CHAPTER NINE

994 87 13
                                    

   
Jacob's Point of View

I wonder what is happening on Jheovann and Aikenn right now. Hanggang ngayon ay naghihintay pa rin ako ng update sa inutos ko sa isa sa mga tauhan ko. Kumilos na siya, most probably, naisugod na sa ospital 'yong pakialamerong kaibigan ni Jheovann. Patikim pa lang 'yon sa kanya, masyado kasing pakialamero kaya dapat lang na turuan ng leksyon.

Ang ayoko pa naman sa lahat ay ang pinapakialaman ang mga plano ko. Nakakabwisit! Masyado siyang pabida, ang dapat sa mga taong gaya niya na nagpapakabayani ay pinapatikim ng bala. Para naman magtanda, para naman masindak at matakot. Hindi niya pwedeng pakialaman ang mga plano ko, hindi siya pwedeng pumagitna sa lahat ng mga binabalak ko kay Jheovann.
    

Bahagya akong napaayos ng upo nang biglang tumunog ang cellphone ko na nakalapag lang sa ibabaw ng maliit na mesang babasagin. Kinuha ko agad at walang alinlangang sinagot, galing ito sa tauhang inutusan kong turuan ng leksyon ang tagapagligtas ni Jheovann. Kanina ko pa siya hinihintay, mabuti na lang at tumawag siya dahil nagsisimula na akong mainip sa tagal ng pinagawa ko sa kanya.

"Tell me, is he still breathing or not?" prangkang tanong ko.

"B-boss, h-humihinga pa," tugon niya.

Napangiti na lang ako. Great, first step is accomplished. Napatikim ko na rin sa kanya kung ano ang kaya kong gawin. Ano kaya ang nararamdaman ng lintik na Aikenn na 'yon? Nasasaktan kaya siya? May malay pa kaya siya? I need to know it!

"Good! Was he taken to the hospital?"

"B-boss, sandali..."

"What?"

"May problema kasi boss," medyo nauutal na sambit niya sa kabilang linya.

May problema? What the hell could that be?

"Just get to your point, stupid! Huwag mo akong pinaghihintay!" singhal ko.

"Boss, kasi...kasi hindi yung lalaking tinuro mo ang nabaril ko."

Napatayo ako bigla. What the fuck? Hindi yung pakialamerong Aikenn ang nabaril niya? Stupid!

"You worthless shit! Sino ang nabaril mo?!" sigaw ko.

I'm starting to piss off, umiinit ang ulo sa katotohanang pumalpak ang gago kong tauhan sa pinapagawa ko sa kanya. Bwisit siya!

Kung hindi si Aikenn ang nabaril niya, that only means na nasa maayos na kalagayan ang bwisit na lalaking 'yon! Mukhang tinamaan ng swerte ang lalaking 'yon at nakaiwas siya sa balang dapat sa kanya.

"Iyong...iyong kasama niya boss. Nakita nitong pinupuntirya ko ang lalaki, niligtas niya boss kaya ang kasama niyang lalaki ang natamaan ko," paliwanag niya.

Napamura na lang ako. Damn it! Alam ko kung sino ang lalaking tinutukoy niya, si Jheovann! Malakas ang kutob kong si Jheovann ang natamaan niya. Walang silbing tauhan! Ang lakas ng loob niyang ipagyabang sa akin ang galing niya sa pag-asinta, ngayon, iba ang natamaan niya. Bwisit!

"Huwag kang magpapakita sa akin, tandaan mo yan! Kung gusto mo pang mabuhay, huwag na huwag kang magpapakita sa akin! Sayang ang binayad ko sa'yo, tangina!"

Marahas kong hinagis ang phone ko sa sahig. Tanaw ko pa kung paano ito tumalbog kasabay ng pagkapira-piraso ng screen nito. Huminga ako ng malalim, I need to control my anger. Hindi pa ngayon ang tamang panahon para ipalabas ko ang galit sa puso ko. May tamang panahon para sa lahat ng bagay.

"Manang!" sigaw ko.

Ilang sandali lang ay may tumatakbo ng katulong papunta sa kinatatayuan ko. Hingal pa siyang bumaling sa akin habang hawak-hawak ang dibdib niya nang makalapit na siya sa akin.

Bro, Inlove Ako Sa'yoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon