Chapter 4

1.6K 36 0
                                    

Chapter 4

Sabay sabay nag almusal ang mga Magalona kasama si Julie.

"Eloise, I went to your room last night and wala ka dun?" Sabi ni Frank habang kumakain.

"Yes po, tito. Dun po kami natulog sa kwarto ni mommy Julie" Naka ngiting sabi ni Eloise.

Napa ngiti naman ang lahat sa narinig.

"How 'bout you, kuya Moe?" Pang aasar na tanong ni Clara.

"Doon din ako natulog, and wala lang 'yon ano ba kayo"

"Sus, if I know dumadamoves ka lang kay ate Julie" singit ni Arkin. Nag tawanan naman ang lahat habang si Elmo ay nag blush.

"Mag tigil ka nga, Luciano!" Suway ni Elmo pero hindi mapigilang mapangiti.

"Hahaha!" Arkin chuckled.

"Nag blush si Moses oh!" Saab.

"Shut up, Isabella!" Suway ni Elmo.

"Hahaha, Stop it na kids" natatawang sabi ni Pia.

They continued their food nang nag aasaran, nanatiling tahimik si Julie habang sinusubuan si Eloise dahil alam nya na pag nag salita siya ay siya naman ang kukulitin ng mga Magalona.

"Elmo ako na diyan" Julie said to Elmo nang makita niya itong pinapaliguan si Eloise.

"Is it okay? Ihahanda ko pa kasi yung uniform nya e" nagaalangang sabi ni Elmo.

"Oo naman"

"Thanks. Eloise, wag masyadong malikot ah? Baka madulas ka"

"Yes, dada!"

Lumabas na si Elmo at inihanda ang uniform ni Eloise.

"Are you done soaping?" Julie asked, Eloise nodded.

"Okay, here's the shampoo!!!" Pinalobo muna ni Julie yung shampoo by adding water on it at saka nilagyan ang buhok ni Eloise. Tawa naman nang tawa si Eloise.



"Mommy wait! The shampoo stucked on my nose! Hahaha!" Tsaka huminga at lumobo yung nasa ilong nyang shampoo.

"Hahaha! Ikaw talaga, Eloise!" She pour water on Eloise three times.

"Ayan, okay na!" Julie said then clapped her hands. Kinuha niya yung robe ni Eloise and pinasuot kay Eloise at lumabas na sa CR, sakto naman na tapos na si Elmo mag ready ng uniform ni Eloise.

"Thank you, Dada"

"Welcome! Oh sige na, hurry up pretty girl!"

Julie helped Eloise get dressed and when she did ay lumabas na silang tatlo. They were outside waiting for Elmo and the car.

"Mommy, sama ka po sa school para po makilala mo po yung mga classmates ko!"

"Hmmm, kiss mo muna si mommy?"Pinupog naman sya ng halik ni Eloise.

"Hahaha! Sige na sasama na si mommy!"

"Yaaaaaaay!"

"Hop in!" Elmo said as he arrived with his car. Eloise and Julie did what he said.

Pag dating nila, nag bubulungan ang mga teachers pati na rin ang ibang mga parents. Sikat kasi sa school si Eloise dahil sa palagi itong nananalo sa Math-English-Science-Filipino Olympiad pati sa mga singing and instrument playing contests.

"Siya ba yung mommy ni Eloise? Ang ganda no? Bagay sila ni Mr. Magalona, Tsaka kamukha nya rin si Eloise" chika ni Ateng #1 sa katabi nya.

"Oo nga, ang sexy pa! Parang 'di nanganak!" Sagot naman ni Ateng #2

Nag tawanan nalang tatlo sa mga narinig while making their way sa room ni Eloise.

"Andrei! Andrei! Look oh! Mommy ko! Mommy ko!!!" Masayang sabi ni Eloise at paulit ulit pa'ng tinuro si Julie. Napa ngiti naman si Julie dahil dito.

"Czara! Czara!!! Mommy ko!"

"Raff, mom ko!"

"Eloise, hinay hinay lang" sabi ni Julie kay Eloise.

Pinakilala pa sya ni Eloise sa lahat ng kaklase nya, Maya maya pa ay dumating na ang teacher nila at umalis na rin sina Julie at Elmo at babalik nalang mamayang  3pm para sunduin si Eloise.

"Julie, sorry ah? Napagod ka ata kakahila ni Eloise..." Elmo said as they arrived home.

"Hahaha! It's okay, as long as masaya si Eloise" pinag buksan sya ni Elmo ng pinto ng mansyon.

"Thank you"

"Señor Elmo, umalis po sina donya Pia at mga kapatid niyo. Tawag nalang daw po kayo kung gusto niyong sumunod ni Ma'am Julie" Bungad ng isa sa mga maids nila.

Tumingin naman si Elmo kay Julie.

"Ah, ikaw nalang siguro, Elmo" Julie. 

"Manang, pasabi po na hindi kami susunod." Elmo.

"Sige po, señor" umalis na ang maid.

"Oh, ayaw mo sumama?" Julie asked.

Umiling naman si Elmo. "For sure gabi na yun dadating, eh susunduin ko pa si Eloise"

"Can I come?"

"Of course"

"Sige, sige. Doon nalang muna ako sa room ko"

"Sige, Juls. Call me if you need something"

"Will do. Thank you" Pumasok na si Julie sa room nya at doon nanood ng movie.

∞∞∞∞∞∞

"Hoy panget na walang mommy na Eloise!" Tawag ni Amber kay Eloise. Isa syang bully at si Eloise ang palagi niyang pinagdidiskitahan.

"May mommy ako!" Sagot naman ni Eloise.  

"Utot mo orange! Wala ka'ng mommy! Wala! Fake lang yung mommy mo! Liar ka!"

Eloise eyes starting to water. "Hindi! Mommy ko siya!"

"Oh, Why are you crying? Kasi totoo ang sinasabi ko! Liar ka!!"

"Hindi!!"

"Liar!"

"Eloise!" Sabay silang napa lingon sa likod, It was Julie with Elmo. Agad na kumaripas ng takbo paalis si Amber.

"Why are you crying?" Lumuhod si Julie para mapantayan ang bata at pinunasan ang luha nito gamit ang palad niya. Si Elmo naman ay hinahagod ang likod ng anak.

"K—kasi (sob) W—wala daw po akong m—mommy (sob)"

"No, that's not true! I'm  here oh? Diba ako na ang mommy mo?"" Julie said at niyakap si Eloise.

"Wag mo na lang silang pansinin, wala lang silang magawa, please stop crying na, my baby. Nalulungkot si mommy oh" True to her words, nalulungkot siya kapag nakikitang malungkot si Eloise.

"M—mommy, promise me you'll never leave m—me ha?"

"Oo naman, baby" kumalat si Julie sa yakap at muling pinunasan ang luha ni Eloise.

Kinarga siya ni Elmo. "Baby, stop na. Tara I'll buy you ice cream? You want?"

Tumango ang bata. Pumunta silang tatlo sa ice cream parlor na malapit sa school ni Eloise.

"Are you feeling better na, Eloise?" Elmo asked her daughter as he watched her eating her ice cream.

"Yes, dada. Thank you po, dada" Tumingin sya kay Julie. "Thank you din po, mommy" She smiled.

"Welcome, my baby" Sabay na sabi ni Elmo at Julie. Nagka tinginan sila at natawa nalang.

One Roof (JuliElmo)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon