Luke POV
"LUKE PALERMO open this goddamn door!"
O_O
Nagising ako sa malakas na sigaw na 'yun. Fvck! Yung isa kong chicka babes yun.
"Aurora bangon! Magbihis ka then magtago ka sa cabinet! Faster!" Sigaw ko sa babaeng inuwi ko rito sa condo kagabi galing bar. Fvck. Mahuhuli pa'ko ng isa kong chicks.
"Wait. Bago ako magtago, lilinawin ko lang. Aira ang pangalan ko at hindi Aurora! Asshole!" Sigaw nung babaeng malay ko bang Aira pangalan niya. Tch.
Dali-dali kong sinuot ang boxer shorts ko at tinungo ang pinto. "Hey baby." Bati ko sa isa kong chicks.
*PAKKK*
"You moron! How dare you do this to me, nag-uwi ka ng babae dito kagabi! And worst! Kakilala ko pa. Kahit kelan ka talaga!" Pinaghahampas nya ako ng shoulder bag niyang gawa yata sa bakal. Tang*na. Sakit nun ah.
"I'm sorry Rocher!" hinging patawad ko.
"DAMN YOU! Ginawa mo pa akong ferrero! I'm Rochelle, not rocher!" pinaghahampas niya ako. Hindi naman kasi ako magaling pagdating sa pag-me-memorize ng mga pangalan. Sa dami ko ba namang abbae, matatandaan ko pa ba?
"Stop it!" Sigaw ko habang sinasalag yung bawat hampas niya. Paksyet!
"Hey! Stop that! Ako ang mahal ni Luke kaya 'wag ka nang umeksenang babae ka! Mas magaling ako sa'yo!" Sigaw ni Auro--Aira pala.
=_=
"Anong sabi mong malandi ka! Pinangakuan na nga ako ni Luke ng kasal! Tapos ikaw! Eksaherada ka na agad!"
=_=
Bahala kayong mag-away dyan. Tch. Bumalik ako sa kwarto ko at nagbihis. Dumaan ako sa terrace tutal nasa second floor lang 'tong unit ko. Tinalon ko lang mula sa terrace. Dumiretso ako sa parking.
Bahala na sila du'n sa condo ko. Ang mahalaga, dala ko ang wallet at susi ko. Tch. Hirap maging gwapo, pinag-aagawan.
Ako nga pala si Luke Evans Palermo. Graduate na mula sa Shin-Woo University--ang school na pag-aari ng kaibigan kong si Kyle Shin-Woo--na captain ball namin sa basketball. Team namin dati, Tigers. At akalain nyong ako ang pinakamagaling sa'min. Pero syempre joke lang 'yun. Haha.
Simpleng lalaki lang ako. Dinudumog ng mga babae, pinagkakaguluhan at pinag-aagawan. Syet, minsan gusto kong tanungin si God, 'bakit nasa'kin na ang lahat?' Hahaha.
Nakasakay na'ko sa kotse ko. Saan ba ako pupunta? Sa kompanyang pag-aari ng pamilya ko. On-training na'ko dun eh dahil graduate na'ko. One week training lang naman, pagkatapos ay ako na ang boss. Lakas ko 'di ba?
Hindi ko sasabihing mahirap ako. Hindi ko rin ipagmamayabang na mayaman ako pero 'yung mga diamonds na 'yan? Kornik lang 'yan sa bahay. Oh, di ako nagyayabang. Haha.
May isa akong kapatid. Pero wala dito sa Pilipinas. Mas matanda 'yun sa'kin ng isang taon. Dun na 'yun lumaki sa America. Dun na din nag-trabaho dahil siya na ang CEO ng kompanyang pag-aari namin dun.
Ang Mama at Papa ko, andun sa mansyon namin. Minsan lang ako dumalaw dun. Madalas ako sa condo ko dahil sa..ehem! Sa chicks syempre. Hindi yata ako mabubuhay ng walang chick--este sila pala, hindi sila mabubuhay ng walang Luke Palermo silang makikilala. Hindi ako gwapo. Pero, hindi man sa pagmamayabang, mala-greek-god ang itsura ko. Kayo na ang mag-imagine! Oh, tama na. Naglalaway kana.
Gwapo ko talaga, syet!
--
Charisse POV
"Kumusta ang pag-a-apply? 'Diba sabi naman sayo ng pinsan mong si Chelsea, pwede ka niyang i-refer sa kompanya ng asawa niya."
Bumuntong hininga ako. "Mama ayoko naman ng ganon. Syempre gusto ko rin mag-apply at matanggap dahil sa credentials ko. Hindi dahil lang sa ni-refer ako. Bukas sa Palermo Enterprises ako mag-a-apply." Sabi ko.
Ako nga pala si Charisse Alano. Graduated na'ko. Pinsan ko si Chelsea Torres na ngayon ay Shin-Woo na. Hindi maganda ang pagsasama namin dati bilang mag-pinsan kasi nga aminado ako, naiinggit talaga ako sa kanya.
Pero ngayon, maayos na kami. Abay pa nga ako nung kinasal siya. Wala ng hard feelings.
Nag-iisa akong anak. Sa simpleng school lang ako gumraduate. Hindi naman ako matalino o magaling pero kahit papaano ay may abilities pa din naman ako. Secreterial position kasi ang ina-a-apply-an ko.
"Ikaw ang bahala." Sabi ni Mama. Tumuloy na'ko sa taas. Sa kwarto ko.
May malaki kaming karenderya. Nag-upgrade na nga eh. Para na siyang mini restaurant. Yung pinsan ko ang nag-paayos nito. Parang bilang pasasalamat daw sa pagkupkop ng Mama ko sa kanya dati.
Andito na'ko sa kwarto ko, pinalibot ko ang tingin ko. Simple lang siya. Hindi pang-mayaman pero kuntento na naman ako.
Naupo ako sa kama saka nagpahinga muna. Nakakapagod din palang mag-apply.
Kung tatanungin ako tungkol sa ugali ko, well, may pagkamataray din ako at medyo masungit. Dati inggitera ako at maarte pero ngayon hindi na. Nag-matured na'ko eh.
Krrrrinnng..
"Hello?" Sagot ko sa kabilang linya.
[Uy! Charisse natanggap na ako!]
Wow. Buti pa si Aileen natanggap na. Si Aileen Diminsil nga pala friend ko na 'yan dati pa. Hanggang sa ngayon bestfriends na kami. Lagi halos kami nagkikita para magkwentuhan. Siya lagi ang sinasabihan ko ng mga secrets.
"Good for you. Congrats." Bati ko.
[Thank you Cha! Goodluck nga pala sa pag-a-apply mo bukas sa Palermo Enterprises. Nangangailangan daw talaga dun ng secretary eh.]
"Oo nga eh. Sana."
[O sige. Bye bye muna Cha!]
Ngumiti ako sa kawalan. "Bye."
Magkaka-trabaho din ako. Tiwala lang! Fighting!
*
A/N: How's the first chapter? Hashtag #First.time.writing.Filipio.story!
BINABASA MO ANG
The Playboy Challenge
RomanceA Playboy is a wealthy man with ample time for leisure, who appreciates the pleasures of the world, especially women. The term denotes a flashy or modern version of a public; Casanova. A Casanova? Big word. Big..boy! What if one day, maka-encounter...