Pag-gising ko sa kaninang umaga, ang una kong ginawa ay linisin ang mukha ko at mag-ayos ng buhok. Bilang isang dakilang tamad, I don't usually do this. But ever since my childhood best friend, yung kapitbahay ko, came home from the city for the first time in our college life, I got anxious. Living in the city made him look so good. Maganda ata tubig nila doon sa kanila.
I know, it's pathetic. Nagpapa-cute ako. Pero si Jax ito! Alam ko ang mga baho niya since elementary school. Pero nag-college lang kami, nawala lahat nang iyon. Wtf.
Pa-simple akong sumilip sa bintana ko. Mag-iisang linggo na siyang nandito, and he usually tends his mom's garden at this hour. Napapa-aga na nga yung gising ko para dito.
Jax was watering flowers when I saw him. I don't know if it's him or the sun, but he was glowing. Then suddenly, Jax looked up to my window. He caught me looking at him. Nakakahiya! To ease my embarrassment, I waved at him. He smiled and waved back. Nginitian ko siya bago ako tumakbo papunta sa kusina. Nakakahiya!
Nagulat pa si mama sa pagdating ko. "Jusko naman, Cathy. Baka madapa ka sa ginagawa mo!" Sabi niya. Inabutan niya ako ng isang tray ng brownies. "Dalhin mo ito kila Jackson. Nag-promise ako kay tita mo Elsa ng brownies kahapon." Sabi niya.
"P-pwede bang ibigay ko after ko maligo?" Tanong ko.
Napataas ang kilay niya, pati ang isang sulok ng labi niya. "Bakit? Nahihiya kang makita ka ni Jackson ng ganyan?"
My mom really catches on too quickly, "M-ma! Hindi pa nga ako naghihilamos!" Sabi ko. Natawa na lang si mama, "Okay! Go after you take a bath. But eat your breakfast first."
"You know I don't do breakfasts, ma."
"I know, but you're home now. My home, my rules." Sabi niya bago umalis. I smiled at that. Na-miss talaga ako ng parents ko. Sobrang inalagaan ako simula noong umuwi ako galing sa college ko.
Kingina, nasusuka na ako. Mga five minutes ko nang kinakalma ang sarili ko. Jax and I didn't really talk ever since we got home. Hindi ko nga alam kung siya yung magbubukas ng pinto!
"Tao po!" Sigaw ko, sabay katok sa pinto nila. Tumahol na yung aso nila tita Elsa sa pag-iingay ko.
"Toby, quiet!" Naririnig ko sa loob. Tumigil ako sa paglakad lakad sa harap ng pinto. Shet.
Naka-ngiti na si Jax noong binuksan niya yung pinto. "Kat-kat."
I instinctively rolled my eyes when he used my childhood nickname. Some things never changed. At least nawala yung kaba ko nang konti. Nakakasilaw kasi yung ngiti ni Jax. "Hi, Jackson. Welcome home."
"Late na yang welcome mo. Isang linggo na akong nandito." Sabi niya. Napa-tingin siya sa hawak ko. "Uy! Brownies!"
Inabot ko sa kanya, "Kunin mo."
Kinuha niya at in-inspect pa, "Ikaw ba ang nag-bake nito?" Tanong niya.
"I know I suck at cooking, Jax. Pero hindi ako ang nag-bake niyan. Si mama." Sabi ko. Dumating yung aso nilang si Toby at tinahulan ako. Sinimangutan ko yung aso, "Grabe ka naman, Toby. Nawala lang ako ng ilang buwan, hindi mo na ako nakilala?" Sabi ko sa aso. Toby barked in response. Natawa pa si Jax.
"Gusto mong pumasok?" Tanong niya. Natigilan ako sa sinabi niya. Bumalik nanaman yung kaba ko. "My parents has been gone the whole week, so I've been lonely since I got home." He frowned. "I feel lonely."
"Wala ba kayong lakad ng high school barkada mo ngayon?" Tanong ko. Mas napalalim yung simangot niya. He shook his head, "Most of them didn't go home. Busy ka ba?"
God, he looked so annoying. He's making his "please, for me?" face. Ugh. I sighed, "Fine! I'm coming in." Sabi ko. Tinulak ko siya para makapasok ako sa bahay nila.
BINABASA MO ANG
Tulad ng Dati (One Shot)
Historia CortaAng pagsasama ba'y ma-ibabalik sa dati kung hindi naman inaayos? Cathy and Jax are neighbors and childhood friends... but they grew apart because of college. One of them is left helpless and flustered, while the other is hoping to take back lost tim...