Chapter 4

4 1 0
                                    

Kirsten's POV

My dad is very caring especially to me, ayaw nya ng napapahamak ako, or kahit nasusugatan lang. Minsan nga medyo OA na ang pagka-over protective nila ni kuya sakin, but hindi naman big deal sakin yun kasi I know na ayaw lang talaga nila akong mapahamak that's why they are being protective like that. I understand naman eh, but this time it's a little bit weird. Really weird.

If it's true na nakita na nga nila ako, then he should be calling me right now, diba? Dapat nga kagabi pa, since kagabi nangyari ang lahat. By now, he should be worrying about me so much, pero bakit ganon? I don't understand kung bakit hanggang ngayon he is still not calling me or bakit di nya pa ako pinapauwi?

Sobrang busy nya ba? Or may nangyari sa kanya? Oh no, what if meron nga? Kaya hindi nya ako matawagan?

Girl, baka naman busy lang? OA ka din minsan eh. O baka naman hindi ka pa talaga nila nahahanap? Malay mo totoo yung 'theory' ni Gab, right?

Yeah, sana nga busy lang sya at walang nangyari sa bahay.

What if bumalik ka na kaya? Feel ko mas safe ka dun eh.

Pero wala pa akong plano. Hindi ko pa alam kung pano mababayaran si Mr. Martinez and at the same time eh hindi ako maikakasal. At kung totoo man na hindi pa alam ni dad ang nangyari sakin, for sure magtataka sya kung bakit napabilis ang pag-uwi ko kahit wala pa naman akong naiisip na pwedeng gawing solution sa lahat.

Hayys ang hard naman kasi ng problem nyo eh. Magpakasal ka nalang!

Ayoko nga! Kung gusto mo ikaw nalang!

Gaga! Iisa lang tayo, kinakausap mo sarili mo, remember?

Ayy oo nga pala sorry, pero basta ayoko parin.

Malay mo mabait naman mapangasawa mo. Tapos gwapo, matalino, and of course mayaman. Bet na bet, diba? Gora na kasi girl!

Stop na nga kaya di ako makapag-isip ng maayos eh.

"Hey Kirsten, nandito na tayo sa bahay ng kaibigan mo. Kanina ka pa tulala, ano ba talagang problema nyo sa company? Sabihin mo na nga. Baka mamaya depressed ka na pala dahil nalulugi na yung kumpanya nyo." napabalik ako sa katinuan nung marinig ko si Blake.

"Hindi ako depressed ah. Oo may problema yung company pero hindi pa naman kami nalulugi. Actually hindi naman talaga company namin yung may problema eh, kami lang ni dad. Pero wag mo nang intindihin yun kaya ko na yun." I replied, then bumaba na ako and dumiretso sa gate nila Iya to press the doorbell.

Pero bago ko pa mapress, nahawakan na ni Hunter ang kamay ko to stop me. So I looked at him full of curiosity. I also raised my left brow. Bakit ayaw nyang pindutin ko yung doorbell?

"Ayaw naming magpakita sa kaibigan mo, kaya mamaya mo na pindutin yan kapag nakaalis na kami." Binitawan ako ni Hunter at napalingon ako sa nagsalitang si Alex na nakasandal sa big bike nya. Ah okay.

Nakita ko naman na bumaba na rin ng car si Blake tapos kinuha na nya yung things ko sa backseat ng BMW nya.

"Here are your things, I'll also get your number para matawagan mo ako agad kapag may kailangan ka. Or pwede namang isigaw mo nalang yung pangalan ko, at katulad ng sabi ko sayo dadating ako. Promise." he said, then wiggled his eyebrows.

"Ang corny mo naman. Feeling superhero!" Tumatawang sabi ni Gab. Natawa nalang din sina Alex at Hunter at ako naman ay napangiti.

"Seryoso ka pala dun?" I asked.

"Oo naman, para sayo magseseryoso ako." He replied. Cringe!

"Ulol! Tigilan mo na nga yang panlalandi mo kay Kirsten! Mukha ka ng sira-ulo! Hindi naman bagay sayo!" Sabi ni Hunter kaya nagtawanan kami.

The Trespasser (Criminal Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon