Faded Memories

21 1 0
                                    

Cloud,

Hi baby. :)

Happy happy anniversary! Ang bilis talaga ng panahon no? Grabe. Parang kelan lang, inaaway away kita. Tapos ngayon, hinuhug na kita. :"> Haha. I love you baby :) Madami pa 'kong sasabihin mamaya. See you later hubby! I miss you. I love youuu :*

Red

-------

"Hindi mo talaga matandaan?", tanong nilang lahat sa'kin. Mga taong ngayon ko lang nakita buong buhay ko. Sino ba 'tong mga 'to? Bakit nasa hospital ako?

Hawak hawak ko pa rin 'yung sulat na pinabasa nila sa'kin. Sino si Red? Sino si Cloud? At anong pakealam ko sa anniversary nila?

"Red, si Cloud 'to," lumapit sa'kin 'yung lalaking naka-yellow na shirt at yan ang sinabi sa'kin. Ako si Red? Red as in pula? At siya si Cloud? Cloud as in ulap? Ano bang mga pangalang ang naisipan ng author at 'yun ang ibinigay sa'min?

"Sino ka? Sino ba kayo?", tanong ko sa kanila since gulong gulong gulo na ako sa nangyayari.

"Baby, ako 'to. Boyfriend mo," sabi ni Cloud tapos umiiyak na sya.

Boyfriend?

Wait ha. Wait.

Processing. . . .

Buffering. . .

Aahhhh boyfriend! Akalain mo 'yun, may boyfriend ako?!

Pero. . . Ehh?!

"Ma'am, I think you're daughter is suffering from an amnesia," napatingin kaming lahat sa doctor na pumasok na may hawak na mga xrays ata. "Hindi naman siya ganun kalala kaya you don't need to worry. Babalik rin lahat ng memories niya soon."

"Ga'no po katagal 'yung soon na 'yun, doc?", tanong ni Cloud at umiiyak pa rin siya. Sino ba 'tong taong 'to? Boyfriend ko ba talaga 'to? Sobrang special ko ba talaga sa kanya na sobrang alalang alala siya sa akin?

"Ilang months siguro. Pero mas mapapadali naman 'yun sa tulong niyo," sagot ni Doc.

"Sir Cloud, wala na po bang masakit sa inyo? Nagamot po ba ng ayos 'yung sugat nyo?", biglang sabi naman nung nurse na nasa likod lang ni Doc.

Saka ko lang napansin ang damit ni Cloud na may dugo ng konti. Ano bang nangyare?! "Okay lang ako. Okay na. Salamat." At umalis na si Doc pati 'yung kasama nyang nurse.

Grabe. Litong litong litong lito na ako. Gusto ko ng umuwi.

"Ano bang nangyari? Sino ba kayo? Please. Naguguluhan na ako."

"Red.. Ako 'to. Si Cloud. Boyfriend mo. Best friend mo. At sila," tinuro niya 'yung mga tao na nakaupo sa sofa, "barkada natin. Si Elaine at si Renzo. 'Yun naman si Mama mo, Papa mo, pati si Raven, kapatid mo."

Medyo naiiyak na silang lahat at si Cloud, umiiyak pa rin. Huhu, grabe. Naiiyak na rin ako. Ano bang nangyari sa'kin, sa'min. Ayan tuloy, nagiging problema ako ng mga taong malalapit sa buhay ko.

"Baby..", tapos medyo pinunasan niya 'yung luha nya at tumitigil na sya. "Sabi ni Doc, nagka-amnesia ka daw. At hindi daw malala -"

"Oo nga, rinig ko. O tapos?"

Tapos tumawa sya. Wow ah. Nagtatanong ako please? Seryoso ako. "Magkaamnesia ka man o hindi, mataray ka pa rin," tapos ngumiti sya and kiniss niya ako sa forehead ko.

"Baby, alam ko, babalik lahat ng memories mo. Alam ko kaya mo yan. Kaya natin 'to. Kung kelangan mang dalhin kita sa lahat ng lugar na pinuntahan natin noon, gagawin ko," tapos naiiyak na ulit sya. "Kung kelangan mang awayin mo 'ko ulit, sige, magpapaaway ako ulit sa'yo. Kung kelangan ko mang gawin lahat at sabihin lahat ng nangyari noon, tungkol satin, sakin at sayo, gagawin ko. Hinding hindi ako mapapagod gawin at sabihin lahat ng 'yun. Abutin man ako ng syam syam, gagawin ko.

Gagawin ko lahat, Red. Para sa'yo. Kaya ko. Ganun kita kamahal. At hinding hindi ako mapapagod iparamdam ulit sa'yo lahat. Kelan ba 'ko napagod sa'yo? I love you Red. Magpahinga ka muna. Pag gising mo bukas, maganda ka pa rin. At mahal pa rin kita."

Speechless...

----------

Author's Note:

Yay!! Sinipag na ulit mag-gawa ng story! Sana matapos ko 'to. Palagi nalang kasing hindi ko natatapos mga story ko, eh. Okay lang ba? What do you think? :)

And.. Temporary pa lang 'yung title niya. Wala akong maisip na title, eh. Hahaha. Try nyo mag-comment ng magandang title para sa story na 'to. Okay?

Vote and comment naman jan, oh :) Sige na, papasko nyo na ;) Haha. Thank you guys! I'll keep you updated.

- Author.

(Copyrights: 17 Dec 2012)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 17, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Faded MemoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon