Chapter 22

189 54 7
                                    

Gray's POV

"Nay, tay, kuya, ayos lang po ba sainyo kung doon po muna ako pansamantalang tumira kay Mommy?" Nagaalinlangan ko namang tanong sa kanilang lahat. "Para kahit naman po papaano ay maalagaan ko po siya." Dagdag ko pa.

Lumiwanag naman ang mukha ko ng ngumiti silang lahat sa akin. Wala sa sariling napayakap ako sa kanila. Napakaswerte ko dahil kahit hindi nila ako tunay na kapamilya ay itinuring nila akong kabilang na rin sa kanila.

"Mamimiss kita, prinsesa ko." Sabi naman sa akin ni kuya habang yakap ko siya.

"Kuya naman, nasa kabilang subdivision lang ang bahay namin e." Sagot ko pa sa kaniya sabay tumawa kaming dalawa.

"Basta lagi mong tatandaan Gray, ikaw lang ang nag-iisang prinsesa namin dito. At kung kailangan mo ng kausap nandito lang kami lagi."

"Kuya, bakit kayo ganyan? Naiiyak na tuloy ako." Sabi ko sabay pinahiran ang luha kong patuloy na tumutulo. Nagtawanan naman kami saglit at pumunta ako sa kwarto ko para iimpake ang mga gamit ko doon.








"Paalam nay, tay." Sabi ko naman sa kanila. Sinamahan na kami ni kuya Liam dahil malapit lang naman daw, si kuya talaga nakakainis! Parang ayoko na tuloy umalis.

Tahimik naming binabagtas ang daan patungo sa bahay namin ng magulat nalang ako dahil may tumigil na isang itim na van.

Hinila ako nung isang lalaki papasok sa loob kaya pilit kong kumawala sa pagkakahawak niya.

Sinuntok din ni kuya Liam ang iba pa nitong mga kasama at nagbabakasakaling mailigtas pa ako. Pati ang mommy ko dinamay din nila! Mga wala kayong puso!

"K-kuya t-tulong." Pagsamo ko kay kuya Liam dahil kahit na alam kong imposible na makawala ako dito ay nilalakasan ko pa rin ang loob ko.

"Kuya Liam! Sa likod mo." Pagsigaw ko dahil naglabas na ng kutsilyo ang isang lalaki. Ngunit huli na ang lahat, nasaksak na nila ang kuya ko, sa tagiliran nito.

Hindi na ako makasigaw dahil sa sobrang panghihina, paulit-ulit din akong pinagsasampal ng lalaking may hawak sa akin. Hindi ko na rin nasaksihan ang mga sumunod pang nangyari dahil may ipinaamoy sila sa akin sa panyo na siyang nagdulot sa akin ng labis na pagkahilo.













Ehoshua's POV

Nitong umaga lang, pagkalambing-lambing
Ng iyong mga matang hayop kung tumingin
Nitong umaga lang, pagkagaling-galing
Ng iyong sumpang walang aawat sa atin~~

O, kay bilis naman maglaho ng
Pag-ibig mo, sinta
Daig mo pa'ng isang kisapmata
Kanina'y nariyan lang, o ba't
Bigla namang nawala?
Daig mo pa'ng isang kisapmata~~

Natigil ako sa pagkanta at paggitara ko ng biglang bumukas ang pintuan ng kwarto ko. "What do you need?" Tanong ko kay Claire, nabibwisit kasi ako dyan kanina pa ako ginugulo dahil naglilihi siya sa iba't ibang pagkain. Hindi naman ako ang asawa niya para pagsilbihan ko siya ng ganyan, tch.

"Lumabas kana lang kung wala ka namang sasabihin." Nawawalan ng pasensya kong sabi sa kaniya saka tinipa muli ang gitara.

"May kailangan kang malaman." Sagot niya sa akin, pero hindi ko lang iyon pinansin. Anong kailangan kong malaman? "Its about Gray." Sa pagkakabanggit niya ng pangalan ni Gray ay bigla akong napatingin sa kaniya.

The Day We Were There (Series I)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon