan ng nanay mo na ipakita ka samin kahit wag na siya. Alam mo, akala ko talaga hindi kayo nag eexist. Kamukhang-kamukha mo pa talaga siya. Pramis, malunod pa ang mga isda sa dagat" sagot ko naman habang may malaking ngiti na nakatingin sa kanya at may kasama pang nakapromise sign na palad.

"At kailan mo pa nakilala ang nanay ko aber.? at bukod sa hindi naman tayo close na never rin iyong mangyayari." kunot noong sabi niya tsaka itinaas na rin ang isang kilay. Oha. imitator lang ang peg.hmp.

"Hala *tinakpan ng dalawang kamay ang bibig* Oh my.! Really??marami ngang nakakakilala sa kanya tas ikaw na anak di alam yon?? oh goodness. Peymus kaya ng nanay mo girl! Talagang.. oh no. oh my!"may pahawak pa sa sentido na parang nadisappoint. Artistahin to mga beh ^~^.

"Ah eh.  Hindi eh. Di ko rin alam na peymus siya.? Ah artista ba si mama ko *Q*??" may sparks pa sa mga matang saad neto habang nakadikit ang dalawang palad(yung parang nagppray,ganun).

"Baliw. Hindi lang artista beh siya pa yung dahilan sa pagthrill ng buong palabas. Kyaaaaah! idol na idol ko yun ih. Sa rebonded ba namang buhok niya tas napakashiny uwuuu*o*, nagrerejoice ba siya beh.?"tanong ko.

"Ah hindi naman. Sunsilk lang ginagamit niya. Idol niya kase si Sarah G. kaya ayun punong puno nang mga balat ng sunsilk sa kwarto niya. Sabi niya collections daw niya iyon, tsk." napapailing niya pang sabi habangnakacross arms na rin ngayon.

"Ah kung ganun, sino ang mama ko?" balik bitch mode na si ateng. may topak rin eh.

"Siya si... ahh. weyt *lingon sa mga palakang nakikinig* Sa tingin niyo. Sinong nanay neto? *turo sa kanya* clue. artista siya sa isang horror movie " nakangisi kong sabi sa kanila.

"Ah. si ano. Annabelle.?" isang P(short for palaka).

"Hindi."

"Yung ano..ahmm white lady.?" ikalawang P.

"Mas lalong hindi,pero malapit na. Go! kaya niyo yan ^0^" pagcheer ko pa sa kanila.

naputol ang isasagot niya ng sumambat yung gaga.

"Kala ko ba artista.? eh ba't puro mga horror characters menimention niyo.?" naguguluhan at napapakunot noo na siya sa mga naririnig. Echos. Weyt ka lang beh malalaman mo rin. Wag kaseng atat.

"AH! SI SADAKU BA KAMU??"pagsagot nung ikatlong P.

"TUMPAK! at dahil diyan.. pwede ka ng pumalit sa pwesto ni madam Awring (ang kaluluwa mo'y sumalangin na. peace.)"

"Aba"t---" inagaw niya ang mango shake sa isang babae at binuhos bigla sa kin. Syempre nagulat ako pero ako naman na si hindi magpapatalo eh kinuha rin ang spaghetti sa estudyante na malapit lang ang mesa sa kin. Binuhos ko yun lahat sa ulo niya. Di naman siya katangkaran kaya madali ko lang iyong nagawa. Hindi na ata siya makapagtimpi kaya sinabunutan niya na ako. Sinabunutan ko rin siya pabalik. Hindi niya namalayang may tubig pala sa sahig kaya ang resulta. Nadulas siya kaya nadala ako pero patuloy pa rin ang aming hair war kahit na parehas na kaming dalawang nakahiga sa maduming sahig.

NAPAARAY ako habang dinidiinan ni mama ang yelo sa may bukol ko sa ulo. Grabe. Amazona ata yung baliw na yun para magkaroon ako neto pero buti nalang nalagyan ko rin siya ng black eye. hahaha. ano siya sinuswerte.? ganti ganti lang yan dude.

"Ikaw kaseng bata ka. Ba't mo pa kase pinatulan. Tan awa. mao nay resulta. gaba nimu. tsk. tsk." sabi ni mama at diniinan na naman. Araaaay.
Kita mo to si mama,nagbibisaya na. hahaha.

"Hmp. eh sa akala ko anak siya ni Sadaku ma eh.. alam mo naman kung gaano ko ina-idolized yon.Kaya yon naisipan kong makipag FRIENDLY talk sa kanya" nakapout kong sagot at diniin pa nga.

"Di ko rin alam na hahantung pala sa ganun ang pag uusap namin :<. Pero dibale ng nagkabukol ako kase naka one point rin naman ako HAHAHA" tawa ko pero napahinto dahil nabatukan ako ni mama.

"Hays. Jusmeyo. Buang na gyud ka nak. Hala sige. Mauuna na ko sa kwarto at inaantok na talaga ako. Night." at tuluyan na ngang pumunta si mama sa silid niya.

"Nakakaenjoy rin palang magsabunutan noh.? hahaha gage. makatulog na nga" sabi ko sa sarili,btw ako nga pala si Shanel Mei Zamira at ito ang simula ng loka-loka kong buhay *wink* at tuluyan na nga akong umakyat patungo sa 'king kwarto.

***********
A/N:

Unedited. Typos ahead. Sorry.

Sa tingin niyo,okay lang ba.?Ngayon ko lang na diskubre na nakakatulong pala ang pagpapamusic habang gumagawa ng story kase nakakaisip agad ng idudugtong ^,^.

Thanks for reading!
You can leave comments madlang peps ;D  Malaking tulong para may gana ako sa pag a-update. Be safe!

Shawtawt pala sa mga bisaya jan :D btw WA MOY UYAB aw char lang.lol.

When buhay becomes Life (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon