- KABANATA 9 -
Naggising ako sanhi ng ingay na gawa mula sa labas. Patay ang lahat ng ilaw sa sala ngunit rinig na rinig ko ang mga kaluskos sa paligid ko.
"Mang Asyong?" Gulat 'kong bungad sa isang may edad na lalaki matapos tumambad sa paningin ko ang mukha nito. Kaagad na kumalat ang liwanag sa paligid matapos kong buksan ang ilaw. Ngunit laking gulat ko nang makitang hindi ito nag–iisa.
"Lois."
"Ano hong... Anong ibig–sabihin nito?" Naggugulumihan kong pinaglipat-lipat ang tingin sa tatlong lalaking kasama nito. Bukod sa hindi pamilyar ang mga mukha nito ay kakaiba ang pakiramdam ko. Nakangisi ang mga itong nakatuon sa 'kin ang kanilang buong atensyon.
"P–Patawarin mo ako, Lois." Sukat sa sinabi ay kumaripas ito ng takbo palabas. Naiwan naman akong tulala at nagguguluhan. Sa kabila ng takot, sinubukan 'kong tumakbo ngunit mabilis na nahawakan ako ng mga ito.
"Tatakas kapa, ha!" Nakakapangilabot nitong turan..
"S–Sino kayo? B–Bitawan nyo ako?! Tulong?!" Pagpupumilit 'kong kumawala sa mga ito. Ngunit ganoon na lamang ang pagkagimbal ko nang sikmuraan ako sa isa sa mga ito. Tila hinigop ng sakit na naramdaman ko ang buong lakas ko't kinain kaagad ako ng karimlan.
Mga ingay, tawa at hampas ng alon ang pumukaw sa aking gunita. Nakaramdam ng pagkahilo, pinilit ko pa ring bumangon. Bumungad kaagad sa paningin ko ang tatlong lalaki kanina sukat at muling nanumbalik sa alaala ko ang mga nangyari. Muling nabuhay ang takot sa puso ko. Nag-iinuman ang mga ito. Napagtanto ko rin kung ano ang sitwasyon ko ngayon. Nasa gitnang laot at wala akong ibang makita kung 'di ang karimlan ng buong paligid at ang malawak na karagatan.
"Mabuti naman at gising kana." Pagpukaw nung isa at kumuha sa buong atensyon ko. Lumapit ito. Dala ng takot ay napaatras ako mula rito at pilit na sumisiksik sa parting iyon ng bangka. Akala ko ay kuwento–kuwento lamang ni Itay ang tungkol sa kanila. Totoo nga pala na may mga piratang napapadpad sa lugar namin. Sa nakikitang reaksyon ko, malademonyo itong napangisi.
"Huminahon ka, Duglas." Ika ng isa sa mga kasama nito. Umiling lang ang lalaki tinatawag na Duglas at marahas na hinablot nito ang braso ko na ikinadaing ko.
"Wag mo na akong pigilan, Simon. Hindi na ako makapaghintay pa. Ineng, may nakapagsabi na malapit ka raw sa reyna. Hindi ako naniniwala ngunit halos buong San Martin ay saksi sa biyayang natatanggap nila mula sa karagatang ito. Ngayon, patunayan mo sa'min kung gaano kayo kalapit sa isa't–isa. Hindi naman siguro masamang humingi ng kahit kaunting biyaya magmula sa kanya, hindi ba, Ineng?" anito.
Napailing ako at pinuno ng kalituhang napatingin sa tatlong lalaki. Bukod sa takot ako ay hindi ko rin naintindihan kung ano ang pinagsasabi nito. "A–Anong biyaya? W–Wala akong kinalaman sa kung anumang nangyari sa S–San Martin." Nanginginig kong ika sa mga ito. Batid ko ang paninigas ng mga bagang ng kaharap ko. Halatang hindi nagustuhan ng mga ito ang mga narinig.
"Gawin mo na, neng. Kung ayaw mo ng sakit sa katawan ay sundin mo ano ang gusto namin,"ika ng isa.
Muli ay napailing pa rin ako. Nagsisimula na ring manginit ang gilid ng mga mata ko. Pilit pinipigilan ang mapaiyak sa mga oras na 'to. "M–Maniwala ho kayo. W–Wala ho akong kinalaman–"Kaagad akong napahiyaw sa sakit nang maramdaman ko ang magaspang nitong kamay sa 'king mukha.
"Tumahimik ka! Hindi iyan ang mga salitang gusto naming marinig!" Si Duglas. Sa kanilang tatlo ay sa kanya ako mas natatakot. Alam ko kasi na sasaktan at sasaktan talaga ako nito. Naalala ko rin na siya iyong sumuntok sa 'kin kanina.
BINABASA MO ANG
KALIYA (Girl×Girl) (COMPLETED) [EDITED]
Fantasi"Siraulo! Magmumura kana nga lang sa isang reyna pa!" si Ysa. KALIYA- REYNA NG KARAGATAN Short story. Race of Myths Series #1 COMPLETED. •Fantasy •GirlxGirl •LGBT •ROM •Folklore Dec.14, 2020 Dec. 22, 2020 __ DISCLAIMER: This is a work of fiction. Na...