Please be advised that this story has typographical and grammatical errors, so bear with me.
—'—
"Talli, Let's go! Forty-five minutes ka na riyan!" kanina pa ako rinding-rindi sa kaibigan kong 'to, pinagmamadali niya ako dahil kailangan na naming kumain at malapit na kaming ma-late sa trabaho. Kanina ko pa kasi pinag-iisipan kung kukuhanin ko itong sinusukat ko. "Ano ka ba, last na lang ito," sinigawan ko siya nang makapag desisyon na ako.
"Kanina pa ang last na 'yan, ha! 'Yung last mo halos kwarenta minutos, lagot ka na naman kay Tito," hindi ko maiwasang matawa nang bahagya dahil nakikita ko ang itsura niya, mula sa labas hanggang dito sa fitting room tagos ang nguso niyan malamang.
"Paano naman niya malalaman, aber? I'm living alone in my condo, hindi niya malalaman, unless sasabihin mo sa kaniya," ibinalik ko na ang mga hindi bagay sa iba ko pang pinili. "Alam mo grabe ka. Sa susunod hindi na talaga kita sasamahan," nahimigan ko pa ang pagtatampo sa kaniyang boses.
This is my money so I can do anything with it. I earned it for a long time. I worked hard for it. Actually, ngayon na nga lang ako nakapag-shopping ulit after a long time.
"Ang arte mo, Rye. Hindi bagay, tara na nga at nang makakain na tayo," biro ko sa kaniya, humalakhak naman siya habang kinakaladkad ko papuntang cashier.
Tumakas lang kami sa work. Dapat ay kumakain na kami sa mga oras na 'to pero hindi ko kayang daanan lang ang stores na nakikita ko. We have 40 minutes left. Sapat na siguro 'yon atana'y wala ang Mommy sa company ngayon. Paniguradong pangaral na naman ang abot ko nito.
Pagkatapos naming kumain ay halos sampung minuto na lang, madaling madali pa si Rye.
"Ano ka ba, kakakain lang natin oh! Gusto mo bang sumakit ang tagiliran natin?" saway ko sa kaniya.
"Ikaw naman kasi! Kanina pa kita inaaya kumain shopping ka nang shopping!" hindi na ako nag salita, dahil alam ko naman kasalanan ko.
Nasa parking na kami, paakyat na sa floor kung saan kami nag ta-trabaho. Sa office ako at si Rye naman ay may sariling company pero mas piniling dito mag trabaho sa amin. Matagal naman na siyang nag tatrabaho rito.
Mabuti na lamang wala si Daddy. Dumiretso ako sa office ko para mag work na ulit. Ang mga pinamili ko naman ay iniwan ko na sa kotse, kung dadalhin ko lang pahirap pa 'yon lalo.
After three and half hours of work, nagutom ako. Kumakain ako ng biscuit pero hindi pa ako busog. Tinawagan ko si Ate Tere dahil siya ang taga bili ng meryenda rito. Pansit malabon at bilo-bilo lang ang akin. May laman pa naman ang water dispenser dito sa amin.
Dahil meryenda time, narito si Rye sa office ko. "Talli! Balita ko ililipat ka ng company pansamantala ah? Kasi kailangan ka ata para i-train ang ibang workers doon," napakunot ang noo ko. Saan naman kaya nila nakukuha ang ganiyang balita? Bakit hindi ko alam.
"Huh? Saan mo nalaman? At bakit ako? Maraming mas magaling sa akin 'yon na lang ang kuhanin nila para mag train," ngumuso ako.
"Ikaw ata ang gusto, ewan ko ba! Chinika lang din sa akin," may kumatok kaya naputol ang pag-uusap namin. "Meryenda po, Ma'am," binuksan ni Rye ang pinto at pinapasok si Ate Tere.
"Ito na po ang Bilo-bilo at pansit malabon Ma'am, ito po ang sa inyo Ma'am Rye," inilapag ni Ate Tere ang pansit na kagaya ng akin at ang palitaw. "Ate Tere kumain ka muna niyang paninda mo, ako na bahala mag bayad," tinaas-taas pa ni Rye ang kilay niya. Pumayag naman si Ate Tere kaso ay sa labas na lang daw siya ng office kakain dahil nahihiya siya.
"Salamat po," sabay naming sabi bago siya tuluyang makalabas.
"I-try mo 'tong palitaw, Talli. Masarap!"
YOU ARE READING
Every Wind Blows (Province Series #1)
Teen Fictionstatus: editing As the wind blows you were there to hold me.