+ O4O. soobin's

487 27 19
                                    

⠀⠀⠀⠀━
ito naman po 'yung scene
na nasa bar sila, pov lang
po ulit ni soobin. enjoy!!

[ SOOBIN ]

napasabunot nalang ako nang matandaan na kailangan ko pala ulit magpunta sa bar para lang mapatunayan na hindi ako bakla.

puta. ganoon nalang ba? kapag ang lalaki ay maayos palagi sa pananamit, laging mabango at walang girlfriend-- bakla na agad?

nakarating sa mga magulang ko na maraming tumatawag sakin na bakla, nagsimula iyon nang tawagin ako ni lia na 'soobakla', hindi nga lang nya alam na dahil sakanya ay bakla na rin ang tingin sakin ng iba.

dahil nga gusto ng mga magulang ko na mapatunayan ko na lalaki talaga ako, kailangan ko pang maghanap ng mga babae. putangina.

" pre, nagbago ka na talaga. " alam kong mahirap sa part ni beomgyu para sabihin iyon pero nasabi nya nga.

" dati kasi ikaw pinaka-mabait sa tropa, ngayon ikaw na pinaka-maraming babae. hindi ako makapaniwala! " sabi pa nya.

totoo naman, hindi ko na iyon itatangi. pero kailangan ko, gusto ko lang naman mapatunayan sa lahat na hindi ako bakla.

alam kong hindi sapat tong ginagawa ko at mali to, pero kung hindi ko to gagawin, patuloy lang madidismaya ang magulang ko sakin.

" uy, hi sis! " napalingon ako at nagulat nang makita si lia.

balak ko pa namang lumandi sa ibang babae, tapos andito sya? pakiramdam ko tuloy nagtataksil ako.

" naghahanap ka ng boyfie? " paglilinaw ko at tumango naman sya.

hindi ako makapaniwala. naghahanap sya ng boyfie, e andito naman ako. nakaka-tanga na nagbibigay sya sakin ng motibo pero hindi pa pala sya kuntento sakin, gusto nya pa ng iba!

habang nasa cr sya, naghanap na ako ng babae na makakasayaw. pakiramdam ko kasi ay nandito na yung spy ng tatay ko, tangina nga. naghanap ng spy para lang mapicturan ang bawat galaw ko. kaya kailangan ko talagang gawin to.

hindi ko na naitanong ang pangalan ng babae, tinanong ko agad kung may boyfriend sya at nakahinga naman ako ng maluwag nang sabihin nya na single sya.

ayoko namang lumandi at humalik sa mga babae na taken na pala, ibang usapan na 'yon!

habang nakikipagusap ako sa iba't ibang babae ay hindi parin maalis ang mata ko kay lia, na ngayon ay may kausap na rin na lalaki.

hinayaan ko lang sya kasi baka magalit lang sya kapag pinigilan ko sya, pero nang makita ko na malapit na ang mga mukha nila sa isa't isa ay agad naginit ang ulo ko at nagpaalam agad sa babaeng kausap ko.

lumapit ako sa pwesto nila lia, may balak yata silang maghalikan kaya pinigilan ko na. hinila ko si lia papunta sa parking lot.

putangina, nakakainis!

" ganda ng babae mo kanina ah! " hindi ako natutuwa sa sinasabi ni lia.

kung ano ano nang sinasabi nya pero hindi parin mawala sa utak ko yung pagmumukha nung lalaki na yun, paano nalang kung hindi lang halik ang habol nun kay lia?

shit, buti nalang nandito ako!

nagpupumilit pang pumasok ulit si lia sa loob ng bar pero pinipigilan ko naman agad sya.

oo, sobrang torpe ko pero hindi ko hahayaan na pumasok ulit si lia sa loob para lang ituloy yung naputol nilang halik nung lalaki na yun! nakakakulo ng dugo!

" lasing ka na. " seryoso kong sabi.

hindi ko alam kung anong klaseng tao si lia kapag lasing pero paano kung samantalahin ng ibang lalaki yung pagkalasing nya kapag bumalik pa sya ulit sa loob?

" wala ka naman sigurong sasabihin, bakit mo ako pinipigilan maglasing? " sa tinanong nya na iyon, nakita ko na seryoso sya kaya agad akong nagisip ng kasagutan.

bakit nga ba? kasi concern ako sakanya.

pero bakit ako concern sakanya?

shit! may gusto ako si lia!

" i love talking to you even if i have nothing to say. " sagot ko, katotohanan ang sinabi.

introvert akong tao sa totoo lang, salamat sa tropa ko at may karanasan din ako sa ibang mga bagay.

si lia nga lang ang babae na palaging kumukulit at nagcha-chat sakin, e. hindi ko nga alam kung paano nya ako napapagtiisan palagi, mukha namang wala akong kwentang kausap.

sabi ng mga kaibigan ko, baka daw kasi gwapo ako kaya napapagtiisan ako ni lia...

pero umaasa ako na may iba pang dahilan. umaasa ako na parehas kami ng dahilan. umaasa ako na may gusto din sya sakin... na nararamdaman nya din kung anong nararamdaman ko sakanya.

GAY. sooliaWhere stories live. Discover now