Chapter 25

10 3 0
                                    

" You can't sleep?" Napa tingin si Jairo ng biglang mag salita si Denver sa tabi nya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

" You can't sleep?" Napa tingin si Jairo ng biglang mag salita si Denver sa tabi nya. Dahang dahan syang tumango at muling tumagilid ng higa. " Same..."

" Bakit di ka maka tulog?" Mahinang tanong ni Jairo.

" Ikaw? Bakit hindi ka makatulog?" Balik na tanong ni Denver.

" I asked you first..." Sagot ni Jairo.

" Well, this is not my usual sleeping time, so..." Tumango naman si Jairo sa sagot nito. " How about you?"

" Malakas ang ulan ehh. Kumukulog pa". Sagot ni Jairo. Sumilay naman ang ngiti ni Denver sa kanyang labi.

" Takot ka sa kulog?" Mabilis naman na napa tingin si Jairo sa tanong ni Denver.

" Hindi ahh. Hindi ako nakaka tulog kapag maingay kasi". Dahilan nya. Muling nag ka roon ng katahimikan sa kanilang dalawa at ang tanging ingay lang ay ang nanggagaling sa labas. " Tsaka nag aalala ako sa nanay ko.."

Muling humarap si Denver kay Jairo at ngumiti. " Hey... I'm sure your mom is fine". Sabi nito at ngumiti. Muling silang naging tahimik kaya humarap na si Denver kay Jairo ng sobrang lapit.

" Huy! Anong ginagawa mo?" Tanong ni Jairo.

" Do you want to watch a movie?" Tanong ni Denver.

" Ha? Oo na umalis ka muna sakin. Ang bigat mo". Sabi ni Jairo at umalis namam si Denver. " Teka paano tayo manonood eh walang ngang kuryente". Sabi ni Jairo. Bigla naman may kinuba si Denver sa tabi nya at nakita ni Jairo na isang itong laptop.

" I have my ways. I have ate". Sagot ni Denver at ngumiti. Napa iling iling na lang si Jairo. Sumandal sila sa headboard at nag simula manood ng movie.

Nang mag start ng movie ay pareho silang focus sa panonood. Hindi na nga nila napansin na 2 am na ng madaling araw. Nang matapos nila ang movie ay wala pa ring kuryente. Tahimik na sinara ni Denver ang kanyang laptop.

" Ganda ba?" Tanong ni Denver kay Jairo.

" Oo naman". Sabi ni Jairo at ngumiti.

" Inaantok ka na ba?" Taning ni Denver.

" Medyo pero kaya ko pa. Ikaw ba?" Tanong nya rito.

" Okay lang. Hindi pa naman inaantok". Sagot nya kaya tumango si Jairo. 

" I have a question?" Tanong ni Denver kaya napa tingin si Jairo. " A serious question. Mon chou..." Dagdag ni Denver kaya naman medyo naka ramdam ng kaba si Jairo.

" Ano naman yun?" Tanong ni Jairo.

" Kapag umuwi na ako sa manila? At nakuha mo na ang suweldo mo kay lolo? Ano ng gagawin mo?" Tanong ni Denver habang naka tingin ito ng diretso sa mga mata ni Jairo.

Sandaling natahimik si Jairo sa tinanong nito sa kanya. Sa totoo lang ay wala pa syang idea kung ano ang unang gagawin nya sa pera. Oo mag aaral sya sa ibang lugar pero hindi pa lahat planado. Hindi nya alam ang isasagot kay Denver kaya naman tahimik pa rin sya. Ano nga naman ang mangyayari?

" Sa totoo lang... Hindi ko pa alam. Hindi ko pa planado ang lahat". Walang halong kasinungalingan nyang sagot.

" Kapag umuwi na akong manila? Mag  babago na ba ang lahat?" Tanong muli ni Denver kaya napa tigil sya.

" Ano ka ba. Syempre wala". Sabi nya at pilit na tumawa upang mabawasan ang kayahimikan na naka paloob sa kanilang dalawa.

" Ma mimiiss mo ba ako?" Tanong ni Denver kaya naman napa tingin na sya kay Denver. " Kasi ako oo".

Hindi naka sagot si Jairo sa sinabi ni Denver. " Siguro... Wala ng mangkukulit sakin ehh". Sabi nya kay Denver. Nagulat si Jairo at agad ding hindi na ka kilos ng biglang syang niyakap ni Denver at siniksik nito ang ulo sa leeg nya.

" Denver. Ano bang ginagawa mo?" Sabi ni Jairo at sinusubukang alisin si Denver sa kanya.

" I like this... Let's stay like this for a little while..." Bulong ni Denver habang naka siksik pa ein ang leeg nito kay Jairo. Huminga na lamang ng malalim si Jairo at hinayaan ang kagustuhan ni Denver.

" Ako naman ang mag tatanong..." Sabi ni Jairo.

" Go on..."

" Namamaalam ka na ba?" Tanong ni Jairo sa kanya.

" What? No! Naisip ko lang... Kasi alam kong hindi na ako makakabalik dito. Or pwede din nating sabihin na matagal akong hindi makakapunta dito once na bumalik na ako sa manila". Sagot ni Denver habang nasa ganoon pa rin silang posisyon.

" Kailan mo sasabihin ang sa mama mo?" Tanong ni Jairo. Hindi sumagot si Denver.

" I don't know... Siguro kapag handa na ako. Kapag kaya ko na... Ikaw?"

" Hindi ko rin alam. May takot pa ehh". Sagot ni Jairo.

" Your mom is acctually lovely. Nung nakita ko sya. Alam ko na agad na mahal ka na nya agad".

" Oo naman. Simula kasi ng mamatay ang tatay ko sya na ang panay kong kasama... You? How about your dad?" Tanong ni Jairo kaya naman sumeryoso ang mukha ni Denver sa kanya.

" My dad also passed away... I was seven when he passed away... Alam mo bang sobrang iniidolo ko ang papa ko noon. Yung tipong close na close kami. Hindi nga kami mapag hiwalay. Kaya noon nung bata kami, tuwing binibiro ako ng mga kamag anak ko noon. Paano daw kung mag hiwalay ang parents ko. Kaynino daw ako sasama. Syempre I chose my dad". Kuwento nya.

" Hanggang sa naaksidente sya sa sinasakyan nyang kotse. My world stopped..." Muli silang tumahimik kaya naman hinatak ni Jairo si Denver at muli pinabalik sa pag kaka yakap sa kanya.

" Pareho pala tayo. Bata pa lang nawalan na ng ama. Ako naman 9 ng iwan kami ni papa. May sakit kasi sya sa dugo kaya medyo hirap din kami noon. My father insist na itigil na ang pag papagamot namin sa kanya. Kaya yun..." Kuwento ni Jairo.

Muli silang tumahimik na dalawa. Ilang sandali pa ay kumawala na sa pag kakayakap si Denver at nakita nya na lang si Jairo na naka pikit. Napangiti sya habang umiiling. Inayos nya ito ng higa.

" Since you've been around I smile a lot more than I used to..." Bulong ni Denver habang naka tingin kay Jairo na mahimbing ng natutulog. " I like you mon chou..."

~~~

~~~

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
The Project BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon