Two

18 3 0
                                    

Chapter Two






2 years ago......





"Hoy!"



Kalampag ko sa kakaparada lang na Benz. Nagbukas ito ng bintana pero hindi nakatingin sa akin.




"Baba!" Senyas ko sa taong nasa loob na malalalim ang buntong hininga.




"What kid?"





Nanlaki ang mga mata ko. Napatingala ako sa kanya dahil ang tangkad nya. Siguro ay hanggang balikat nya lang ako. Sumandal ito sa pintuan ng Benz nya at humalukipkip.

"A-nong kid? Hindi Kid ang pangalan ko Mister!" Hinubad nya ang suot na shades at saka tumitig sa akin. Napatulala ako. Oh my!

"L-look nasagi mo yung car ko. Ang laki ng damage!" Nanginginig na nakaturo ako sa vios 2007 ko na ipapark ko na sana ng biglang nalang akong inunahan ng mayabang na halimaw na to porke Mercedes Benz ang sasakyan nya. Kingina po sa M.Benz mo, ikaw na hayop ka.

He smirked at me."What's your name? Minors are not allowed to drive, are you aware of that?"

Halos umusok ang tenga ko sa narinig. Susugurin ko na sana sya ng pigilan ako ni Kate.

"Ah kuya hindi na sya minor he's already 22!" Namumula na ako sa inis at hiya dahil tinatawanan nya ako. He even patted me in my head.

"Is that so? You look like 16, baby..." Nanginig ang tuhod ko ng ilebel nya ang mga mata nya kapantay ng mata ko. He held my chin at bahagyang iniangat iyon. Gusto ko syang sapakin dahil mukang nakalaklak ng madaming hangin itong nasa harap ko.

"Alright. Ipapagawa ko." Bumaba ang tingin nya sa ID ko. Binaligtad nya iyon. "Ameerah DC Vera. Cute name.. just like you." Nag init ang pisngi ko kaya itinulak ko sya pero dahil malaki sya bahagya lang syang napaatras.

"Give me your number and leave your car there, ako ng bahala." Tapos ay inilabas ang cp at iniabot iyon sa akin. Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanya at sa cellphone nyang nakalahad sa akin.

Sa bandang huli ay ibinigay ko rin. Hindi ko iyon pwedeng iuwi ng sira lagot ako kila mommy pag nagkataon.

"Sissy, Seriously? Tinarayan mo iyong gwapo. Hindi mo ba sya nakikilala?" Napahinto ako sa paglalakad at hinarap nya. Kinikilig kilig pa sya na akala mo ngayon lang nakakita ng gwapo.

"Bakit sino ba sya?" Alam kong gwapo sya pero hindi sya yung tipo ng gwapo na nakakakilig dahil sa kayabangan nya.

"Kailan kaba pinanganak? He's the grandson of Mr. Thomas Grayson! Iyong katapat natin na building!" Okay? and so again?

"Eh ano naman ngayon? Porke ba mayaman sya?"

"Whatever Ams!" Nagtuluy-tuloy lang ako sa pag lakad. Nauuna ako kay Kate kaya nailabas ko ng palihim ang mga ngiti ko. Yeah he's cool. Handsome not really na mukang ng Greek Goddess but he has the appeal! The X factor. Kaso biglang nawala ang ngiti ng maalala gaano din kahangin ang dating nito.

Bago mag alas kwatro ng hapon ay may nagtext na unregistered number sa akin.

From:
+63905 *** ****

Okay na car mo. Meet me at Cafe La Amasca after your work.

To:
+69305 *** ****

Alright.

Sa coffee shop ay natanawan ko ang lalakeng nakalaklak ng hangin na prenteng nakaupo sa dulong table. Hindi nya pansin ang mga babaeng halos magkikisay na kilig at kakatitig sa kanya. Famous amputs!

Same Love TwiceWhere stories live. Discover now