PROLOGUE

0 0 0
                                    


"Una na ako Rey," Paalam ko sa katrabaho ko.

"Ingat ka Xy!" Nakangiting aniya at kumaway pa sakin at muling inayos ang bag niya.

Tumango ako.

Kami ang nagsasara ni Rey ng Coffee shop palagi. Kanina pa umuwi ang mga katrabaho namin.

Napatingin ako sa relo ko. Alas-dose na ng madaling araw. Natagalan kami kasi kanina pang alas-dyes nag si-uwian yung mga kasamahan namin, Pasara na sana tong coffee shop kaso saka naman nag si dagsaan ang mga customer kaya ayon imbis alas-diyes naging alas-dose.

Nilalakad ko papuntang apartment ko ng maisipan ko na buksan ang cellphone ko.

Ako ang namumuno ng isang legitist na fanclub ni Anica Mortel, Same kami ng School, High School hanggang College. Mapait akong napangiti. Dati noong nakakasama ko pa sila Mama ay nakakapag aral ako sa mga School na pang mayayaman lang. Mayaman ang pamilya ko. Nakakalungkot lang dahil wala na sila Mama at Papa. Naaksidente sila noong 20 ako. 4 years ago. Nag iisa na lang ako sa buhay ngayon.

Gusto akong isama ng Tita ko sa Cebu kaso di ako sumama, Mas gusto kong maging independent na lang at gamitin ang tinapos ko para makahanap ng trabaho. Kagaya ngayon dito ako sa coffee shop nag tatrabaho.

Agad kong inopen ang ig ko habang nagpapatuloy sa pag lalakad at inopen ko ang group chat namin.

AnicaNatics

Me: Good Morning!

Anna: Kamusta trabaho mo Xy?

Me: Okay naman, Nakakapagod nga lang.

Kurt: Gising pa pala kayo, Sabi ng Manager ni Anica mag geguest daw siya sa Chinkylit.

Napangiti ako. Chinkylit isang reality show.

Mag guguest si Anica. Ito ang unang beses niya sa Chinkylit. Noong High school ako iniidolo ko na talaga si Anica pero wala akong lakas ng loob lumapit sakanya. Nahihiya ako that time. Sobrang ganda niya at ang bait pa. Pero noong pagraduate kami ng Kolehiyo doon kami nag kausap. Hindi naman kami friends nagkakausap lang kami. Pero okay na ako don, Atleast diba kilala ako ni Anica. Susuportahan ko siya hanggang sa huli.

Graduate na kami ng Kolehiyo noong nag start siyang mag Artista.

Nag usap usap kami sa gc kung saan kami mag kikita kita bukas at sabay kami pupunta sa Venue ng Reality Show.

Nakangiti ako at ibinalik ang cellphone sa bag ko, paliko na ako sa apartment ko.

Hinubad ko ang sumbrero ko at inayos ang bangs ko. Ibabalik ko na sana ito ng bigla akong mapaupo.

Naiiyak na napahawak ako sa balakang ko.

Ang sakit!

Nag angat ako ng tingin sa taong nakabanggaan ko.

Nakamask ito ng itim at naka-itim din na cap. Ano ba ito? Snatcher ba siya? Criminal?

Nakaramdam agad ako ng takot at niyakap ang bag na hawak ko.

Nakayuko ito sakin at sabay tinanggal ang cap na suot niya. Clean cut ang buhok niya.

Hmmm..yun ang gusto kong haircut ng lalaki.

Xy! Ano ba? Baka criminal yan! Tumigil ka!

Pag kausap ko sa sarili ko.

Umawang ang bibig ko ng ilahad nito ang kamay sakin at yumuko pa sakin.

Anong gagawin niya?

Mas naaninag ko pa siya dahil sa ilaw na nang gagaling sa gilid ng kalsada.

Napatitig ako sa mga mata nito na nakatitig din sakin.

Kitang kita ang asul nitong mga mata, Kahit may face mask ay masasabi mong gwapo talaga siya at may lahi.

"I'm sorry Miss, Let me help you." Aniya.

Halos mapasinghap ako ng mag salita siya kasabay ng malakas na pag kabog ng dibdib ko.

Siya pa nag sorry, kahit alam ko sa sarili ko na may kasalanan din ako, Di naman kasi ako tumitingin sa dinaraanan.

Bat ka nag kakaganyan heart? Nasaktan na nga ako e.

Ang gwapo! Pati boses gwapo!

Baritono ang kanyang boses, Lalaking lalaki.

Nanginginig na itinaas ko ang kamay ko. Kaagad naman niyang hinawakan.

Ramdam ko ang kuryente ng mag dikit ang balat natin, Lord. Ito na ba yon?

Habang patayo ay napaigik pa ako dahil masakit talaga ang balakang ko.

"I'm sorry again." Aniya at nagmamadaling tumalikod saakin at nag mamadaling naglakad.

Nakaawang ang labi ko habang sinusundan ito ng tingin. Sinuot niyang muli ang itim na cap niya at bago nagmamadaling lumiko.

Hanggang sa umalis ito ay nandoon pa din ako. Napahawak ako sa dibdib ko.

Lord, Anong nangyayari sakin?

Inlove ba ako sa lalaking yon?

Inlove mo mukha mo Xy! Nasaktan ka na nga inlove inlove ka pang nalalaman! Syempre buhay ka kaya tumitibok iyang puso mo!

Pag kausap ko sa sarili ko kasi iba e. Iba yung klase ng tibok.

Napabuntong hininga na lang ako at hawak ang sumakit na balakang nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa makarating sa apartment ko.

--

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author’s imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Madami pong grammatically errors at typo ito, okay? mag expect na kayo.

Thank you and God bless!

Enjoy reading!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 14, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Loving you from a far (SIS #1)Where stories live. Discover now