Untitled Story Part

289 16 2
                                    

Lahat tayo may best friend, yung iba nga ang daming best friend. Ano nga ba ang best friend? Enough ba yung lagi mo siyang kausap at kasama? Mag tatawag mo na ba siyang best friend dahil sa mga ganung bagay?

Nakilala ko ang best friend ko nung college ako, freshmen siya, transferee ako. Sa una pa lang napansin ko na agad siya, hindi dahil sa nakita ko na mag cclick kami as friends. Sabi nga sa isang movie na napanood ko. "I choose my friends and FYI you don't make the cut." Napataas na lang ang kilay ko nung makita ko siya sa harap ng classroom namin, akala ko isa siyang high school student na naligaw sa college building. I even called her "Hello kitty girl" lahat ng gamit niya hello kitty from head to toe.

Isang linggo na ang nakalipas nung nag-aya ang isang block mate namin na mag lunch sa isang mall, bonding na din dawn g buong class. Since ayokong matawag na kj at naging kaibigan ko na din naman ang nag-aya sumama na ako, sumama din si hello kitty girl. Dahil sa lunch na yun ay nakapagusap kami. At first naiilang ako, I have an image sa dati kong school at ayokong masira yun dahil lang sa nakikipagkaibigan ako sa isang nene na mahilig kay hello kitty, but at in the middle of our conversation napansin ko na nag-eenjoy ako, na masaya ako sa simpleng pag-uusap namin. She even admit na natatakot daw siya sa akin. First day pa lang daw napansin na agad niya ako dahil sa aking bitchy look, hindi daw niya akalain na magkakausap kami dahil parang anytime daw ay magtataray ako.

I was twenty years old that time at siya naman ay sixteen. Sinong mag-aakala na magiging matalik kaming magkaibigan? At first ang dami naming pagkakaiba, dahil na din siguro sa four years age gap, but we still manage to become friends.

Lagi na kaming nag-uusap, magkatabi sa upuan tuwing may klase, laging magkasama hindi na mapaghiwalay, laging napapagalitan ng mga prof dahil sa walang sawang daldalan. Unti-unti nakikita ko ang pagbabago sa kanya, she get rid of her hello kitty stuffs, nag-uumpisa na siyang maging kagaya ko. Nasasabayan na niya ako sa mga trip ko sa buhay. Dun nag-umpisa ang pagiging mag best friend namin. Even call each other "bff".

Tulad ng mga normal na magkakaibigan, may mga pagkakataon na hindi kami nagkakaintindihan, pero naayos din namin agad. Lahat ng mga problema at sikreto namin sa buhay ay alam ng bawat isa, alam na alam din namin kung paano pagagaanganin ang loob ng bawat isa.

Kaming dalawa ang laging magkadate tuwing may lakad ang grupo, kaming dalawa na lang kasi ang walang love life at ka love team.

Yung pagkakaibigan na nabuo namin sa loob ng dalawang taon ay walang katulad, kilos at tingin pa lang namin sa isa't-isa alam na agad namin ang ibig sabihin.

Second year, second sem nung nag stop siya sa pag-aaral, tuwing binabalikan ko nga itong mga panahon na to, parang hindi nangyari na huminto siya, parang hindi ko man lang naramdaman na hindi ko pala siya katabi sa upuan. Lagi pa din kasi kaming nagkikita at nag-uusap, nagagawan namin ng paraan na magkita at makapag-usap kahit gaano pa kami ka busy sa kanya-kanya namin buhay, dinaig pa namin ang may relasyon.

Until one day, lumipat na ako ng school, at yun naman yung sem na bumalik na siya sa pag-aaral. Ganun pa din madalas pa din kaming mag-usap pero ang pagkikita ay dumalang na, kung tama ang pagkakabilang ko wala pang labing dalawang beses kaming nagkita simula nung lumipat ako.

Ilang buwan na ang nakalipas, unti-unti nawawalan na kami ng communication, hindi na alam ang balita tungkol sa isa't-isa, hindi na nadadamayan ang bawat isa pag may problema. Dumating pa sa punto na kahit parehas online sa facebook ay hindi na magawang magchat.

Nung una ok lang, na isip ko siguro busy lang at may kanya-kanya naman kaming buhay, sa loob ng mahigit dalawang taon bibihira lang kaming magkita, kaya may mga iba kaming naging kaibigan. Nagkaroon siya ng boyfriend na wala akong kaalam-alam, masakit para sa akin dahil alam kong matagal na niyang gustong mangyari yun, tapos hindi ko man lang nalaman, buti pa yung iba alam. Thank you facebook at nalaman ko ang mga bagay na yun. Nag break na sila't lahat hindi ko man lang nakilala.

Minsan napapaisip ako, ang friendship ba ay parehas ng mga mag boyfriend at girlfriend na pag hindi na madalas magkita at magkausap, papalitan na lang ng iba?

Isang gabi sinurprise niya ako sa bahay namin, sobrang saya ko nung mga oras na yun, ayoko na nga siyang pauwiin. Miss na miss ko kasi siya, miss na miss ko na yung best friend ko. After nung gabing yun bumalik kami sa dati, lagi na ulit kaming nag-uusap.

Akala ko magtatagal yung ganun, yun pala mali, ilang araw pa lang ang nakakalipas balik na ulit kami sa hindi pagpapansinan. Bumalik ulit lahat ng tanong, sino ba ang may mali? Sino ba ang nagbago?

Ang sama-sama ng loob ko nun, sa totoo lang hanggang ngayon ay masama pa din ang loob ko dahil sa mga nangyayari sa amin. Sa ngayon naiilang na ako sa kanya, pakiramdam ko kasi hindi na siya yung best friend ko, hindi na siya yung babaeng inilayo ko kay hello kitty.

Sumasama ang loob ko sa kanya, tuwing nagpopost siya sa facebook kesyo namimiss na niya yung best friend niya, na gusto na niyang makasama to, na ang dami niyang gustong sabihin dito at madami siyang gustong gawin kasama ito.

Sobrang sakit para sa akin nun, lalo na pag nakikita ko yung mga pag-uusap nila at mga pictures nilang magkasama. Mas madalas na silang magkita at mag-usap, natatakot ako na baka yung mga masasayang ala-ala namin mapalitan na ng bagong memories na iba yung kasama.

Sa ngayon siguro ay normal na magkaibigan na lang kami, na para bang kahit anong pilit pa ang gawin namin hindi na kami mababalik sa pagiging mag best friend dahil sa mga pagkukulang namin sa isa't-isa.

Hanggang ngayon tinatanong ko pa din, ano pa ba ako sa kanya? Sino pa ba ako? Ako pa din ba yung "BFF"? Sobrang sakit kasi para sa akin na kinalimutan na niya ako, na parang wala kaming pinagsamahan. Pakiramdam ko naiwan ako, na para bang hindi na ako nag eexist sa mundo niya. Pero kahit ano pang mangyari para sa akin ay siya pa din yung best friend ko, ang babaeng inilayo ko kay hello kitty, ang babaeng soul mate ko, kahit na siya ay tinanggal na ang best sa best friend.

Best friends for never [One Shot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon