12. Ang Fiesta

6 0 0
                                    

Buong bayan ay abala para sa darating na Fiesta. Naka dungaw ako sa bintana. Karamihan sa nakikita ko ay mga Ginang na galing sa Mercado ( mercado ay palengke, ito kinasanayan naming sabihin lalo nay espanyol si Ama , halong espanyol na ang bawat salita namin.) Ngayun ko lang ulit makikita ang aking matalik na kaibigan. Sa tagal na panahon ding hindi kami nagkasama. At nabalitaan ko rin na inanyayahan ni Ama ang Presidente pati narin si Heneral del Pilar. At makikita ko naman ang Heneral na iyon.

Habang abala rin ako sa kusina ay dumating ang si Heneral del Pilar. At si ama ang sumalubong sa kanya.

"Magandang Umaga po Ginoo ". bati niya kay Ama.

"Magandang Umaga naman sa inyo Heneral". sagot naman ni Ama sa kanila. Kasama niya palagi ang dalawa niyang tagasunod sa kanya. Si Ginoong Julian at Ginoong Vicente.

Diretso ang tingin niya sa kusina na siya namang pagbawi ko ng mga tingin ko sa kanya. At napatingin ako kay Manang. Na siya namang pagngitian namin.
Nagulat ako ng biglang magsalita si Ina sa likod ko na siya namang ikinahalakhak naming lahat na nasa kusina.

"Krisanta! " tawag ni Ina sa akin.

"Woohh!!!" Dios Mio Ina. Nakakagulat ka naman..." sabay ko ilinagay ang palad ko sa dibdid ko na ramdam ko ang tibok ng puso ko.

"Hahahahahahahah". tawanan lahat nang nasa kusina. Na siya naman ikinabalikwas ng mga panauhin na nasa Sala at tumingin lahat sa amin. Ang iba napapangiti rin pati si Heneral del del Pilar.

"Pagpasinsyahan niyo na sila. Ganiyan sila palagi dito sa bahay.  Tawanan. Kulitan. Kaya masaya ang aming munting bahay". paliwanag ni Ama sa mga kausap niya sa Sala.

"Oh..Anak. Samahan mo ako sa Harden. Pipitas ng prutas at bulaklak." anyaya nu Ina sa akin.

" Sige po Ina. Sasamahan po kita". sagot ko kay Ina na nasa dibdib ko pa ang kamay ko.

Naku dadaan pala kami sa harapan ng mga panauhin ni Ama. An diya  pa naman ang Heneral.  Magbibigay galang lang ako. Saka lalabas ako kaagad. Bakit dinalaw ako ng hiya ngayun. Ah bahala na.

Inihanda ko ang aking sarili. At binitbit ang isang basket na lalagyan ng prutas at ang isa naman ay lalagyan ng bulaklak na si Ina naman ang nagbitbit. At dahan dahang lumabas ng kusina at pumunta muna sa sala bago tuloyang lumabas ng bahay papuntang harden.

"Mahal. Lalabas muna kami ni Krisanta. Mamimitas ng prutas at bulaklak. Ipagpaumanhin niyo po muna kami". paalam ni Ina kay Ama at sa mga panauhin. Na siya namang pagyuko ko bilang paggalang at pagpapaalam sa kanila.

Naka dalawang hakbang palang kami ay biglang may pumasok sa pintoan na siya namang ikinatigil namin ni Ina. Dumating ang aking matalik na kaibigan. Si Laura.

"Magandang Araw po sa inyong lahat" bati niya sa aming lahat. Abot langit ang ngiti niya. Bitbit niya ang maliit na bag na lagayan niya ng damit. Humalik siya sa pisngi ni Ina. At diretso siya kay Ama. Nagmano siya. Saka pa dumiretso sakin. Yinakap ako ng mahigpit.

"Kamusta ka Kris?". pagbati na patanong niya sa akin.

"Mabuti naman Luring". at ngumiti ako sa kanya.

"Si Krisanta at Laura ay matalik na magkaibigan. Simula pagka bata magkasama na sila. Magkasama rin sa kalokohan iyan". paliwanag ni Ama kina Heneral del Pilar.

Pinaikot ni Laura ang tingin niya sa mga panauhin sa bahay. Na para bang may hinahanap sa kanila. Tinitingnan niya isa-isa habang nakangiti sa kanila. Nong mahanap na niya kung sino man ang hinahanap niya ay agad niya itong pinuntahan.

"Heneral..... Andito po pala kayo. Ikinagagalak ko po na nakita kitang muli". at tumongo siya. Hindi mawala ang ngiti niya sa Heneral.

Tumayo si Heneral del Pilar. Nagbigay galang sa kaibigan ko at humalik sa kamay nito. Na siya namang ikinagulat ko na magkakilala na pala sila. Si Laura pala ang unang nakilala nang Heneral bago ako. Sabagay taga rito na kasi si Laura sa Manila. Kaya hindi imposible na di sila magkakilala lalo na at may kaya rin sila Laura.

Krisanta: Ang  Tagahanga Ni Goyo Na Hindi Nakilala Sa Kasaysayan. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon