Ysabel's pov,Nanlaki ang mata ko habang nakatitig sa mga pag kaing nakahilera sa mahabang table sa harapan ko...jusko.
Wala nakong sinayang na pag kakataon, agad kong dinakma ang isang buong manok na nasa gitna at nilagay sa plato ko hoho.
Agad akong napalingon sa katabi ko ng marinig ko itong tumikhim.
Nakita ko itong nakangiti habang nakatingin sakin."M-May problema ba?"
"Hmm..nothing, just eat."
Mag aalas diez na ng umaga at talagang gutom na gutom ako dahil wala akong kinain kanina pag alis ko sa bahay nung babaeng kahawig ko.
Buti na lang at dina ako ng lalaking to dito sa .....saan nga ba'to?...ahh delicioußa restau. Feeling ko mga high class restaurant to. Mga naka gown ang kumakain e jusko kakain lang naka gown? Eh ako nga naka pajama at t shirt lang wala pang tsinelas..Para naman mga engot.
Naalala ko ang nangyari kanina, hindi ko naman inaasahan na babalik pala galing ibang bansa ang boyfriend ng taong kamuka ko, tsk. Hindi man ako niremind ng anghel na yun, okay lang kaya pa naman ang pag papanggap...just go with the flow beybe hehe.
Ng matapos akong kumain ay napahawak ako sa tyan ko..
"Hooo...thank you lord!"
Nakita kong nagtinginan ang mga ibang kumakain sa gawi ko kaya nag peace sign ako..
Ramdam kong may mga tinga tinga akong naiwan sa ngipin kaya bumunot ako sa buhok ko at pinantinga...
Napatingin ako sa lalaking katabi ko ng humagalpak na ito ng tawa.
Huh? May eng eng yata ang isang to Tss.
"B-bella HAHAHAHA you're disgusting hahaha ew."
Habang nasa kotse ay nakatingin lang ako sa bintana, nakatanaw ako sa kawalan....ni hindi ko alam kung san ako dadalhin ng lalaking kasama ko....pero may tiwala ako sakanya dahil pina kain nya ko kanina....
Alas syete na ng gabi, iginala nya ko sa mall kanina, binilhan nya ko ng pampaa pati damit. Ewan lutang yata ako kakaisip sa mga nangyayari sa buhay ko kaya hindi ko na namalayan na gabi na.
Maya maya pa ay ramdam kong tumigil na ang kotse kaya napatingin ako sa lalaki.
"Love.....we're here."
Tumingin ako sa labas at nakitang nasa bahay ako ng babaeng kamuka ko.
"Love look at me."
Bakit ba love to ng love.."Hmm?" With pretty eyes
"I love you...please wait for me hanggang sa makahanap nako ng paraan para mag sama na tayo."
"Ha??"
"I'll make everything to be with you."
Nagulat at nanlaki ang mata ko ng hinalikan nya ko sa labi....Waaahhh!
Oa ko naman hindi naman first kiss to tsk.
Hindi maalis ang gulat na lumukob sa'kin ng lumayo na ito at inalis ang seatbelt ko.
Nakita ko na lamang na papalayo na ang kotse nito habang kumakaway ako...napatingin ako sa kamay kong kumakaway at nag taka.
Boyfriend ko ba yun? I mean nung babaeng kamuka ko? Bahala na tanong ko nalang sa anghel na yun.
Binuksan ko ang gate ng bahay, hindi naka lock siguro dahil alam nilang umalis ako hmm, habang papasok ng bahay ay saka ko lang naalalang hindi ko man lang alam ang pangalan ng lalaking nakasama ko.
Hmm next time ko nalang tatanong.
Van's pov,
Kitang kita ko sa labas kung pano makipag landian ang asawa ko sa kalaguyo nya..tsk pake ko ba.
Sinipa ko ang table sa kwarto ko, ni hindi ko alam kung bakit ako nag kakaganito nito.
Putangina.
Patay na ang mga ilaw sa buong bahay, bumaba ako papuntang sala at umupo sa sofa. Nangangatal ang kamay ko at gustong gusto ko ng manuntok.
Ysabel's pov,
Binuksan ko na ang pintuan at i-non ang ilaw...napatalon ako sa gulat ng makita ang lalaking naka dekwatro sa sofa...
Hindi ko alam pero ilukob ako ng kaba... nakita ko itong tumayo habang pinapasadahan ako ng tingin.
Tumigil ito sa paglapit ng isang metro ang layo sakin..
Lumakas ang kabog ng dibdib ko ng makita ang kabuuan ng lalaki...halata sa muka nito galit ito at nakakapang hina ang kagwapuhan ng lalaki.
Napaatras ako ng mas lalo itong lumapit sakin.
Napatingin ako sa kamay nitong halos maputulan ng ugat sa gigil..wtf!! susuntukin nya ba ko??
Kita kong malalim ang pag hinga nito kaya napapikit ako sa takot na baka masuntok.
Ngunit nagulat na lamang ako ng hablutin nito ang dala dala kong paper bag at ilalibag, lalo akong kinabahan ng mabasag ang base at kumalat sa sahig.
Mas nagulat ako ng hawakan nito ng laylayan ng dress na suot ko at punitin..
Halos mapugto ang hininga ko dahil sa ginawa nya... hindi ko na napigilan at napayakap na lamang ako sa sarili ko habang tumutulo ang mga luha saking pisngi.
"Whore...."
Nakita ko na lang na nag lakad na ito palayo.
Hindi ko alam kung bakit, pero nasaktan ako.
__________________________________
WARNING: There's alot of grammatical and typographical error in this story so please understand. Ang istoryang ito ay puno ng kababalaghan kaya ngayon palang ay pinapalayas na kita kung inosente ka.
A/N: Dear my reader's kung meron man, Don't forget to vote para po ganahan ako sa pag susulat at free na free po ang comment section para sabihin kung anong mga hinaing ninyo and suggestion please support me dahil ito palang ang story ko na maiipopost buong buhay ko at isa pa hindi po ako kagalingan sa english but i'll try my best
BINABASA MO ANG
PRETENDING TO BE THE BILLIONAIRE'S WIFE (On-going)
Romance"Isa lang ang buhay so kung gusto mo na mamatay... anong pake ko??"