Goodbye and Hello

56 0 0
                                    

(June 4, 2007; 5:30 A.M.)

Gumising ng maaga si Travis upang maghanda sa pagpasok sa school. Medyo excited sya ngayong araw sapagkat ito ang unang araw nya sa pagpasok sa kolehiyo.

"Name: Borromeo, Travis John C.
Course: Bachelor of Science in Civil Engineering
Student No: 07-3814"

Titig na titig pa rin sya sa kanyang School I.D. Hindi pa rin sya medyo makapaniwala na ito na ang bagong sumula ng yugto ng kanyang buhay....sa wakas College na sya. Bagong school, bagong environment, bagong mga classmates at mga kaibigan..bagong experiences.

Hindi nya nga lang sigurado kung bakit nga ba Civil Engineering ang kinuha nyang course. Kung bakit nga ba sinunod nya ang gusto ng kanyang Daddy. Dahil kung sya mismo ang papipiliin, Culinary Arts ang gusto nya. Gusto nyang maging successful Chef and Restaurant owner balang araw. Pero ganun siguro talaga kapag estudyante ka pa lang, na "anak" ka lang, yung tipong dumidepende ka pa rin sa magulang mo...wala kang magagawa kundi sundin sila.

Dahil first day of school, bago ang lahat ng gamit nya. Mula uniform, sapatos, bag, medyas, school supplies, pabango, styling wax at kung ano-ano pa. Para syang grade 1 student na excited pumasok at ipagmalaki sa mga classmates ang mga bago nyang gamit.

Mahigit isang oras na ata syang nakaharap sa salamin kakaayos ng buhok nya. Sinisiguro nyang magiging presentable ang look nya at memorable ang first day nya sa University.

"Dad, alis na ko.", sabi nya sa kanyang ama na nasa hapag-kainan pa na nag-aalmusal at nagbabasa ng dyaryo.

"Oh, ang aga pa ah. Anong oras ba ang klase mo?"

"10 A.M. pa naman Dad."

"Masyado ka namang excited anak. 6:35 pa lang oh. Ikaw ba ang magbubukas ng school nyo." Sabay tawa ng kanyang daddy at humigop ng kape sa tasa

"Excited lang Dad. First day eh. Na-eexcite lang ako sa mga mangyayari ngayong araw sa bago kong school."

"Talaga lang ah. Sana hindi lang sa first day yan anak ah. Sana hanggang graduating ka na, excited ka pa din pumasok sa school."

"Opo naman Dad. Hindi kita bibiguin. After 5 years, dalawa na tayong engineer dito sa bahay." Pero ang mga katagang iyon ay labag sa kanyang kalooban.

"Yan ang gusto ko sayo eh. Oh..antayin mo na kaya ako. Antayin mo na kami ng Mommy mo. Maliligo na ako pagkatapos ng Mommy mo sa shower. Sumabay ka na samin sa kotse. Ihahatid ka namin sa school."

"Ayyyy. Naku Dad...wag na. Nakakahiya po. Baka sabihin ng mga estudyante dun Daddy's Boy ako. Malaki na ko Dad. Kaya ko na sarili ko. Magco-commute na lang ako. Tsaka para masanay na rin akong bumyahe mag-isa. Yung tipong di nyo na ko kelangang ihatid sa school tulad ng high school kami ni Kuya."

"Talaga naman tong anak ko ah. Big boy na oh. Speaking of your Kuya...bakit di pa pala sya bumababa dito at mag-almusal? Wala ba syang pasok?"

"Sabi ni Kuya, off nya daw ngayon sa school. Monday and Thursday daw po yung restday nya ngayong Sem. Kinatok ko sya kanina sa kwarto nya. Kala ko kasi maaga pasok nya. Kaya ayun....kaya pala malakas ang loob kagabi magpuyat. Wala pala syang pasok ngayon. Buti pa si Kuya may dalawang restday. Ako Dad, Monday to Saturday ang pasok ko."

"Eh ganun talaga nak. 3rd year na yung kuya mo kaya siguro hindi na masyadong siksik yung mga subjects nya. Eh ikaw freshman ka pa lang eh. Madami talagang subjects kapag freshman. Medyo parang high school pa rin yung style."

"Ahhhhm. Sige Dad. Hindi na talaga ako sasabay mag-breakfast. Sa school na lang siguro ako kakain. Dinamihan ko naman ang kain ko kagabi para hindi ako masyadong magutom ngayong umaga. Nagbaon din ako ng crackers if sakaling gutumin ako sa daan."

"Sure ka ba dyan anak? Oh yung baon mo? Meron ka na ba??"

"Yes Dad, binigyan na ko ni Mommy ng allowance for the whole week. Sobra pa nga eh."

"Sige anak. Mag-iingat ka ah. Umuwi ka agad after ng class mo ah. Wag magbulakbol. Tsaka kwentuhan mo ko sa nangyari sa first day of school mo sa dinner natin okay?"

"Oo naman Dad. Promise I will be a good boy." Sabay dampot na ng bag para umalis at nagpaalam na rin sya sa kanyang mommy na hanggang ngayon eh nasa shower pa din. "Moooom. Alis na ko ah. Hindi na ko nag-breakfast pero binaon ko naman yung crackers at mga sandwiches na hinanda mo. Mami-miss kita Mom. I love you"

Bago umalis ay humigop muna ito ng kape at kinagatan ang hotdog na nasa plato nya at muling nagpalaam sa kanyang ama na may lamang pagkain ang bibig. "Dad, pasok na ko. See you later. Itetext ko kamo si mommy pag nasa school na ko. At si kuya pala Dad, sabi nya ito-tour nya ko sa school bukas kasi may class na rin sya. Pa-remind na lang Dad ah. I love you Dad."

"I love you too, Son." Sabay fist bump ng mag-ama na nakaugalian na nilang gawin pati ng kuya nito.

(Sa kalye ng Quezon City, 8:10 A.M.)

Medyo natagalan si Travis sa pag-byahe mula sa kanilang bahay patungong unibersidad. Ngayon nya lang naranasan ang hirap sa pag-commute na araw-araw nya nang gagawin sa loob ng limang taon. Pawis na pawis sya pagbaba sa jeep. Nalukot nang bahagya ang kanyang uniporme. At ang makintab at bagong nyang sapatos kanina eh halos napuno na ng alikabok mula sa daan. Medyo nawala ang excitement nya sa pagpasok nang maranasan nya ito. Nasanay kasi sya na hinahatid at sinusundo ng kanyang mga magulang nung high school pa ito. At within Taguig lang rin naman ang school nya noon kaya malapit lang rin, mga 15-minute drive lang mula sa bahay nila. Naisip nya na kailangan nya talagang gumising lagi ng maaga upang hindi sya ma-late sa pagpasok araw-araw ngayong halos ng subjects nya eh nasa morning shift.

Ngunit bumalik ang masasayang ngiti sa kanyang mga mata at labi nang dalhin sya ng kanyang mga paa sa harap ng main gate ng unibersidad. At nakita nya ang isang malaking tarpaulin na may mga nakasulat na:

UNIVERSITY OF THE ORIENT
"Welcome Freshmen S.Y. 2007-2008"

"This is it" ang nasabi nya sa kanyang sarili. Huminga sya ng malalim at tuluyang pinasok ang magiging setting ng panibagong yugto ng kanyang buhay eskwela.

Wala pang isang minutong nakakaapak ang kanyang mga paa sa hallway ng universidad ay may tumawag sa kanyang pangalan. Isang pamilyar na boses sa kanyang tenga.

"Travis John Borromeo!!!!!!!!!'"

Agad-agad namang napalingon si Travis sa pinanggalingan ng tinig.

(Itutuloy.........)

Mahal Mo. Mahal Ka Ba??Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon