Chapter 2

436 138 91
                                    

Gray's POV

Sa mga oras na ito, lumilipad ang isipan ko at hindi ko malaman kung bakit.

Kanina pa halos tuliro ang aking isipan, ni hindi na pumapasok sa isipan ko kung ano bang mga sinasabi ng teachers namin.

Patay, paano nalang kapag hindi ko maintindihan yung lesson?

Ang sarap kasi namnamin ang simoy ng hangin sa may bintana, kaya nandito ako ngayon kanina pa nakatingin dito.

Buti nalang at dito talaga na-assign ang upuan ko.

"Aray." Nagulat na lamang ako ng may biglang may bumato sa akin ng libro.

At syempre sino pa nga ba? Edi yung mayabang na lalaki na yon. Tss, wala namang bago.

"Anong problema?" Tanong ko sa kaniya, sabay itinaas ang kilay ko. Binibwisit mo talaga ako.

"Ikaw sa tingin mo, anong problema?" Pabalik niya namang tanong sa akin. Na siyang nakapagpakulo ng dugo ko.

Sige lang Gray, habaan mo pa ang pasensya mo...papansin lang yang lalaki na yan.

"Wala."

"Tsk, wala? Pero kanina kapa nakatulala sa kawalan?" Ngisi niyang tanong sa akin.

Kunot noo ko siyang tiningnan muli at sinagot, "So, anong pakialam mo? Wow, mukhang sinaniban ka yata ng mabuting espiritu ngayon?"

Hindi ko mapigiling matawa dahil sa sobrang pula ng mukha niya at halatang naiinis sa mga sinabi ko.

Bakit ba? Totoo naman diba? Pagkatapos niya akong ipahiya sa marami kaninang tao, ngayon magpapapansin na naman siya?

Oo, pinatid niya lang naman ako kanina, at lahat ng binili kong pagkain sa cafeteria ay tinapon niya mismo sa basurahan.

Imagine? Hindi porket mayaman, may kakayahan na silang magsayang ng pagkain?

Bwisit talaga yon, pinaghirapan ng magulang ko ang pambili ko sa mamahalin na pagkain na iyon tapos itatapon niya lang?

Tsk, parang kulang sa aruga. Pustahan, spoiled pa yan sa bahay nila at lahat ng gusto nakukuha.

Hindi ako magsasanaol sa kaniya noh, nakukuha niya nga ang lahat pero hindi naman siya tunay na masaya. Tama naman diba?

Kasi kung masaya siyang tunay, hindi siya nagpapapansin sa mga babae ng ganito. Yan kasi yung mga tinatawag na kulang sa pansin.








Kiel's POV

Hello sainyo! Ako nga pala si Kiel, ang jollyboy sa aming magkakaibigan hehe.

Yes, to be honest masayahin talaga ako, ewan ko din kung bakit. Kaya sa aming magkakaibigan kapag may nalulungkot nandito agad ako to the rescue para pasiyahin sila.

Lalo na yang si Ehoshua, parang timang kasi minsan. Masungit, mabait, mapagmahal, minsan sweet, minsan...di ko na din alam.

Anyways, natatawa talaga ako sa aso't pusa dito sa room namin kanina pa nagbubunganga eh.

Buti nalang at walang pakialam yung teacher namin na patuloy pa ring nagtuturo sa harapan.

Palibhasa kasi, nasa likuran kami dapat alphabetically arrange yung mga upuan namin eh, kaya dapat nasa harapan kami.

Pero ayos lang yon, atleast may bebe time ako dito. With my girls.

Kung ako naman tatanungin niyo, kung nagseseryoso ako sa isang babae? Never, siguro kapag katapusan na ng mundo.

The Day We Were There (Series I)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon