Chapter 2

15 0 0
                                    

"WELCOME BACK BABY" sigaw ni kuya Axel pagkapasok namin sa bahay nila

May hawak pa itong cake at may torotot pa

"Halatang hindi ka ready ah. Sabi mo pa nga na next week na ako dapat pumunta dito eh"

"Eh joke lang kasi yun. Halika na kumain ka muna at magpahinga may pupuntahan tayo" nakasimangot na sagot nito

"At isa pa marami ka pang ikwekwento sa amin. Bat bigla kang nawala ng 2 years?" Tanong ni kiya Acer

"Mamaya ko na ikwekwento kuya kain muna tayo"

Pagkarating sa kusina ay nakita kong ang dami nilang pagkain halata nga na hindi sila handa

"Para namang bibitayin na ako mamaya sa dami ng pagkain dito"pabirong sabi ko sa dalawa

"Gusto ka lang naming busugin"sagot naman ni kuya Axel

"Baby alam mo may girlfriend na yang si Axel"biglang sabi ni kuya Acer kaya biglang nabulunan si kuya Axel

"Pinagsasasabi mo"

"Totoo naman ah may mga love letter pa nga sa kwarto mo eh may picture pa sa bedside table mo akala mo diko nakita yun"

"Wala yun at bat ka ba pumapasok sa kwarto ko ng hindi nagpapaalam?"

"Tama na mga kuya nasa harap tayo ng grasya"awat ko naman sa dalawa

"Pero kuya maganda ba?"biglang tanong ko kay kuta Ace. Ace ang tawag ko sa kanya tapos Ax naman kay kuya Axel para isang bigkasan lang

"Princess ano ba tumigil na kase"namumulang sabi ni kuya Ax

PAPUNTA na kami ngayon sa mall pagkagising ko eh pinagbihis agad ako nila kuya dahil may pupuntahan daw kami

Mamimili lang pala ng grocery sinama pa ako

"Bat nga ulit ako kasama sa inyo mga kuya?" Tanong ko sa kanila

"Kase nga naubos ang stock namin sa bahay dahil sa mga hinanda namin pagdating mo"paliwanang ni kuya Ace

"Eh sino ba kasi ang nagsabing maghanda kayo tapos ngayon isasama ako sa paggro-grocery?"

"Si Ax"

"Buti nga naghanda kami eh. Tara na nga ang bagal nyo maglakad" sabi ni kuya Ax sabay irap

"KUKUHA ba tayo ng shrimp?"tanong ko sa dalawa kong kuya

"Yes and crabs"sagot naman ni kuya Ax

"Kuya damihan mo nga pag kumuha ka ng mga apple mamaya"sabi ko kay kuya Ace

"Huh? Eh diba ayaw mo ng apple?"

"Ewan. Nagcracrave ako kuya eh"

"Ikaw nalang dito sa mga seafoods Acer kami na ni Hamsini sa mga prutas sumunod ka nalang pagtapos ka na dito"sabi ni kuya Ax

"Tara na baby bili na tayo prutas ikaw nalang kumuha kung gano karami"

Kaya pumunta na kami sa fruit section. Bwisit bat ba kase ako nga cracrave eh ayaw ko sa apple minsan lang ako kumain eh

"Kuya kuha rin tayo ng saging,grapes,peras,orange tsaka strawberry" excited na sabi ko kay kuya Ax

"O-okay. Bat nahilig ka ata bigla sa mga prutas?"

"Ewan kuya kaya tara na"

"Ako na magtutulak nitong cart pumunta ka na ikaw na pumili ilagay mo nalang dito sa cart"

Kaya dali-dali kong hinila sa kuya pumunta muna kami sa mga apple tigsasampo nalang ang kukunin ko para masmatagal kong kainin

"Andami naman pala talaga ng kukunin mo"natatawang sabi ni kuya

"Eh kuya para mas matagal maubos. Kukuha rin ako mogo-mogo kuya wait mo ako dito"

"Samahan na kita baka marami nanaman kukunin mo 'di mo kayang buhatin"

Kumuha nalang ako ng limang lychee flavor yun lang naman gusto kong flavor ng mogo-mogo eh

Tapos naman na kami sa ibang mga bibilhin kaya habang papunta sa counter eh nakita namin si kuya Ace

"Oh tapos na kayo? Andami naman nyan"bungad ni kuya Ace pagkalapit nya saamin

"Hayaan mo na tara na magbayad"

PAGKARATING namin sa bahay binigay nila kuya kila manang ang mga binili namin.

"Sini halika maguusap tayo ngayon"sabi ni kuya Ax

Medyo kinakabahan ako pota 'di nila alam na nagasawa ko at kung ano ang mga ginagawa ko sa loob ng dalawang taon dahil pinutol ko ang ano mang koneksyon namin noon eh

"Tara sa library"

Ng makapasok sa library umupo kami agad sa sofa na nasa gitna ng library

"Sabihin mo bat 'dika namin macontact at bakit hindi na pumupunta dito sa loob ng dalawang taon?"seryosong sabi ni kuya Ace

"Kase kuya wag kayong magrereact muna ah? Patapusin nyo po muna ako"kinakabahang sabi ko nakakatakot kasi itong dalawang to pag seryoso eh

Tumango lang sila bilang tugon sa sinabi ko

"So mga kuya ganto kasi yan na arrange marriage ako. Nakasal ako. 'Di na ako pinapayagang kumausap sa mga lalaking 'di nya kilala. Hindi rin ako masyado nakakalabas ng bahay"

"MAY ASAWA KA NA?" Gulat na sabi ni kuya Ace kaya tumango ako

"Pero bat ka biglaang nandito diba sabi mo dika mastado nakakalabas?"tanong ni kuya Ax

"Hiniwalayan ko na" medyo nakangiti kong sabi sakanila

"Huh? Bakit mo naman hiniwalayan? Sinasaktan ka ba? Pinagmamalupitan? Ano bilis sabihin mo bubugbugin ko yun?" Oa na sabi ni kuya Ace pero totoo naman na sinasaktan ako eh

Pero hindi ko yun sasabihin sakanila baka mapatay nila si Zephyr eh

Silang dalawa ang dating mafia lord ewan kung paano kase isa lang talaga abg alam kong pwedeng maging mafia lord

Ipinasa nila ang titulong iyon sa isang lalaki hindi ko nga ngayon alam kung sino dahil hindi ko pa natatanong sa kanila

May paligsagan para malaman kung sino ang susunod na magiging mafia lord

"Oa kuya basta mas mabuti pag 'di nyo alam baka bigla nyong ipapatay eh"pagbibiro ko

"Sabihin mo saamin pangalan nya at kung ano ang ginawa nya kaya mo sya hiniwalayan" seryosong sabi ni kuya Ax

"Kuya 'di ko sasabihin ang pangalan nya"pagmamatigas ko "May kabit sya kaya ko sya hiniwalayan"

"What the actual fuck" gulat na sabi ni kuya Ace

"Just tell us the name of that bastard if you're ready"galit na sabi ni kuya Ax

"Let's eat it's already late"

Kaya bumaba na kami. Pero pagkalabas ko ng pinto may yumakap saakin

"It's ok kami na bahala sa kanya kahit hindi mo sabihin ang pangalan nya"pagtingala ko eh silang dalawa ang nakayakap sa akin at si kuya Ace ang nagsalita

Pagkababa namin dumiretso agad kami sa kusina

The Ex-Wife of the Mafia Lord Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon