- K A L I Y A -
Reyna ng Karagatan
• • •
RACE OF MYTHS
Series #1- P R O L O G U E -
"Lah. Mas maganda pa nga siya kay Nancy."
"Tama ka. Baka si Nancy talaga 'yan?"
"Gago! Hindi siya 'yan! Kung si Nancy 'yan, ano naman ang ginagawa n'yan dito?"
"Aba malay ko?"
"Pero kanina pa talaga 'yan dito, parang may hinihintay ata."
"Swerte naman ng hinihintay n'yan."
"Sino kaya?"
"Baka ako ang hinihintay niya?"
"Ra ulo!"
Sukat at nagkatawan ang mga ito. Bakit parang ang sikat naman yata niya?
Maganda ba talaga yan?
Halata naman na mas maganda pa ako d'yan. Tss.
Pero teka–
Sino nga ba'ng hinahanap ko?
Tang-ina naman, oh. Hindi man lang sinabi ng matandang 'yon kung sino ba talaga ang hahanapin ko. Ni kasarian o pangalan man lang. Nakakawalang-ya talaga!
"Hihintayin kita, mahal ko." Biglang singit ng isang boses sa kabilang bahagi ng utak ko. Awtomatikong napatigil ang mga paa ko sa paglalakad. Wait– hindi kaya... siya ang tinutukoy ng matandang 'yon?
Hindi! Imposible talaga 'tong iniisip ko. Napasapo sa mukhang nailibot ko ang tingin sa kapaligiran.
"Tang-ina! Si Emma ba 'yan?" Biglang pagsigaw ng nasa paligid ko.
"La! Oo nga! Kamukha ni Emma Watson! Hanep! Kanina si Nancy tapos ngayon si Emma naman? Panaginip ba 'to? Matagal ko nang gustong makita sa personal si Emma Watson! Baka nga panaginip lang 'to!" Tumitili habang marahan na sinasampal ang sariling mukha habang nanatiling nakapukol ang mga tingin sa direksyon ko.
Wait– what? Anong nangyari sa mga tao ngayon at parang mga nawawalan sa tamang katinuan. Ako ba ang tinutukoy ng mga 'yan?
Malamang ako nga ang tinutukoy ng mga 'to. Kinuhanan pa ako ng litrato. Tarantado! Kung 'di lang ako nagmamadali ay ako na mismo ang sasampal sa pagmumukha ng mga buang na 'to. Bwiset. Bakit ba kasi ang daming tao dito?
Sikat ba talaga 'yang Nancy na 'yan?
Tao rin naman 'yan. Parang tanga 'tong mga to.
"Lois!" Narinig 'kong pagsigaw ni Debbie. Sinusundan niya pala ako.
"Debbie." Pagod ang mukhang hinarap ko ito. Ano ba kasi 'tong nangyayari sa 'kin? Bakit ganito na lamang kung kumabog ang puso ko? Naguguluhan ako. Hindi ko malaman kung ano ang dapat gawin sa mga oras na 'to. Parang gusto ko nalang na bumalik sa loob ng sasakyan at matulog sa bahay. Siguro nga isang malaking pagkakamali ang pagpunta ko sa lugar na 'to.
"Mahal ko."
P A A L A A L A
Ang mga tauhan at pangyayaring nakasaad sa storyang ito ay sadyang kathang-isip lamang at walang kaugnayan sa sinumang tao, buhay o patay man.
Ang storya na ito o alinmang bahagi nito ay hindi mailalathalang muli o maililipat sa ibang porma at sa ano mang karapatan nang walang kapahintulutan ng manunulat.
-Acqua14
W A R N I N G !
This story occasionally contains strong language which may be unsuitable for children, adults and for you. The following page may ruin your life. This is a girl to girl short story. Reader discretion is advised.
BINABASA MO ANG
KALIYA (Girl×Girl) (COMPLETED) [EDITED]
Fantasy"Siraulo! Magmumura kana nga lang sa isang reyna pa!" si Ysa. KALIYA- REYNA NG KARAGATAN Short story. Race of Myths Series #1 COMPLETED. •Fantasy •GirlxGirl •LGBT •ROM •Folklore Dec.14, 2020 Dec. 22, 2020 __ DISCLAIMER: This is a work of fiction. Na...