K A L I Y A - VI

1.3K 99 11
                                    

- KABANATA 6 -

"Kung nakakapagsalita lang 'yang salamin kanina kapa n'yan pinapaalis. Itigil mo na 'yan. Awat na. Maganda kana. Kapag 'di ka pa umalis d'yan talagang mabibiak na 'yan!" Si Marites.

Napairap ako dito.

"Sure kaba talaga na bagay sa 'kin 'tong damit ko?"Nako-concious ako. Ngayon lang kasi ako nag-dress, madalas kasi tshirt at blouse lang ang isinusuot ko sa mga lakad ko. Mas komportable ako doon.

"Tanga! Bagay na bagay kaya sayo. Aba bulag lang ang hindi makaka-appriciate sa beauty mo, Lois. For sure mas lalong mahuhulog sayo si Johansen.

Si Johansen ay ka-klase namin mula first year at second year. Ngunit sa 'di malaman na dahilan ay pumunta ito sa ibang bansa at doon na niya ipinagpatuloy ang kanyang pag-aaral. Nitong nakaraang araw ko lang din nalaman ang pag-uwi nito. Aksidenti kaming nagkatagpo kanina sa mall. At ayon, matapos magkumustahan ay inaya niya akong magdinner. Matagal ko ng crush yon. Gwapong-gwapo talaga ako sa kanya noon pa. At isa pa, mabait siya hindi lang sa 'kin kundi pati na rin sa mga kaibigan 'kong sina Marites at Jaylou.

"Tama na nga 'yan at nang makaalis na tayo?" Pagyakag ng isa sa'min. Kanina ko pa napapansin ang panaka-nakang pagsulyap nito kay Teza. May lakad rin daw kasi 'tong dalawa kaya heto kagaya ko ay naka-dress rin ang gaga. "Wag kang magpaganda masyado, Lois. Nakakapagod na magtaboy ng mga manliligaw mo."Anito.

Napairap ako rito na ikinatawa lang nung dalawa. "Teka– san ba kayong dalawa?"

Napaubo. Hindi kaagad nakasagot ang mga ito't naging mailap ang mga matang nag-iwas ng tingin. "Parang gagala lang, Lois." Ani ni Jayjay na ikinatango nung isa. Duda man ako sa isinagot ng mga ito ay hindi ko na lamang kinulit ang dalawa.

Sabay-sabay na kaming lumabas sa bahay. "Mas lalo kang gumaganda, Lois." Salubong sa'kin ni Edgardo. "Ah, p-para pala sayo." Nag-abot ito ng pumpon ng iba't ibang uri ng bulaklak na ikinatawa ko. Parang tanga talaga 'tong mga 'to.

"Gago, gardo. Nanliligaw ka rin ba? Para sa'n ba 'yang bulaklak mo?" Asar na ika ni Jaylou rito.Gago talaga.

"Ha? A-Ah. W-Wala naman. Bakit? B-Bawal ba?" Kabado at napapakamot nitong tanong. Kawawang Edgardo.

"Raulo! Oo! Akin na nga 'yan! Makita pa 'to ni Johansen baka mapornada pa. Ngayon nga lang lumalablayp 'tong isa." Natatawang inagaw ni Teza sa kamay ko ang mga bulaklak at dinala niya iyon sa loob ng bahay.

Bwiset talaga 'tong si Marites. Kung anu-anong lumalabas sa bunganga.

"Gardo, 'wag mo nang balakin. Masasaktan ka lang." Makahulugang ika nito pagkalabas ng bahay. Takang napatingin lamang ako sa mga ito.

Nahihiyang nagbaba ito ng tingin. "P-Pasensya na, Lois." Tuloy, hindi ko mapigilang sapukin sa ulo 'tong isa.

Napaungol ako nang makaramdam ng bigat na bagay na nakadagan sa katawan ko. Marahang itinulak ko ito at inilayo ang sarili ngunit pilit naman itong sumisiksik sa katawan ko. Nang makarinig ako ng pagtunog ng telepono ko. Pikit-matang inabot ko ito.

"Hello?"

"Hoy! Gaga!" Kaagad na salubong sa 'kin sa 'kin sa kabilang linya. Tang-ina. Kung makasigaw 'to daig pa ang nakalunok ng megaphone.

"Bakit?" Reklamo ko. Inaantok pa kasi ako at kulang sa tulog.

"Hoy! Anong bakit? Teka– kagigising mo lang ba?"

"Obviously. Bakit ba? Aga-aga nambubulabog ka," asik ko. Napahikab na nagbaling ako ng higa. Sukat at doon ko lang napansin ang isang pares ng mga matang nakatutok sa 'kin. Napaupo ako at a halip ay ni-loud-speaker ito.

KALIYA (Girl×Girl) (COMPLETED) [EDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon