Boyfriend niya ko!

20 2 1
                                    

Yeeeey! Its Saturdaaaay! Ang araw kung saan walang pasok si kuya at kuya Peter.. Syempre, wala rin akong pasok! Hahaha.... Makababa na nga, nagugutom na ko....
Nang maka baba na ako dumiretso na ako sa kusina... Naabutan ko roon sina kuya.

"Chloe, gising ka na pala... Sama ka sa amin?" Kuya
"Bakit! Saan kayo pupunta?!" Ako sabay kuha ko ng pandesal sa table.
"Ahh. Sa Tagaytay... Doon sa may rest house nyo dun." Kuya Peter
"Ahh. Sige ba! Hahaha... Edi may kasamang roadtrip na rin yun."
"Syempre naman. Sige akyat na ko.. Ihahanda ko np yung mga dadalhin ko. bilisan nyong kumain dyan para makapaghanda na rin kayo ah." Kuya
"Tanong ko kay kuya Peter
"Edi gagala..." Siya
"Ahh"

Minsan nakaka asar rin tong mga kuya na to e. Nice talking.
Ahhh, para sa mga nagtatanong kung bakit sa amin nakatira si kuya Peter, ang sagot ko e hindi ko alam. May bahay naman yan sa KANYA LANG MALAKI PA pero ayaw niyang tirhan... Parang tanga lang ee.. Kung ako siya dun na ako titira sa sarili nyang bahay.....
Yung mama at papa naman niya parehong nasa States.. Business thing..
HahHahahaahha! Bakit ba yung buhay niya yung ikinukwento ko. Haha.
Pagkatapos kong kumain e umakyat na uli ako para ayusin yung mga gamit ko... Si kuya Peter na uli ang bahala dun sa mga pinggan. Hahahaa.

Hindi nagtagal e lumakad na kami papuntang Tagaytay.
Buti na lang walang traffic kaya mga 2 hours lang nandun na kami...
" Abaa. Mukhang mas lalong gumaganda yung rest house natin dito kuya ahh." Wika ko, pagka babang pagkababa namin ng kotse.
"Gumaganda? E mukha kang patapon na? Nakakahiya! Dapat dito pinapa demolish na!" Kuya barry
"Hahahahahahh! Yabang ah! E yung sasakyan mo nga parang tora-tora lang.... Habang nasa daan parang magkakalasag lasag! Nakakahiya! Dapat dyan tinatapon! " ako natawa naman sila pareho...
"Hahahahaahah, ang yabang nyong magka patid! Nakakahiya! Dapat sa inyo tinatapon!Hahahahahaha!" Kuya Peter
Tiningnan namin siya ng masama tsaka namin binigyan ng batok.
"Grabe naman! Inaano ko ba kayo!? Tsk.kay sakit-sakit e." Si kuya Peter habang hinihimas yung batok niya..
"Tsss. Pasok na nga tayo!" Kuya

Pagpasok namin sinalubong kami ni aling nena.. Yung care taker dito tsaka nung isa pa niyang kasama na si Aling Fe.

"Mabuti naman po at gumala kayo rito... Halos 2 buwan rin ho tayong hindi nagkita kita." Aling nena
"Nakuu, wala naman po kaming magagawa dun sa Maynila. Tsaka ang init-init ho roon, mabuti na lang na dito kami pumunta ng makalanghap rin kami ng sariwang hangin..." Kuya
"Oh sige ho, mag miryenda na muna kayo..." Aling Fe
Pagkatapos naming mag miryenda umalis sina kuya at Kuya Peter.. Hindi sinabi kung saan sila pupunta.
So naghanap na lang ako ng sasakyan dahil plano kong pumunta sa People's Park in the Sky...
Nang makarating na ako dun, palakad-lakad lang ang drama ko.. Hanggang sa may naka bunggo ako..
"Ay. Naku kuya sorry po. Hindi ko sinasad..yA"
Parang pamilyar sa akin yong lalaking to.....
"Naku okay lang... Saïbay baba na nya ng skateboard niya atsaka sinakyan... Baliw ata. Nasa PPITS tapos naka skateboard? Malaglag sana sa bangin. Hahaha joke lang... Pero promise pamilyar talaga siya....

"Brrrrrrrr"

Huh? Kakakain ko lang tapos gutom nanaman ako? Hahahaah! Buti may dala akong pera..
Pumunta na ako kaagad sa malapit na restau at lumapangs...hahaaha

SomeOne's POV
Nakita ko na sya... Nakita ko na uli siya...

After 12 years, nagkita uli kami. Pero mukhang hindi na niya ako naaalala..
I'm Kurt Costanza ang childhood bestfriend ni Chloe...

Nang makaramdam ako ng gutong agad akong oumunta sa paborito kong restau, pero nagulat ako ng pagkapasok na pagka pasok ko, si Chloe kaagad ang nakita ko... Kumakain ng Carbonara.. Carbonara? Tsss. Hindi pa rin talaga siya nagbabago. Carbonara pa rin ang hilig niyang kainin...
Agad akong naupo sa isa sa mga table.. Yung malapit lang sa kanya, hanggang sa lapitan ako ng waiter at kunin ang order ko.
"Carbonara please." Hanggang sa maubos ang pagkain niya, hindi niya ako napansin.... Nakalimutan na nga niya talaga ako.... . Umalis na rin ako kaagad ng umalis siya.

Chloe's POV
I'm at home na...
Tsss. Parang ang bilis ng oras? 2 pm na?
"Aling Fe, alam mo ba kung nasaan pumunta sila kuya at kuya Peter?"
"Pumunta yata dun sa dati nilang barkada... Hindi ako sigurado e."
"Ahh, okay lang po."
San kaya pumunta yung dalawang yun? Tagal nilang wala dito sa bahay ah.

--------
Monday
(Bilis ng takbo ng araw dito nuh? Hahaahahaha. Tiwala lang :) )

Okaaayy, its monday again.
Tsk. Amboring na.. Si Carlo? Ayun. Doing good. Hahaha, hindi nya ko masyadong kinukulit ngayon. Hahaaha.

"Good morning Class! I have an announcement..." Adviser namin. Ano naman kaya yun?
"You have a new classmateSs, please come in.. :)"
O.o
Bakit ang daming transferee?
1 2 3 4???
O.o
Tteka! Yung isang yun! Yun yung nasa Tagaytay kahapon!! Whoaa! Yung Skater Boy?? Luh.. Bakit dito sya mag-aaral?
"Please, introduce yourselves to your classmates...." Teacher
nag pakilala na sila isa isa.
" Good morning new classmates! I'm Rain Casabueno! " Rain? Hahaha.. Ulan?
"I'm Cloud Casabueno"
Hahahah. Aba kumpleto! May ulan, may ulap! Hahhaa! Ano pangalan nung susunod Thunder? Hahaha
"I'm Colleen Cruz." Hahahah. Sayang kala ko Thunder na e.
"I'm Kurt Costanza." Yung Skater boy...

"Pssst. Carlo.. Nakakatuwa yung pangalan nung parehong Casabueno nuh? Cloud and Rain? Kaya lang parang mas masungit yung Cloud." Sabi ko kay Carlo...
"Syempre.. Kasi kapag masama ang ulap doon na pumapatak ang ulan."
"Hahaahahahah!" Tawa namin pareho pero mahina lang...
"Okay.. You may seat at the back. Buti na lang may extra tayo na mga upuan.""
Naramdaman ko na na umupo sila sa likod namin...
Habang nag ka-klase, naramdaman kong may kumakalabit sa akin pagtingin ko... Si Kurt. Tapos nginitian niya ako. Edi ningitian ko na rin! Tss... Familliar talaga ang mukha niya... Hindi ko lang maisip masyado.

Natapos ang dalawang klase at break time na...
Gusto kong maki pag kaibigan sa kanila kaya....
"Oy... Sabay-sabay na tayong mag break?," ako
"Wow. No problem! I'm Rain nga pala" sabay inabot niya yung kamay ko at hinalikan ito.
"Wow. Napaka maginoo mo naman." Sabay bawi ko sa kamay ko... Nakakailang kaya!
"Talaga? Yun oh! May kaibigan na tayo kaagad! Wow naman!" Colleen?
"Ahh. So tara na? Sabay-sabay na tayong pumunta sa cafeteria? " Cloud
"San nga pala yung Cafeteria nyo?" Kurt
"Ahh. Tara sama na lang kayo sa--."
"Sama kayo sa amin! :)" singit ni Carlo
"Boyfriend mo?" Colleen and Rain and Kurt
"Ahh-"
"Oo!" Sabay ngiting aso sa akin ni Carlo!

Shsnsjushdhdyegbdjsj! Napaka epal!
"Naku!---"
"Saan nga uli yung Cafeteria?" Kurt
"Ahh. Sundan nyo na lang kami ni yam." Carlo
Hggttj! Talaga!
Habang naglalakad. Nag bubulungan kami...
"Hoy! Bakit mo sinabi yun! Hindi naman kita boyfriend ah!"
"Ssorry! Mamaya ko na lang ipapaliwanag sa iyo!" Sya. Paliwanag?
Pagdating namin sa cafeteria...
"ano o-orderin nyo? --" Carlo
"Siya na daw ang o-order..." Ako
Tiningnan nya ako ng masama. Tinaasan ko sya ng kilay.
"At siya na rin ang magbabayad." Dugtong ko
Matapos nilang masabi yung oorderin nila pumunta na si Carlo sa counter...
"Ahh... Ms. Hindi ka pa nagpapakilala sa amin, hahaha" Colleen
"Ah! Oo nga... I'm Chloe Torres nga pala..."
" E yung pangalan ng boyfriend mo? "Siya parin.
"Ahh. Carlo Torres."
"So gaano na kayo katagal naging mag boyfriend?"
"Ahhh., kanina lang!"
"HA!?! Kanina lang?!" Silang apat.
Tumangu-tango naman ako...
"Hahaaaha! Akala ko ba naman mga years na!"
"Grabe, minutes pa lang kami!"
Tawa uli sila...
"Teka.. Gaano ba sya katagal nanligaw sa iyo?" Rain
"Ahm, 2 months?"
"Ahh"
Maya-maya dumating na si Carlo, dala ang mga order namin. Ayun, kain lang kami....
"Ahh. Kurt, diba ikaw yung nakita ko kahapon sa Tagaytay.. Yung naka skateboard." Ako
"Ahh... Oon nga! Kaya pala kahawig mo kahapon yung babae dun sa Tagaytay. Kaya pala parang familliar ka sa akin." Kurt said once again

Matapos naming kumain, bumalik na kami sa room, pero lumabas uli kami dahil sasabihin na sa akin ni Carlo yung explanation niya.
Pumunta kami sa may gawing likod ng building namin. Malinis naman to tsaka may puno pa na mayroong swing.
Umupo siya sa swing. Wow. Gentledog!
"O? Ano na?"
"Ganito kasi yan.... *hingang malalim*"
"Car-!!"
Biglan na lang sumulpot si Princess kung saan, at bigla ring tumayo si Carlo mula sa pagkaka upo niya sa swing at bigla niya kong hinalikan... Sa lips!

-------------

Huehue! Hahahaahaaha!
Atleast! Naka pag update ako! Haha!
By the way this chapter is dedicated to: blue_starlover and Younger_Ones dahil inad nila ang story ko sa reading list nila! Natuwa lang ako! :)

The PretendersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon