Ilang Years na ang nagdaan at mag bestfriends pa rin kami ni Zakiel. Last year na namin sa college at ilang months na lang ay gagraduate na kami.
Aaminin ko, 4 years have passed at narealize kong I have a deep feelings for him. I love him not just as a bestfriend. Sabi nga nila, imposible daw na manatiling magkaibigan
lang ang babae at lalaki. One will fall in love, And it turns out na na-fall na ako sa bestfriend ko. And never kong naisip na aminin sa kaniya. Pano kung hindi pala mutual ang feelings
namin? Should I risk my feelings for him? Masaya naman akong magkaibigan kami pero may hinahanap pa rin ang puso ko. It needs love, not from a bestfriend but from
someone Whom I love, At kay Zakiel ko lang iyon nakita. SHOULD I TELL HIM? dahil baka sakaling parehas pala kami ng nararamdaman.. Or SHOULD I JUST KEEP IT?
Dahil hanggang kaibigan lang ang tingin niya sakin?
Pag umamin ako sa kaniya, may posibilidad na masira ang friendship namin, At yun ang pinaka kinakatakutan ko. Natatakot ako na ang ilang taong pagkakaibigan namin ay masisira lang dahil sa tatlong salitang bibigkasin ko.
Pero masakit pag tumatagal ay tinatago ko pa rin ang nararamdaman ko, mahirap aminin kaya hindi ko magawa. Siguro ay hanggang magkaibigan na lang kami..
"Elisse! pwede mo ba akong samahan sa library mamaya?" tanong niya. "Sure." sabi ko habang tumatango. Bigla niyang pinisil ang cheeks ko. "thanks El!" sabi niya saka
tinahak ang hallway para puntahan ang next class niya. Magkaiba kami ng klase ngayon.
Dismissal na kaya kailangan kong pumunta sa lib. Baka kanina pa ako hinihintay ni Zakiel dun. Biglang nag vibrate ang phone ko. "Sa may History area." text mula
kay Zakiel. Nang makarating ako sa library ay agad akong pumunta sa history area. Nasa likurang bahagi ito ng library kaya medyo tago. Nakita ko siyang nagbabasa
ng libro. "Zakieee!" tawag ko sa kaniya at umupo sa harap niya. "Kanina ka pa?" tanong ko. "Hindi naman." sagot niya habang nasa libro pa rin ang tingin. "May
sasabihin ka ba?" hindi ko alam kung bakit iyon ang natanong ko. Inilapag niya ang libro sa mesa at tiningnan ako. Isang seryosong mata ang nakita ko mula sa kaniya.
"M-may problema ba?" tanong ko. "Elisse. I hope wag mo akong pagtawanan sa sasabihin ko." seryosong sabi niya.
Tumango lang ako. "Lately ko lang narealize na.. na.." ramdam ko ang nerbyos at nakikita ko rin iyon sa mukha niya. "na ano Zake?" tanong ko. "That I like you."
diretsahang sabi niya. Shit! Di ako prepared dun ah! Bakit ba walang preno siya kung magsalita? Sobrang bilis ng kabog ng dibdib ko. Should I believe him or not?
Napako lang ako sa ganung posisyon. "Are you making fun of me Zakiel? Hindi nakakatawa ang biro mo ah!" sabi ko at pekeng tumawa. Tumigil ako nang marealize na hindi
siya tumatawa. "I'm not joking around or making fun at you El. Ilang beses kong sinubukang aminin sayo pero nauunahan palagi ako ng kaba. Ilang beses kong inipon
ang lakas ng loob para aminin sayo tapos sasabihin mong nagbibiro lang ako?" seryosong saad niya. "Zakiel.." tumayo siya at iniligpit ang mga gamit niya.
Tumayo na rin ako. "uy sorry na.. Di ko kasi inexpect ang sasabhin mo eh.." explain ko. Nagsimula na siyang maglakad ngunit huminto siya at humarap sakin "I know you don't like me back, tanggap ko yun.. Just pretend na hindi ko sinabi ang mga salitang iyon. Bestfriends pa rin tayo"
Kumirot ang dibdib ko nung tumalikod sya sakin at nag lakad na. Di pa siya nakakalayo kaya nag ipon na rin ako ng lakas para masabi sa kaniya ang matagal ko nang gustong aminin sa kaniya. "I like you too z-zakiel.." sabi ko na nagpatigil sa kaniya.
Napalingon siya sakin na may ngiti. "A-anong sabi mo? paki ulit nga" sabi niya papalapit sakin. Napangiti na rin ako. "Ang sabi ko zakiel. I. like. you. too."
bigla niya akong niyakap kaya niyakap ko rin siya pabalik. Ang sarap sa pakiramdam! "Elisse Please let me.. Let me court you.." bulong niya. Humiwalay ako sa
pagkakayakap at tiningnan siya. "liligawan mo ako? para saan pa? eh sinagasot na agad kita!" sabi ko na mas nagpalapad ng ngiti niya. Masyadong mabilis pero mas
mabuti nato! Baka maagaw pa siya ng iba sakin! Saka we know each other since we were kids kaya bakit ko pa patatagalin kung sa simula palang ay komportable na kami sa isa't-isa.
Muli niya akong niyakap. "Shall I call you wifey?" tanong niya na nag pakilig sakin. "Eh hindi pa nga tayo kinakasal!"
"eh dun rin naman tayo tutungo eh!" sagot niya. Kinilikilig ako pota! Sampalain niyo ako please! Baka nananaginip lang ako! Waaahh!
BINABASA MO ANG
Hide and Seek - BTS ONE SHOT STORY - JUNGKOOK SERIES
أدب الهواةIt turns out, the crybaby who I met in the park became my Best friend.. and the man I love. .. but will it last? (Book 1) - Jungkook Series